BSK terti wan :3

41.6K 989 139
                                    

Kinaumagahan ay maaga kaming ginising. At dahil dalawang section kami sa isang room ay batch by batch ang pag ligo.

Swerte ko na lang na sina Chance,Teban,Khaim at ang kpop adik na si Jeun ang kasabay ko maligo. Kulitan kami sa cr kaya medyo nainis na ang iba.

Mayat maya nanghihipo at nanghahaplos ng puwit si Chance,napapangiti na lang sina Teban at Khaim,si Jeun naman ay parang sanay na o sadyang wala lang siyang pakialam.

Nang matapos ay nagtipon ulit kaming lahat sa function hall. Sinabi ng isa sa mga sisters na ngayon na daw ang last activity at sa may labas daw kami para mas maganda. Pagkatapos daw ng activity ay pwede ng mag picture taking at mag gala,dapat daw before 12 ng hapon ay nasa bus na kaming lahat.

And so,ganon nga ang nangyari,nagpunta kami sa labas,sa likod ng retreat house,kitang kita ang taal lake at taal volcano at sobrang sarap singhutin ng malamig na hangin ng Tagaytay.

"Are you ready para sa last activity?" ani Father Jules na ang gwapo gwapo at bagong paligo pa. Ano kayang amoy niya? I wonder hmmm..

"Ouch!" bigla akong kinurot ni Chance kaya nilingon ko siya ng nagtataka. "Bakit?"

"Anong bakit? Luwa na mga mata mo at montik ng tumulo laway mo kakatingin kay Father! Hindi pa ba ako sapat?" ang mahina ngunit gigil niyang sabi kaya napangiti ako. Agad akong umabrisyete sa kanya at hinilig ko ang ulo ko sa braso niya.

"Huwag ka ngang magselos diyan. Humahanga lang naman ako kay Father. At saka alam mo naman na ikaw lang ang nag iisa sa puso ko. Peksman!" lambing kong ganyan.

"Weh? Talaga? Mamatay ka man?" ani Chance na nilingon ako.

"Peksman! Mamatay man ak--ay teka! Wala namang ganyanan!" at bigla na lang siyang humagikgik at kinurot ako sa pisngi.

Sobrang sarap lang sa pakiramdam na sa mga ganitong simpleng usapan ay napapangiti at napapasaya ko si Chance. Sana lagi na lang kaming ganito.

"The last activity ay susulat kayo ng one word na pwede niyong e-describe sa taong pinakamalapit sa inyo dito. Ididikit niyo iyon sa kanilang likuran. At pag natapos na ay ipapaliwanag niyo kung bakit ang word na iyon ang best na nagdescribe sa taong iyon." ani Father Jules.

Nagbulungan na naman ang lahat at mukhang na excite. Syempre,malamang sa malamang kami lang naman ni Chance ang magpapalitan ng word na iyon.

At yun na nga,isinagawa na naming lahat ang activity. Karamihan naghahagikhikan,yung iba mga parang ninenerbyos pa na hindi naman dapat.

"Come here." tawag sa akin ni Father. Lumingon pa ako sa paligid para maka siguradong ako nga ang tinatawag niya.

"Ako po?" ang paninigurado ko pa.

"Hindi,yung katabi mong hindi nila nakikita! Nakakaloka ka! Siyempre ikaw!" ang hampas sa akin ni Aiko at nagtawanan lahat.

Nahihiyang napapunta ako sa harapan.

"Sinong dinikitan mo?" ani Father ng makalapit ako.

"Uhm si Chance po." sagot ko naman. Yung mga kaklase namin mga nag si "uuuuyyyy" ang sasarap lang itulak pababa sa tagaytay para gumulong gulong at pagbangon nila nasa Batangas nila sila.

"I see. Come here Chance." ani Father. Nakangising tumayo si Chance at lumapit sa amin. "Kunin mo yung sinulat mo sa likod niya at ipaliwanag."

Kumindat muna ang gago at kinuha yung dinikiylt niya sa likod ko.

"Everything." ang basa ni Chance at ipinakita sa lahat. I dont know why pero nagdribol bigla ang puso ko dahil sa word na iyon.

"Bakit Everything Chance?" tanong ni Father. Nahiya ako kay Father kasi feeling ko nababastos namin siya,alam naman nating lahat na hindi gusto ng simbahang katoliko ang mga same sex relationship o mga same sex marriage.

Ang Bastos sa Kanto! (boyxboy) - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon