Galit na galit ako kay Chance! Humagalpak pa ng tawa ang gago nung nalaglag ako sa trycicle! Buti na lang nasa Dr.Pilapil pa lang kami nun! Kaya ang ginawa ko,pinagmumura ko sya,pagdating sa bahay ay binigay ko lang ang mga tanong sa homeworks at pinalayas ko na sya.
Kinabukasan ay hirap akong pumasok sa school,para akong na sprain,nagkamali ata ako ng bagsak kahapon. Humanda yang Chance na yan,maka tyempo lang talaga ako! Bayag lang ang walang latay! Humanda talaga sya.
Papunta na ako sa main building ng mamataan ko si Mang Abel (true name,at totoong tao.) ang pinakamatagal at dakilang photographer sa RHS.
"Mang Abel!" ang tawag ko dito,agad naman itong lumapit na nagtataka.
"Bakit Kiji?" hmm bakit nga ba? Napatingin ako sa gate,nakita ko si Khaim na kakapasok lang,kaya nagliwanag ang aking mga magagandang mata.
"Picturan mo kami nun!" sabay turo ko kay Khaim.
"Sige." sabi ni Mang Abel at sinalubong si Khaim. "Papicture daw kayo ni Kiji."
"Po?" at tinuro ako ni Mang Abel,syempre pagtingin sa akin ni Khaim ay nagpacute na ako,kinalimutan ko muna ang galit ko kay Chance at ang injury ko. "Sige po."
"Pwesto na,one,two! Keso!"
At ang saya saya ko,nakapicturan ko agad si Khaim,mamaya sa phone ko naman kami mag picture.
Nagpasalamat na ako kay Mang Abel,mamayang uwian ko na lang kukunin ang picture.
"Para saan yon?" ani Khaim at hinarap ako.
"Wala,remembrance? Salamat sa pagpayag ah?"
"Wala yon. Tara na,baka ma late tayo." aniya at tumalikod na. Nang mapansin nya sigurong hindi ako sumunod ay lumingon sya. "Bakit?"
"Dito ka na talaga mag aaral?" ani ko at tumingin sa paligid.
"Oo,alam mong nag aral ako dito dati?"
"Oo,nakikita kita dati eh." sabi ko naman. Tang ina! Hindi ba dadaan si Teban dito? Mahihirapan ako umakyat sa hagdan at magpapakarga ako sa kanya,kapalit ng tens na marlboro black.
"Ah,tara na. First day ko,hindi ako dapat ma-late. Mapapagalitan ako ni Maam Concepcion." aniya. Wow! Mukhang sa section namin sya napunta ah?
"Sige mauna ka na. You see,may injury ako,nalaglag ako kahapon sa trycicle at hirap ako maglakad,lalo na siguro sa pag akyat kaya pag sa akin ka sumabay,male-late ka pa din,una ka na." ani ko,at kunwari inipit ko ang buhok ko sa aking tenga. Feeling long hair? Huwag kayong makialam!
"Ganon? Alalayan na lang kita? Dapat hindi ka na pumasok? Tara!" lumapit sya sa akin at lumapat ang palad nya sa likod ko,para akong nakukuryente! My gowd! Kaanu-ano kaya ni Khaim si Volta at SailorJupiter?
Sa harap kami ng main building dumaan para hindi kami makipagsiksikan sa pag akyat. Ayokong makaranas ng stampede habang may injury,baka pagtatadyakan ko sila!
"Pasensya na sa abala." ani ko ng sa wakas ay narating na namin ang 6th floor! My gawd! Ang sakit ng alak-alakan at singit ko dahil sa pag iingat sa paghakbang.
"Okay lang yan,tara." at sabay kaming pumasok sa room. Syempre nag 360 degree ang paglingon nila no? "Wala pa pala akong upuan."
"May mga upuang hindi ginagamit sa rooftop,kuha ka ng isa." ang sabi ko naman.
"Sige! Kukuha ako,salamat!" at lumabas na si Khaim ng room.
"Kiji magkapitbahay ba kayo?" tanong ni Karissa.
"Close na kayo agad?" sabi naman ni Aiko.
"What's the meaning of this? Nagtataksil ka sa akin?" sabi ni Teban,sabay yakap sa akin mula sa likuran,pinatong pa nya ang baba nya sa balikat ko. Nagtilian at sigawan tuloy ang mga kaklase namin.
BINABASA MO ANG
Ang Bastos sa Kanto! (boyxboy) - COMPLETED!
SonstigesBOYXBOY GAY YAOI BROMANCE - Isang simpleng kwento na naganap sa simpleng lugar ng Pasig. Isang simple,masiyahing beki na hindi kagandahan ngunit feeling maganda na mababastos ng isang lalaking gwapo na tambay sa kanto. Na sa unang pagkakataon pa lam...