HINDI NAMAN laging nag-iiwan ng message si Frank sa akin. Pero dahil sa misteryosong comment ni Sander, hindi ko maiwasang umasa mula sa kanya. Gusto kong malaman kung ano ang ibig sabihin ng mga iyon. Hindi ako manhid, kaya heto ako ngayon. Asang-asa pero pilit sinisiksik sa utak na mali ito. Hindi dapat ako umaasa.
Sinulyapan ko ang tulog ng si Susan.
I groaned and slammed my head on the fluffy pillow. Sleep, Julienne. Sleep! One more checked with my cell phone before I totally shut my eyes close. The pain grew in my chest. I'm just nothing but a business partner with him, that's it. Don't expect, Julienne.
Malakas na ungol ang pinawalan ko dahil sa boses ni Gary Tuazon Sopre! Anong oras na ba at bumibida ang baklang 'to sa kuwarto namin. Nagpapadyak ako at naupo, naabutan silang dalawa ni Susan na nakatingin sa akin. Tirik na ang araw sa labas!
"Saan galing 'yang suot mo Gary Tuazon Sopre?" Halos magising ang kabahayan sa sigaw ko. Suot niya ang pinabili ko sa kanyang Boho printed dress.
"Girl, pang-aura kasi. Ong gondo!"
Si Susan ay tawa nang tawa, ngayon ko lang napansin na nakadapa siya sa sahig. Siya ang taga-picture ni Bakla at talagang inunahan pa ako sa damit na 'yon. Sinasamantalang tulog ako, mga walanghiya!
"Saglit lang girl. Ito naman!"
Nagngingitngit ang aking mga ngipin na binato siya ng unan. "Hubarin mo 'yan. Isa!"
"Eto na! Ouch!"
Sa umagang iyon ay nag-heavy breakfast kami. Sabi kasi ni Gatus dahil ang lakad namin ngayon ay bundok. Puwede kaming mag-hot spring. Bumili ng organic essentials. Makapag-fishing. Tatlong oras na paglalakad iyon at choice na namin kung gusto naming sumali sa program na pagtatanim ng corals.
"I'll do the planting," deklara ni Susan nang maka-isang oras kami sa paglalakad.
It's a morning hiking, but still Jasmin and Glen didn't come. Iniba ni Gatus ang itinerary nila sa amin na extreme. May baby sila kaya naiintindihan namin.
Tahimik lang ako sa paglalakad. Malayo sa apat na sobrang ligalig at panay ang kuha ng picture. Ang nauuna sa akin na si Arthur ay tinatapatan ako ng camera.
"How are you, Julienne?"
Tumakbo ako sa batong malaki at tumungtong doon. Alam kong kinukahaan niya ako kaya mula roon ay tumingin ulit ako sa kanya. "I'm the Queen of the jungle!" sigaw ko habang nakadipa ang aking mga braso.
Ngumisi siya. "Yes, you are Juls. And who's the king?"
Lalapit sana si Red kaso kinausap ito ni Gatus para sa selfie nila. Pasimple akong bumaba sa bato at nauna na. Muli akong naging seryoso at pinakiramdaman ang aking sarili.
I've been in many jungles before but this time, I could reminisce something. This kind of weather. The absolute happiness and excitement with my friends. The heavy feeling in my chest as I proceeded on walking and saw the valley on the side. Giving us some other view on the extension of the ocean.
BINABASA MO ANG
The Unnoticed
ChickLit(SPG/R-18) ❤️ Owl City Boys Series - 5 ❤️ Julienne Reese Imperial lived independently in the Owl City main. She had many questions for herself. Why she had this weird ability that a normal person impossible to has. Is it related to her past? At the...