BSK tertii :3

46.6K 1.1K 145
                                    

AN/ eto na ang last part ng Valentines special,sana po ay magustuhan niyo. Hindi na ako mag iiwan ng message regarding sa sitwasyon ko sa pag draft at update. Just enjoy this chapter :)

HAPPY VALENTINES PO!

_____________

Pagkatapos ng lunch ay deretso agad kami sa unang activity. Lahat kami ay nagpunya sa function hall,bale limang section kami at hindi ko alam kung paano kami nagkasya sa function hall.

Halos lahat kami ay sa lapag na naka upo,ang swerte lang ng mga naka upo sa upuan makakasandal sila. Pero okay lang,katabi ko naman si Chance at pwede ko siyang sandalan hihi.

Nakaka antok yung sinasabi ng nga madre until may pumasok na isang gwapong pari at montik pa talaga ako mapatayo sa pagkamangha.

"Magandang araw sa inyo,Im Father Jules,ang makakasama niyo hanggang bukas bago kayo umuwi" anito.

Napapakagat labi na lang ako,bakit siya nag pari? Ang gwapo gwapo niya! Pwede pa niyang ikalat ang lahi nya,kainis naman si Father oh.

Tutok na tutok ang mga mata ko kay Father hanggang sa may maramdaman akong kumurot sa tagiliran ko.

"Aaaaaaahhhhhhhh" napasigaw talaga ako at napa angat napatingin tuloy sa akin ang lahat kaya nakaisip ako ng paraan para malusutan ito,ginaya ko yung nakita kong video sa youtube. "Gonna swiinnggh from the chandellier! From the chandellieeeeerrrr!"

Biglang nagtawanan ang lahat ng nasa function hall,binalingan ko.ng tingin ang kumurot sa akin,walang iba kundi si Chance.

Aba,inirapan ako at tinaasan ng kilay saka nag pout! Edi wow! Matindee?!!

"Yes,Kiji?" ani Maam at nakatingin pa din sa akin lahat. Lalo na si Father kaya nahiya ulit ako.

"Wala po. Bigla lang ako na LSS sa chandellier." sabi ko na lang at umayos ng upo.

"As I was saying,Im father Jules,at ako ang makakasama niyo hanggang bukas sa bawat activities niyo. For now,may naisip n akong activity para sa inyo." anito at nilingon ang mga madre sa gilid niya. "Sister"

Lumapit ang mga madre na may dalang mga papel at ipinamigay sa aming lahat.

"Katabi mo na ako naglalaway ka pa kay Father." gigil na bulong ni Chance.

"Ano ka ba? Bakit ka nag iisip ng ganyan? Behave lang ako kaya behave ka din." sagot kong bulong sa kanya.

"Yang mga papel na iyan,diyan niyo isusulat ang mga gusto niyong sabihin sa mga magulang niyo,para na din itong reflection. Lahat lahat isusulat niyo dyan,mamayang gabi.magkikita ulit tayong lahat dito na tapos niyo na ang sulat." ani Father Jules. Nako,bago sa akin ang ganito. Pero sa totoo lang madami akong gustong sabihin kina Mama at Papa.

"Father,pag nakasulat na po kami?" boses iyon ni Khaim,sya lang ata naglakas loob na magtanong.

"Pag nakasulat na kayo,isa isa niyong babasahin iyan dito mamayang gabi. And,dipende.kung ibibigay at ipapabasa niyo yan sa parents niyo pag uwi." ang sagot ni Father Jules. "But for now,gusto kong marinig kayo,yung mga bumabagabag sa inyo na hindi niyo masabi sabi pero gusto niyong may mapagsabihan."

Napatingin ako kay Chance na tahimik. Wala akong alam sa mga magulang niya dahil hindi pa naman siya nagkekwento at hindi pa ako masyadong nagtatanong. Ano kaya ang isusulat niya? Huwag sanang kagaguhan na naman,kokonyatan ko talaga sila.

"So,sino ang magsisimula?" tanong ni Father. Mag nagtaas ng kamay na galing sa isang section,babae ito at siya ang nagsimula.

Madami akong nalaman sa mga ni share ng mga kaklase ko at ng ibang section,nanghinayang tuloy ako na hindi ko sila masyadong kinilala noon. At sa buong oras na iyon ay tahimik.na magkahugpong ang mga kamay namin ni Chance habang nakikinig.

Ang Bastos sa Kanto! (boyxboy) - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon