"Ikaw. Nakalimutan kita,kaya bumalik ako."
Putaaaa!! Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Shet na malagket!
"Ano?!" ganyan din sya nung nakaraang hinila nya ako.
"Nakalimutan kita." seryosong sabi ulit ni Chance. Depungal lang talaga,magkaka heart attack ata ako eh.
"Paano mo akong makakalimutan aber?" taas kilay kong tanong sa impakto.
"Nakalimutan kitang asarin!" bigla syang ngumisi. "Huwag panay pa cute kay Khaim,hindi ka magugustuhan nun,lalo pa ngayong mukha ka ng kabayo!"
Nanlaki ang mga mata ko. How dare him?! Ano daw?
"BWISET KAAAA!!" inambahan ko sya ng suntok pero mabilis syang naka atras at nanakbo palabas ng Batis Compound.
"Kita kits sa school,Kiji!!" kaway pa ng demonyo at tuluyan ng umalis.
Gagong yon?! Ganon na ba kalala ang mukha ko? Mukha na ba talaga akong kabayo? Nung nakaraang hinila nya ako,akala ko may sasabihin syang importante,pero nang asar lang din ang gago sabi pa nya:
"Are you stalking me? Hindi mo na mapapabura yung picture natin. Kasi pagpapractice-an ko ang mukha mo dun ng connect the dots!"
Sinapak ko sya nun sa tagiliran,kaya sobra talaga inis ko sa bastos na yon! Tas dinagdagan na naman nya! Nakaka stress talaga sya!
Humanda talaga sya sa akin pag nawala na pamamaga ng mukha ko. Mukha naman nya pamamagain ko.
Inis akong nagpunta sa salamin at tinitigan ang mukha ko.
"Bakit ba kasi ayaw akong iwanan ng mga pimples na ito? Ganon ba nila ako kamahal kahit hindi ko sila mahal? Buset!"
Nang mag gabi na at katatapos lang naming maghapunan ay inutusan ako ni Mama.
"Kiji. Ubos na pala cologne ko? Ibili mo nga ako sa fashion circle."
"Mama naman eh! Kitang namamaga mukha ko eh!" ang agad kong reklamo.
"Gabi naman. Hindi na masyadong mapapansin. Hindi na din masyadong maga. Sa susunod kasi huwag patay gutom ha? Dali na! At bukas ipapacheck natin kay Dra.Blanza ang ngipin mo." konti ng sinabi ko pero ang daming sinagot ni Mama,astig no?
Kaya no choice ako,pagbaba ko pa lang sa kanto eh nakita kong naglalakad si Chance at may kasamang dalawang gwapo. Mukhang galing sila sa Ingen.
May dumaang beki na maganda,mahaba buhok at ang puti pa. Sinipulan nila ito at tinawag. Manyakis talaga! Kahit sino hindi pinapalampas.
Umirap ako sa kawalan at nag iwas ng tingin sa kanila,kaso napatingin si Chance at ngumisi.
Delikado ang buhay ko,eto na ang bastos sa kanto at kailangan ko ng umalis. Agad akong tumawid papunta sa kapasigan,ang bilis ko maglakad ning!
Tinawag ako ni Chance,saglit akong lumingon,sinusandan nila ako! At yung beki na maganda eh iniwan nilang nakanganga!
Naku! Ang sama ng ugali nila! Kung ako sa beki na yun hindi ako nagpadala sa charm ni Chance at sa dalawa nitong kasama.
Parang nilipad ko papuntang Fashion Circle,kahit gabi pinagpawisan ako. Pagpasok sa loob ay nafeel ko na agad ang aircon,ang sarap sa pakiramdam!
Agad na akong pumili ng cologne ni Mama at bumili na din ako ng para sa akin. Nagpunta na ako sa counter at nagbayad. Paglabas ko eh nandun si Chance at yung dalawa nyang kasama,wala na akong magawa kundi ang magdiretso ng lakad.
"Hoy Kiji! Gabi na lumalabas ka pa? Hindi ka ba nahihiya?" ani Chance na sumusunod na naman.
"Wow! Pinapagalitan ang sinisinta." sabi nung isa,pero hindi ko sila pinansin. Nilingon ko ang mga ito ng may mga nanlilisik na mata,pero hindi sila nasindak,tawa pa din si Chance at yung isa. Pero yung pangatlo tahimik lang na nakatingin sa akin.
