Nakakapagod ang araw araw na practice. Nakaka stress ang init ng araw pero mas nakaka stress pag lagi kong nakikitang naglalambingan sina Chance at Vane tuwing free time.
Hanggang ngayon iniisip ko pa din ang sinabi ni Chance. Malapit ng matapos ang one week niyang binigay pero hindi pa din nagbabago ang desisyon ko. Magalit na ang lahat dahil nasasaktan ko si Chance pero hindi ako maka sarili. Buhay ng bata at kinabukasan nito ang nakataya kaya hindi ko pwedeng.kuhain iyon. Bakit? Si Chance lang ba ang nasasaktan? Mas doble nga yung nararamdaman kong sakit kasi nakikita ko siyang may iba na.
Kami lang ng tropa ang nakaka alam sa pagbubuntis ni Vane,hindi na din sila nagko-komento pa tungkol dun.
"San kayo mag college?" ani Aiko. Kakatapos lang ng practice at nandito kami sa harap ng Gymnasium.
"Hindi ko pa alam." sagot ko naman at iniwasan kong tingnan sina Chance at Vane na kasama din namin.
"Kukuha ako ng entrance exam sa PUP o FEU." ani Khaim. Hay iba talaga pag mapera.
"Ako baka sa infotech lang." ani Teban at bumaling sa akin. "Diba dun nag aaral si Ohm? Ano ng balita sa kanya Kiji?"
"Huh?" napatingin sa amin si Chance. At hindi ko alam kung bakit bigla akong na rattle. "Hindi ko alam. Wala na akong balita sa kanya."
"Kiji. What if binalikan ka ni Ohm? I mean single ka at mahal na mahal ka niya. Would you give him a second chance?" ani Karissa na nagpahirap sa aking hininga.
"Hindi. Hanggang kaibigan lang ang kaya ko ng ibigay sa kanya. Alam niyo naman kung bakit?" ang mahina kong sabi.
"Sus! Ihahanap na lang kita kung ayaw mo na kay Ohm!" ani Teban kaya tiningnan siya ng masama ni Chance. "Oh bakit? Nako pareng Chance move on na. Magiging tatay ka na nga eh."
"Nagbigay ako ng one week na palugit kay Kiji para maayos.namin ang lahat. Huwag niyo siyang pangunahan." ang hindi.nakatiis na sabi ni Chance. Ako ang nahiya para kay Vane kasi napayuko na lang ito. Napaka rude talaga ng gagong Chance na to.
"Nakakahiya naman kay Vane ang sinabi mo Chance? Nandyan siya o katabi mo?! Respeto naman!" inis na sabi ni Aiko.
"Its okay." ani Vane at payak.na ngumiti.
"Tss! Huwag niyo kasi akong.inisin." ani Chance at tumayo. Sakto at lumapit si Maam sa amin.
"Class,punta tayo sa room. I have something to discuss."
"See you later." ani Vane at hinalikan si Chance. Nag iwas na lang ako ng tingin. Ayokong magmukhang kawawa eh.
Pagdating sa classroom ay tahimik kaming magkatabi ni Chance. Napakagat labi ako dahil para akong maiiyak,naalala ko lahat ng mga ginawa namin sa classroom na ito.
"Gusto kong hingin ang opinyon.niyo Class. Mag goodbye party.pa ba tayo o deretso kuhaan na ng class card?" ani Maam. Nag ingay na ang lahat pero iisa lang naman ang sinasabi. Ang magkaroon ng goodbye party.
"Sa isang araw ko hihintayin ang desisyon mo Kiji. Hanggat maaga pa. Hanggat kaya pa nating ayusin." ang bulong ni Chance sa akin.
Himinga ako ng malal. Ang hirap ng ganito,pero dahil nga ginusto ko ay dapat kong panindigan.
"Pumunta ka sa bahay sa isang araw. Ibibigay ko.ang desisyon ko at sana tanggapin mo kung anong kakalabasan." pabulong ko ding sagot.
"Nahihirapan na ako Kiji."
"Ako din Chance. Pero hintayin mo ang desisyon ko."
Nang makauwi ay wala pa ding tao kaya naisipan kong maglakad lakad muna papuntang One Mercedez Plaza ng makita ko si Adz. Napangiti ako,sobrang tagal na naming hindi nagkikita at nakakapag usap.
BINABASA MO ANG
Ang Bastos sa Kanto! (boyxboy) - COMPLETED!
De TodoBOYXBOY GAY YAOI BROMANCE - Isang simpleng kwento na naganap sa simpleng lugar ng Pasig. Isang simple,masiyahing beki na hindi kagandahan ngunit feeling maganda na mababastos ng isang lalaking gwapo na tambay sa kanto. Na sa unang pagkakataon pa lam...