Dumating ang araw ng graduation. Sa bahay pa lang ay hindi na maalis ang ngiti nina Mama at Papa. Kahit paano ay masaya ako na I make them proud.
Atlast! After six years! Tapos na din ako sa high school! I decided na sa malapit at murang college lang ako,sa Pamantasan ng Lungsod ng Pasig na lang ako mag college.
Pagdating sa school ay chikahan agad sa mga classmates at tropa habang nasa pila. Siyempre hindi mawawala ang selfie dahil kay Karissa.
At dahil magkasunod kami ni Chance,namangha ako ng makita ang parents niya,ang gwapo at ganda ng mga ito.
"Nak,sila ba ang parents ni Chance?" ang bulong naman ni Mama.
"Opo." simple kong sagot. Napatingin si Chance sa amin at ngumiti agad.
"Ma,Pa. Sina Tito at Tita po. Sila po ang tinutuluyan ko pag wala ako sa bahay." pakilala ni Chance sa mga ito.
"Thank you for taking care of our son." sabi ng Mama ni Chance. Tumagilid ako para hindi obvious na nakikinig ako.
"Wala yon. Napaka bait niyang bata at sobrang malapit kasi sila ng anak naming si Kiji kaya anak na din ang tingin namin sa kanya." dinig kong sagot ni Papa.
"Really? Ive heard that name before." ani ng Mama ni Chance.
"Oo,sobrang malapit sila." ani Mama na pakiramdam ko may pait ang pagbitaw ng salita.
"Babae ba ang anak niyo? Kaya siguro malapit sila ni Chance." sabi naman ng Papa ni Chance at tumawa pa.
"Babaero talaga si Chance. Look hindi lang diploma ang ibibigay sa amin. Pati apo! Ang bata pa nila eh. But thats okay." ani.ng Mama ni Chance.
"Ma!" dinig kong suway dito ni Chance.
"Hindi babae ang anak namin. But he is more than a girl. Diba Chance?!" sabi ni Mama kaya lumingon na ako.
"Ma!" ani ko. Nilingon ako.ng mga ito at tinitigan. Nakaramdam ako ng matinding hiya.
"Siya pala ang anak niyo." ani ng Mama ni Chance at ngumiti sa akin. "Thanks sa pagiging mabait na kaibigan kay Chance,ijo."
"Siya ba yung sinasabi ng Tito at Tita mo Chance?" sabi ng Papa ni Chance. Kinabahan na ako,pakiramdam ko.bumibigat na ang hangin at nag iiba na ang atmosphere.
"Opo." sagot ni Chance. Huminga ako ng malalim at tiningnan ako nina Mama at Papa. Hindi ko sinasabi sa kanila na naka buntis si Chance kaya kami naghiwalay. Pero ngayon alam na nila.
"Good thing at dadalhin na namin si Chance---"
"Chance! Kiji! Tara picture ulit! Magsisimula na.ang gradution eh! Pa picture tayo kay Mang Abel!" biglang lapit ni Teban at hinila kami ni Chance kaya hindi ko na narinig ang kadugtong ng sasabihin ni Chance.
"Oh dapat maayos ang posing okay?" Ani mang Abel. Nasa harapan kami ng Gymnasium at yung ibang mga estudyante ay nag pi-picture taking din.
Nasa gitna sina Karissa at Aiko,sa magkabilang gilid nila sina Teban at Khaim. Kami ni Chance ay nasa harapan at naka upo. Umakbay siya sa akin at mas hinapit ako palapit,para akong maghahyper ventilate. Nataranta na naman ang buong sistema ko pati ang puso ko wala na namang humpay sa pagkalampag.
"Say keso!" At kinuhaan na kami ni Mang Abel. "Oh waki naman!"
Hindi ko alam kung ilang shots yun,pero yung huling kuha ang halos tumunaw sa akin. Bigla akong hinalikan ni Chance sa labi at alam kong nagulat din ang tropa.
"Congrats in advance. Im proud of you " bulong ni Chance at hindi ako nakasagot.
"Oh,pwede niyo itong makuha sa kuhaan niyo ng card. Nasa labas lang ako ng gate sa araw na iyon." Ani Mang Abel at umalis na ito.
BINABASA MO ANG
Ang Bastos sa Kanto! (boyxboy) - COMPLETED!
De TodoBOYXBOY GAY YAOI BROMANCE - Isang simpleng kwento na naganap sa simpleng lugar ng Pasig. Isang simple,masiyahing beki na hindi kagandahan ngunit feeling maganda na mababastos ng isang lalaking gwapo na tambay sa kanto. Na sa unang pagkakataon pa lam...