"Gago! Kasi parang hindi sya nahihiya na lumabas sa ganyang pagmumukha!" tumatawang sabi ni Chance.
Parang gusto ko ng maiyak. Sobra na ata sya? Mali nga ako na nakilala ko sya.
"Nako? Type mo lang,magaling atang sumuso,nasuso ka na ba?" sabi pa nung isang nakikitawa. Mas binilisan ko ang paglalakad pero nakasunod pa din sila.
"Gusto ko nga syang itry eh! Mukhang magaling maglinis tubo." sagot ni Chance,tumawa na naman sila,pinipigilan ko ng tumulo ang mga luha ko.
"Oy mga tol,respeto naman! May pinsan akong bakla! Huwag kayong ganyan!" sabi nung kaninang tahimik na nakatingin sa akin.
Sa narinig ko,dun na tumulo ang luha ko. I hate him!
Lumiko ako sa may eskinita at tumakbo na para hindi na nila ako masundan.
Pagdating sa kanto,sa terminal ng trycicle ay madami ng sumasakay,kaya hinintay ko pa yung susunod na trycicle. Isinusumpa ko talaga,hindi ko na sya papansinin,tangenang yun!
Nang may bakante ng trycicle ay pumasok na ako. Nagulat ako ng pumasok din yung lalaking kasama ni Chance kanina,yung tahimik lang. Gwapo sya at malinis,mukhang may kaya din.
"Pasensya ka na kay Chance ah?" anito ng umandar na ang trycicle. Hindi ko sya sinagot. "Ako nga pala si Adz,taga San Miguel din ako,sa may Maxville."
Maxville? Yung likod ng One Mercedez Plaza? Ang gaganda at ang lalaki ng mga bahay dun ah?
"Kiji. Im Kiji." simple ko lang na sabi.
"Sa Imaculada ako nag aaral. Pasensya na ulit kay Chance."
"Okay lang. Sanay ako sa kanya. Impakto yun eh,bastos at manyakis." ani ko. Gago talagang Chance yon,dapat hindi ko na yun binigyan ng pagkakataon na mapalapit sa akin. Buset sya.
Ng bumaba ako ay bumaba din si Adz. Naglakad na lang kami,at ng nasa Batis na ay itinuro ko sa kanya ang bahay. Nagpaalam na din sya at dumiretso na ako sa bahay.
After three days ay nakapasok na ako,I have my excuse at ang dentista pa gumawa,may pumasok nga daw na maliit na part ng chicharon sa ngipin ko at tumusok sa gums sa loob kaya namaga. Magpapasta ako bukas at next week masusuot ko na ang retainer,straight lang yon at walang design.
"Uy,pumasok ka na pala. Madami kang na missed na lesson." ani Chance,remember,katabi ko siya.
Hindi ko sya kinibo,kinuha ko na lang ang phone ko at nag facebook,nagpaload kasi ako kanina.
Hindi ko muna din pinansin sina Teban,mamaya na lang siguro. For the meantime gusto ko munang tumutok sa lessons.
Pagtingin ko sa account ko eh may mga naka tagged post,puro galing kay Chance,nabadtrip ako at nag exit na lang,hindi ko muna yon titingnan,baka mas masira ang araw ko.
Bumaling ako kay Khaim na busy sa pagbabasa sa notebook nya.
"Uhm,Khaim. Pwedeng mahiram mamaya yung mga notebook mo na may namissed akong lesson?"
"Sure! O gusto mo turuan na lang kita mamayang uwian?" nakangiting sagot ni Khaim.
"Ayaw pa din tumigil sa pagpapa cute,tss." bulong ni Chance pero hindi ko pa din sya pinansin.
"Talaga? Salamat ah?" sakto dumating ang first subject teacher namin. Nagkaroon ng quiz na up to ten lang, 4 lang correct answer ko kasi nga ilang araw akong absent.
Ano ba ito? Hindi man lang ako na excuse kahit sa quiz lang? Takteng yan!
"Four? Ano ba naman yan?! Tsk,inom kasi ng gatas para tumalino. Kung gusto mo mamaya painumin kita ng gatas ko?" bulong ni Chance na nakangisi. Tiningnan ko lang sya ng masama! Hindi talaga sya natitinag.
"Sumbong kita sa girlfriend mo." gigil kong sabi at bumaling sa harapan,nagtaas ako ng kamay. "Maam?! Baka pwedeng excuse ako? Bigyan nyo na lang ako ng special quiz bukas?"
"Hindi pwede Kiji! Dapat kahit nasa bahay ka ay nag a-advance reading ka. Aral yan sayo." sagot ng teacher na ikinapahiya ko.
Humagikgik ang demonyong Chance. Napupuno na talaga ako sa kanya eh. Kaya ang ginawa ko ay sinipa ko ang upuan nya na ikinagulat ng lahat.
"Bwiset kaaa!!" sigaw ko kay Chance. Naiiyak na ako,bakit ko ba sya nakilala? Bakit ko ba sya nagustuhan sa kabila ng pagtrato nya sa akin?
Teka?! Gusto ko sya?!
"Woahh! Anong problema mo?!" gulat na tanong ni Chance.
"Kiji!" nag aalalang tawag ni Khaim.
"Kiji! To guidance office! Now! I wont tolerate that kind of behavior,kung hindi mo matanggap na bagsak ka sa quiz ay huwag kang mandamay ng iba!" sigaw ng teacher namin.
Pinigilan kong huwag maiyak. Nagulat ako sa sarili ko hindi dahil sa ginawa ko. Kundi ang malaman ko sa sarili ko na gusto ko si Chance.
Huminga ako ng malalim at walang lingon likod na lumabas ng room.
Pagdating sa guidance ay inamin ko ang ginawa ko,pero hindi ko na sinabi ang rason,inerecord ito at pumirma ako. Ang parusa sa akin ay ang paglinisin ako sa Cr ng mga boys buong araw,sila na daw ang bahalang ipag paalam ako sa iba ko pang teachers.
Ewan ko,para akong wala sa sarili,tungunu talaga! Hindi pwede iyon,hindi ako pwedeng magka gusto sa bastos na iyon!
Nagsimula akong maglinis sa cr ng boys sa 3rd floor,hindi alam ng tropa o ng mga classmates ko ang parusa sa akin,mabuti na yon para hindi nila ako makita.
Nakakapagod mag mop! Pero laking pasalamat ko na hindi masyadong madumi at mabaho dito sa mga cr ng main building,alaga kasi.
Nang nasa 5th floor na ako naglilinis ay may mga pumasok. Lahat sila ay nagtataka,pero wala akong pakialam,ang importante ay matapos ko ito.
Nang makalabas na ang mga ito ay tumigil muna ako. Pinagpapawisan na ako at nagugutom. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at tiningnan ang oras,malapit na palang mag recess,kailangan ko ng magmadali.
Biglang may pumasok pero hindi ko pinansin kasi mina mop ko yung pang huling cubicle.
"Kiji?! Anong ginagawa mo? Bakit ka nag ma mop?" nagulat ako. Si Chance ang nagtanong. Hindi ko sya tiningnan at nagpatuloy ako sa pagma-mop.
"Ito parusa sa pagsipa ko sayo. Pwede ba? Umalis ka na. Kailangan ko pa tong tapusin?!" asik ko sa kanya.
"Teka?! Bakit ka ba nagkakaganyan? Ano bang problema mo?!" aniya at hinablot ako paharap sa kanya.
Dahil na din sa bugso ng damdamin ay hindi ko na naisip ang sasabihin ko,nagdirederetso na ako ng pagsasalita.
"Problema ko? Ikaw ang problema ko! Sobra ka na sa mga pang aasar at ginagawa mo sa akin!"
"Ako? Bakit ako? Akala ko okay lang sayo kasi sumasagot ka naman! Sana nagsasabi ka! Hindi yung nananahimik ka at bigla na lang magagalit!" sigaw din nya sa akin.
"Oo ikaw! Ikaw ang problema ko! Na kahit anong inis at galit ko sayo eh gusto pa din kita!!" sigaw ko. Natigilan sya at nanlaki ang mga mata.
"G-gusto mo ako?"
Shet! Tengene!
- OH AYAN NA HINIHINTAY NYO. VOTE AND COMMENT PO :D
BINABASA MO ANG
Ang Bastos sa Kanto! (boyxboy) - COMPLETED!
De TodoBOYXBOY GAY YAOI BROMANCE - Isang simpleng kwento na naganap sa simpleng lugar ng Pasig. Isang simple,masiyahing beki na hindi kagandahan ngunit feeling maganda na mababastos ng isang lalaking gwapo na tambay sa kanto. Na sa unang pagkakataon pa lam...