BSK tuu :3

77.6K 1.7K 172
                                    

Dumating na lang ang recess ay badtrip pa din ako dahil sa Chance na iyon. Wala tuloy lumalapit sa akin para makipag kaibigan. Yung mga dati ko kasing tropa nandun sa second bracket. Naadik kasi ako sa kakasama sa mga baklang part ng isang malaking Gang dito sa RHS. Yung mga baklang yun mga pa gurl din tulad ko,pero pag may rambol na parang mga lalaki makipagsapakan.

Sa gitna ako ng Main bldg dumaan para sa paglabas ko ay nasa mga first year na ako,may maliit kasing canteen sa gilid ng main bldg,harap ng science bldg at malapit sa Neptalie bldg.

Pagpunta ko dun ay puno na. Lalong nadagdagan ang bwiset ko,bumuntong hininga ako at napag desisyunang sa RH BLDG na lang ako kakain. Mahaba habang lakaran na naman,lalampasan ko ang Gymnasium,Alumni Hall at Clinic.

Sobrang laki ng school na ito,kaya nga nasali sa Guiness diba? Na pinakamadaming populasyon ng estudyante.

Naglalaban na ang mga mandirigma sa sikmura ko ng marating ko ang canteen ng RH Bldg,agad na akong pumasok at pumila para makabili na ng pagkain.

Maraming bumabati sa akin na mga nakilala ko dati,pero nginingitian ko lang sila dahil mas mahalaga sa akin ang makakain.

Kabisadong kabisado ko na ang school na ito,ang RH ay isang mahabang building na may tatlong palapag na pang third year na nakadugtong sa IR bldg na puro second year lower section na kadugtong ng Amang Rodriguez bldg na pang second year na 1st and 2nd bracket sections. Sa harap ng Amang bldg ay statue nya,at may malaking puno ng Balete ata yon o Rubber tree.

Ang oval ng RHS ay sobrang laki,sakop nito ang harapan ng Neptalie bldg,Main Bldg at RH. Sa dulo ng RH bldg sa left side ay nandun ang Auditorium.

At itong likod ng RH bldg ay ang ilog Pasig. Dati naming tambayan. Dati pwede pang bumaba sa ilog,ngayon may harang na. Dati pwede pang lumabas pag Recess,ngayon hindi na. Madami kasing abusado na hindi na bumabalik sa mga klase nila. At aaminin ko,isa ako dun nung second year pa lang ako.

Mahina ako sa mga academic,kaya sa mga extra curiculum ako bumabawi.

At ngayon nga,tapos na akong kumain dahil sa kakasatsat sa utak ko. Nabusog ako at napadami ang inom ko ng soda at tubig. Ayoko naman mag Cr dito sa RH dahil nasa pinaka dulo pa ng 2nd floor,at laging may mga nagmamarijuana dun.

Kaya eto,nagmamadali na lang akong naglakad pabalik sa Main bldg. Pagdating sa 3rd floor ay agad na akong pumasok sa Cr at dumiretso sa cubicle para maglabas ng naipong tubig sa aking pantog.

"Sasali ka sa Varsity Team tol? Tutal graduate na yung pinaka sikat na player dito,baka ikaw ang pumalit?" boses iyon ng isang lalaki.

"Titingnan ko pa. Diba sa Domingo yung MVP dati?" tengene! Si Chance! At paniguradong kaklase namin yung kausap nya.

Kilala ko si Domingo! Crush ko iyon dati eh! Kaya naging tambay din ako ng gymnasium dati eh.

"Maiba ako tol,okay lang sayo na napunta ka dito sa section namin? Taga saan ka ba?" tanong ng kaklase namin.

"Taga Kapasigan ako." sagot ni Chance.

Taga kapasigan pala,kaya pala nandun sya sa Kanto. Infairness mukha syang mayaman,kaya nga hindi ako makapaniwala eh. Kaya lang manyakis! Bastos!

Narinig ko na lang na lumabas na sila kaya lumabas na din ako at nagtungo sa sink para maghugas ng mga kamay.

Hayup na yan! Feeling ko hindi na ako maganda dahil dito sa tigyawat ko sa pisngi. Bakit ba kung kailan ganito na edad ko eh saka ako tinigyawat? Kainis.

"Kahit gaano mo katagal titigan ang mukha mo,walang magbabago dyan. Bakla na nga,pangit pa." nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig ko.

Pagtingin ko sa pinto ay nandun si Chance naka cross arms pa ang timawa.

Ang Bastos sa Kanto! (boyxboy) - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon