BSK wan :3

115K 2K 496
                                    

"Anak! Gising na! Aba,lagi ka na lang ganyan pag umpisa ng pasukan!" ang yugyog sa akin ni Mama habang nakahiga pa ako. Kanina pa ako gising pero tinatamad akong bumangon. "Bubuhusan kita ng mainit na tubig!"

Sa narinig ay agad akong bumangon at dumiretso sa likod ng pinto para kuhanin ang towel na nakasabit.

"Eto na nga oh!" sabi kong ganyan at lumabas na.

Sumunod si Mama at inihanda ang almusal namin. Nakita ko si Papa na nagkakape na at nakabihis na. Ang gwapo talaga ni Papa,bagay sila ni Mama hindi kumukupas ang kagandahan.

Pumasok na ako sa banyo para maligo. Pagkatapos ay sabay na kaming tatlo nag almusal. Ng matapos ay nauna ng umalis si Papa para pumasok sa trabaho.

Ako naman ay pumasok na sa kwarto at nagbihis ng uniform ko. Medyo nauumay na ako sa uniform ko dahil mag anim na taon na akong nagsusuot ng ganito,this is the last year,kasi gagraduate na ako sa March,Im 6th year high school o grade 12 ya know. Adik ng dEPED at pinauso dito sa pinas ang K to 12 na yan eh,pinapagod ang mga estudyante at mga magulang.

Lumabas na ako pagkatapos ibigay ni Mama ang baon kong P70 pesos. Sosyal no? At ayon lumabas na ako sa compound namin na ang pangalan ay Batis Compound dito sa magandang barangay ng San Miguel sa siyudad ng Pasig.

Wala akong kilala dito kasi nung bakasyon lang kami lumipat dito,sa Caniogan kami dati nakatira.

Naglakad na ako sa gilid ng kalsada,nalampasan ko na ang Jabson Compound,Orchids compound,brgy.Hall at basketball court. Mahabang lakarin din yon bago ako nakarating sa trycicle terminal.

May sakay na ang unang trycicle sa loob kaya sa backride ako. Okay lang para mas malanghap ko ang polluted na hangin ng Pasig,ang sarap singhutin eh!

Dinaanan namin ang brgy.Sagad tas nakarating na kami sa destinasyon,na ang tawag ng lahat ay Kanto,terminal din ng mga trycicle. Actually maglalakad pa ako papunta sa napaka ganda kong school,ang Rizal High School Main o RHS main.

Pagbaba ko ng trycicle ay nagbayad na ako. Bigla akong na excite,sino kaya mga kaklase ko this year? Medyo nalayo ng limang agwat ang section ko ngayon sa dati kong section,na adik kasi ako sa tropa dati.

Nagsimula na akong maglakad,hindi ko pa ako nakakaliko ng may sumitsit sa akin. Hindi ko sana papansinin kaso paulit ulit,kaya nilingon ko.

Paglingon ko,isa ding lalaki na sa RHS nag aaral at matangkad,gwapo pero balahura! Dun ba naman umihi sa eskinitang papunta sa Sagad? Eh ang laki ng nakasulat sa Pader na BAWAL UMIHI DITO,MULTA P50!

Hayup! Naglagay pa ng multa!

Binawi ko ang tingin ko at maglalakad na sana ulit ng magsalita ito.

"Bakla!! Linis tubo! Libre lang!" anito. Inis kong nilingon at pinakita ang junjun nya na ikinanganga ko. Napatingin ako sa paligid,buti walang nakakita. Pagbalik ko ng tingin sa kanya ay naka sara na zipper nya at naglalakad na papunta sa akin. I felt raped ate charo!

Mabilis akong naglakad. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko,ang lakas ng loob nyang ipakita ang junjun nya eh hindi ko naman masyadong nakita.

Gwapo sana,kaya lang bastos!

Ang bilis kong maglakad,hanggang sa tumawid na ako sa rotonda kasabay ng iba pang mga tao at estudyante. Pagdating sa gate ng RHS ay hingal na hingal na ako,ang aga aga ay pinagpawisan ako.

Pagpasok sa loob ay flag ceremony na pala. Ito ang ayaw ko eh,nakaka antok! Mamaya nyan may speech pa ang principal na pagkahaba haba.

"And again,enjoy your stay here and study well." pagtatapos ng principal. Kanya kanya kami ng alis sa pila. Habang naglalakad papuntang Main bldg kung saan ang 6th year ay palingon lingon ako. Sa dami ng estudyante dito bakit hindi ko pa nakikita ang mga kakilala ko?

Ang Bastos sa Kanto! (boyxboy) - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon