Christmas pt.2

18.4K 552 24
                                    

Tanghali na at sobrang init na ng sikat ng araw. Tapos na akong mag apply sa limang pinag apply-an ko. Excited na akong umuwi para makita sina Kiji,Chad at Ioji. Excited din akong tanungin siya kung anong gusto niyang regalo ngayong pasko.

Nagtanong ako kay Khaim at Teban,mga walang kwenta dahil ako daw dapat ang nag-iisip. Na sa tingin ko ay tama. But then,kung mamalasin eh nakasalubong ko si Arloo kanina,I also asked him. Mas maganda daw kung iregalo ko sa kanya si Jiko. Ang ulol lang, ayun tinalikuran ko agad.

Pasakay na ako ng taxi ng mag ring ang phone ko. Si Mama ang tumatawag (mama ni kiji).

"Hello,Ma? Pauwi na ako--"

"Chance! Si Kiji!" Pagkasabi pa lang ni Mama ay bigla akong kinabahan.

"Po? Bakit? Ano si Jiko?" Kinakabahan kong tanong.

"Nabunggo siya ng bus,nandito kami ngayon sa hospital. "

Ano daw? Shit! Damn it!

Ang bilis ng tibok ng puso ko at nangatog ang aking mga tuhod. Bakit iyon nangyari? Tang ina naman!

Agad akong pumara ng taxi,kailangan mapuntahan ko agad si Jiko. Hindi pwedeng mangyari ito.

Pagdating sa hospital ay halos masigawan ko ang nurse sa information desk ng magtanong ako,ang bagal kasi niyang sumagot eh!

"Ma! Anong nangyari na?" Agad kong tanong ng makarating sa Emergency room.

"Nasa OR pa siya,tinatahi ang ulo. At pagkatapos at sasalinan daw siya ng dugo." Umiiyak na sabi ni Mama kaya niyakap ko siya. "Mamaya nandito na ang papa mo. "

Hindi ako makapaniwala sa bilis ng pangyayari. Bakit nangyari ito?

"Kaya ni Jiko yan Ma. Hintayin natin ang resulta." Ang tanging nasabi ko na lamang. Kahit ako ay walang magawa ngayon kundi ang maghintay.

Pagkalipas ng napakatagal na minuto ay lumabas na ang doktor.

"Dok?" Halos sabay naming sabi ni Mama.

"Successful ang surgery,pwede ng mag donate ng dugo. After that ay dapat siyang mailipat sa private room para mas ma-monitor." Sagot ng doktor. Nakahinga ako ng maluwag.

"Okay naman po siya?" Hindi ko mapigilang tanong.

"We will see."

Nang mailipat sa private room si Jiko ay nanlambot na ako,para ng pinipiga ang puso ko. Ni hindi pumasok sa isip ko na makikita ko siya sa ganong itsura,parang may kung anong bumara sa lalamunan ko.

"Kiji,anak. Kaya mo yan. " umiiyak na sabi ni Mama. Pinuno ko ng hangin ang aking baga saka ito binuga. Kailangan magpakatatag ako para kay Jiko.

"Chance,anak. Uuwi muna ako at kukuha ng damit."

"Sige po,ako na bahala dito."

"Kaya yan ni Kiji." Ani pa ni Mama.

"Kayang kaya niya po." Ang sagot ko at tiningnan si Jiko. Bakit sa kanya pa nangyari ito?

Pag alis ni Mama ay kinuha ko ang isang monobloc at inilapit sa hospital bed. Hinawakan ko ang kamay ni Jiko,napakagat labi ako. Hindi ako iiyak,pagtatawanan niya ako.

"Jiko,lumaban ka."

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog. Pag gising ko ay sina Mama at Papa pati ang doktor ang nakita ko.

"I have the result,I have to be honest with you,Ma'am and Sir." Sabi ng doktor. Tumayo ako at lumapit sa kanila.

"Sabihin mo na dok. " ani Papa at nilingon ako.

"Kailangan niyang magising within 48 hours,kung hindi siya magigising, we will declared him as comatose. "

What?! Teka! Ano daw?

Pumalahaw ng iyak si Mama,niyakap siya ni Papa.

At ako naman ay parang nawalan ng lakas at parang biglang nahilo.

Comatose? Bakit si Jiko pa?

Ang Bastos sa Kanto! (boyxboy) - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon