BSK tert tri :3

38.2K 1K 134
                                    

Maaga na akong pumasok kinabukasan kahit na pakiramdam ko ay ayoko ng pumasok. Pero life must go on ika nga,konting tiis na lang din naman ay graduation na at hindi ko na makakasama si Chance.

Sobrang nag aalala na sina Mama at Papa sa akin,pero sinabi ko sa kanila na kaya ko ito. Na part lang ito ng pagiging teenager ko at malalampasan ko din ito. Hindi sila nag comment tungkol kay Chance,they wont judge him. Hindi ganon ang mga magulang ko kahit na mga baliw sila. They love Chance at alam kong naaapektuhan sila sa nangyayari sa amin.

Pagpasok sa gate ng RHS ay huminga ako ng malalim. Pakiramdam ko kasi pag hindi ko pinuno ng hangin ang baga ko ay hihimatayin ako dahil sa kakulangan ng hangin.

Sa gilid ako ng mga benches dumaan para hindi ako mainitan sa sinag ng araw. Pero napatigil ako ng makita kong madadaanan ko si Chance,kasama niya si Vane na naka upo sa isa.sa mga bench at nagtatawanan sila.

Siguro naramdaman nilang may nakatingin sa kanila kaya napatingin sila sa akin. Nawala ang ngiti ni Vane at nagsalubong ang mga kilay ni Chance.

Ang masakit lang,at talagang dumurog ng puso ko ay ng hilahin ni Chance si Vane at halikan sa labi.

That very moment naramdaman ko talaga yung sinasabi nilang nabasag ang puso. Nagsisimula ng mamuo ang mga luha ko,kinagat ko ang lower lip ko at nanginig ko. This is too much pero kailangan kong indahin,ako ang may gusto nito so kailangan magtiis ako.

Matapos ang kanilang halikan ay ngumisi si Chance na para bang sinasabi na 'ito ang napapala mo dahil sa pag let go mo sa akin'.

Gayunpaman,itinuloy ko ang paglalakad,nilampasan ko sila. Hindi dapat ako patalo sa emosyon ko.

"Lalaban pa nga lang ako,isinuko na ako agad? Lakas maka gago." narinig kong sabi ni Chance,Im very much aware na ako ang pinaringgan niya.

Kailangan ko ng ihanda ang sarili ko sa pagbabalik.ng tarantadong Chance. At any rate,kung ano man ang gawin niya sa akin ay tatanggapin ko hanggang sa mawala ang galit.niya sa akin kung iyon lang ang paraan.

Totoo naman ang sinabi niya,ilalaban pa lang niya ang amin ay sumuko na ako. Ano pang sense ng ilalaban niya kung ang pinaglalaban niya ay sumuko.na? Napaka bobo at tanga ko diba? I know.

Nang mag practice na ay parang lutang pa din ako. Damang dama ko na pinapakiramdaman ako ng tropa pero ni isa sa kanila walang nangahas na kausapin ako.

Nang ako na ang umakyat ng stage ay lutang pa din ako.at nanginginig. Nanlalambot na ako talaga,kasunod ko si Chance kaya nagmadali ako makababa sa hagdan.

Pero sadyang inuulan na ako ng kamalasan,hindi ko na kinaya ang panlalabot ng mga tuhod ko. Nalaglag ako sa hagdan,narinig ko ang sigawan ng lahat ng nasa gym.

Paglingon ko ay kitang kita ko ang pagka gulat kay Chance. Lalapit na sana siya sa akin pero bigla siyang tumigil.

"Shit naman Kiji?! Ano bang nangyayari sayo?" ani Teban na agad nakalapit.

"Dalhin mo siya sa clinic." ani Maam na nakalapit na din.

"Susunod kami." ani Khaim.

Sakto nakababa na si Chance sa hagdan at nilampasan niya kami.

Inalalayan ako ni Teban hanggang sa clinic. Medyo natawa pa ako dahil suki na ako sa clinic na ito.

"Mabuti at hindi ka napilayan. Magpahinga ka saglit. Hindi.ka siguro kumain ano? Tingnan mo sarili mo Kiji. You look awfull,hindi ka na tulad ng dati. May problema ka ba?" sabi sa akin ng nasa clinic na kami.

"Okay lang po ako Maam. Nakalimutan ko lang kumain kanina kaya siguro ako nanlalambot." ang sagot ko naman.

"Okay. Magpahinga ka muna dyan." at tumalikod na ito.

Ang Bastos sa Kanto! (boyxboy) - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon