(SPG/R-18)
❤️ Owl City Boys Series - 5 ❤️
Julienne Reese Imperial lived independently in the Owl City main. She had many questions for herself. Why she had this weird ability that a normal person impossible to has. Is it related to her past? At the...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
TULALA ako sa dokumentong nilagdaan ko. Patunay itong isa na ako sa private investor ng Lazarde. Masuwerte ako dahil malaking at internation company ito. Lumalago pa kaya naman lubos akong nagpapasalamat. Kung tutuusin ay ako na yata ang pinakamahirap nilang investor, pero malugod akong tinanggap ng presidente. Nag-offer pa ng pagkakakitaan. Sa paraang alam kong hindi ako mahihirapan, tapos tinanggihan ko lang.
Sumulyap ako sa balkunahe nang marinig mula roon ang malakas na kulog at ulan. Humiga ako sa aking kama at ipinikit ang mga mata.
Tatanggapin ko ba ang alok niya? Am I suit on the job he is offering? Maraming mas sikat at mas magagandang modelo. Ang kapatid niya mismo, pero bakit ako?
Pero kung iisipin lang din, walang problema sa akin iyon. Kaya ko naman dahil parang blogging lang 'yan. Nagagawa ko na ang gusto ko. Kumikita pa ako. Hawak ang oras ko at malaki ang offer niya.
I took my phone and texted him.
Julienne: Good evening, Frank. May sasabihin sana ako. Are you out of the town or you are here? If you're here, can I call you instead?
Pumikit ako ng mariin nang mag-send. Wala pang minuto ay nag-reply siya.
F. Aldrich: I'm out of the country. Answer my call then.
Napaahon ako sa higaan sa gulat. Muntik pang mabitawan ang aking cellphone nang makitang tumatawag na siya. Shit! Nanginginig kong ini-swipe ang screen para sagutin.
"Good evening, Julienne?"
He sounded just woke up. It's deep, big, and crunchy.
Napakagat labi ako sa kilig. "Hi! Uh... naistorbo ko yata ang pagtulog mo. Pasensiya na."
"It is fine, Julienne. You're just three minutes earlier with my alarm clock."
"Oh! I miss counting." Tumawa ako. Muling napakagat labi dahil tumawa rin siya. "Tungkol nga pala sa offer mo."
"Uh huh! Had you decided?"
Why is it felt like his voice were like a lullaby? It's melting my heart. "Oo. Tinatanggap ko na."
"Very good. I will arrange the contract— hold on. I don't want to discuss it over the phone. Shall I met you personally some other time?"
Gustong-gusto ko. "Sure! Next time sasabihan mo ako, 'wag surprise."
Tumawa siya sa biro kong iyon. Ang munting paru-paro sa puso ko malayang lumilipad.
"I'm sorry. I'll give you a notification. Don't worry."
Nakangiti akong tumango. Nangapa sa susunod kong sasabihin. Na-realize kung anong oras na ba sa kanila. "I think you're busy. Ibaba ko na ba?" Napapikit ako. Nahiya kung bakit ang dating ay parang gusto ko pa siyang kausap?