Christmas last part.

31.2K 736 120
                                    

Para kaming bumalik ni Jiko sa umpisa. Panay kami sagutan,pinapabayaan lang naman kami nina Mama at Papa,baka daw sa ganoong paraan ay bumalik agad ang mga nawala niyang alaala. Ang pinagkaba lang, naka wheelchair pa din siya at sira pa din ang kanyang mukha but he doesn't even care kaya mas minahal ko siya.

Lagi kaming nagsisimbang gabi,at lagi niya akong inaaway dahil ako ang nagpapaligo sa kanya. Parang halimaw ang Jiko ko,pero sige lang, ang sabi nila pag nakompleto mo ang siyam na Misa De Gallo ay pwede kang humiling at matutupad daw ito, kaya ganon na lamang ako ka eager na matapos at makompleto ko ito, gusto ko bago man lang magpasko ay bumalik na ang mga alaala niya.

Ika limang simbang gabi,na late ako ng gising,pag mulat ko pa lang ng mga mata nakita ko na nakatitig siya sa akin.

"Nauna na sa simbahan sina Mama at Papa." Aniya.

"Ganon ba?" Agad akong bumangon. "Tara,paliguan na kita. "

"Talaga bang pumasok ka dito bilang boy? At talagang kasama pa ang anak niyo ni Vane?" Seryoso niyang tanong kaya umayos ako.

"Hindi ka ba naniniwala?"

"Hindi,wala akong tiwala sayo,sa lahat ng pang iinis mo sa akin?"

Napalunok ako,ito ang uri ng sagutan namin na nahihirapan akong sumagot. Ngunit ganon pa man kailangan kong gamitin ang dating si Chance,ngumisi ako.

"Ngayon pa? Kulang pa nga mga pang iinis ko sayo,hindi pa ako masaya! Gusto ko na maiyak ka ulit sa inis!" Masakit para sa akin ang magbitaw ng ganong salita,pero kailangan.

"Wow! Kahit ganon pa man,katulong ka pa din dito!"

"Hindi ko nakakalimutan yan! O ano? Papaliguan na ba kita? O nahihiya ka pa din? Huwag ka kasi mahiya,ang akin nga pinagsawaan mo na!" Nakangisi kong sabi.

"Bastos ka talaga kahit kailan!" At binato niya ako ng unan na ikinatawa ko na lalo niyang ikina inis.

"Thats me! Chance,ang bastos sa kanto!" Sabay pogi pose. "o tara na,baka pagdating natin sa simbahan ay tapos na ang misa."

"Bwisit ka talaga! Makalakad lang ako ay gagantihan kitang animal ka."

"Hihintayin ko yun Jiko." Ani ko,kinidatan siya at lumapit na.

"Bwisit! Kinalabutan ako!" Singhal niya na mas ikinatawa ko.

Pagdating sa simbahan ay homily na,panay ang lingon ni Jiko sa paligid,as if makikita niya sina Mama at Papa sa dami ng tao. Ang tanging kinaiinis ko lang ay panay ang tingin nila kay Jiko.

"Itong mga 'to parang wala sa simbahan,ngayon lang ba sila nakakita ng sira ang mukha?" Dinig kong bulong niya,napabuntong hininga ako.

"Hayaan mo sila."

"Huwag kang ano! Isa ka din sa nanglalait sa akin. Tumahimik ka diyan."

Kaya ayon,tumahimik na lamang ako at nakinig,buong Misa akong nakatayo,nandito kami sa likuran dahil sa pagka late.

Pagkatapos magsimba ay dun lang namin nakita sina Mama at Papa,nasa hapan sila ng Jollibee kasama ang dalawang bata.

"Puntahan natin sila! Gutom na ako!" Ani Jiko at tinulak ko na ang wheelchair.

"Wala ka bang naaalala sa Jollibee?" Ang bulong ko sa kanya ng umorder na sina Mama at Papa,kinakausap niya ang dalawang bata at lumipat ang atensiyon niya sa akin.

"Wala!" Taas kilay niyang sagot. "At kung meron man,hindi na dapat maalala."

"Wow! Pa virgin! Okay,sabi mo eh!" Nakangisi kong sabi,kinindatan ko siya at inirapan niya ako.

Nang sumapit ang ika siyam na. Misa De Gallo ay hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Sa Noche Buena magaganap ang pagbibigay ng regalo,ganon padin si Jiko,parang mas okay lang sa kanya na hindi na bumalik ang alaala niya,at tuwing naiisip ko yun parang hinihiwa ang puso ko.

Pati ang pamilya ko ay nandito na lubos na pinagtataka ni Jiko.

"Chance,anak. Huwag kang susuko ah?" Sabi ng Mama ko.

"Hindi ako susuko,amnesia lang yan." Nakangiti kong sagot. "Alam ko nararamdaman niya ang pagmamahal ko pero nalilito pa siya."

"Kuya,kailan babalik memory mo?" Dinig namin na tanong ni Ioji kay Jiko. "Dati ang sweet mo sa amin ni Chad,ngayon hindi na."

Napasinghap siya at nagpalipat lipat sa amin ang tingin.

"We just have to wait,Ji. Ma alala din ni Papu ang lahat." Dagdag ng anak kong si Chad.

"Kids." Ani Jiko. "Mahirap ang sitwasyon ko,magulo pa sa akin ang lahat."

"Dati din ang sweet niyo ni Papu"

"Oo nga! Lagi sila nagki-kiss!"

Nagsalubong ang mga kilay ni Jiko dahil sa narinig.

"Mga bata,huwag niyong kulitin si Kiji. Halina na kayo dito sa hapag, malapit na mag alas dose,kakain na tayo." Ani Papa na kausap ang Papa ko.

Napabuntong hininga ako,naniniwala ako na babalik sa dati ang lahat.

Masaya kaming nagsalo salo sa hapag,nakaka sabay naman si Jiko sa usapan at tumatawa pa. I smiled,sana lagi na lang siyang masaya.

"Merry Christmas!" Sabay sabay naming sabi ng sumapit ang alas dose,niyakap namin ang bawat isa. I hugged Jiko like it was my last hug. I missed him so much.

"H-hindi ako makahinga."

"Sorry,merry Christmas." Ang bigla kong nahiyang sabi.

"Oh! Bigayan na ng regalo!" Ang pag announce ni Mama.

Again,huminga ako ng malalim,bumalik man ang alaala niya o Hindi,he deserves my gift to him.

Nakapagbigay na ang lahat ng regalo,kami na lang ni Jiko ang wala. Tumayo na ako at lumapit sa kanya. Kinuha ko ang kanyang kamay at isinuot sa kanya ang singsing,wala siyang imik.

"Merry Christmas Jiko,yan ang regalo ko sayo,mula ngayon fiance na kita,bumalik man o hindi ang alaala mo." Hindi ko namalayan na tumulo na ang aking mga luha. "Gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita at maghihintay ako sa pagbabalik ng alaala mo kahit gaano pa katagal. Mananatili ako sa tabi mo kahit pa palayasin mo ako."

Pinabayaan ko ng tumulo ng tuluyan ang mga luha ko,tutal si Jiko naman ang iniiyakan ko.

"Hindi ako magsasawang maghintay Jiko,alam kong nagugulahan ka,sorry sa lahat ng sakit ng loob na naidulot ko sayo noon. Pero hayaan mo akong tabunan iyon ng pagmamahal ko." Dagdag ko,hindi ko na alam ang idadagdag ko dahil panay na ang aking pag hikbi.

"Bastos." Napatingin ako sa kanya. Kinuha niya ang kamay ko at may isinuot na singsing. "Hindi mo kailangan maghintay ng matagal,bumalik na sa akin ang lahat ngayon lang pagkakita ko sa singsing."

Hindi ko alam kung anong sasabihin,napatingin ako sa paligid at lahat sila ay nagulat din.

"Mahal na mahal din kita,lagi kong nararamdaman pero nalilito ako. Pero ngayon,bumalik na ang lahat,hindi tayo pinabayaan ng Diyos."

"I love you Jiko!" Niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko.

"I love you too,bastos sa kanto."

"I love you more,Jiko." Hinalikan ko na siya,narinig ko ang palakpakan ng mga kasama namin.

"Teka" bumitaw si Jiko sa among halikan.

"Bakit?"

"Saan tayo magpapakasal?" Tanong niya na ikina ngiti ko.

"Kahit saan,basta kasama ang mga kaibigan at pamilya natin."

At muli,inangkin ko ang matatamis niyang labi na matagal ko ng inasam na matikman.

---
THE END!
kita kits as book four!
Read book 2 and book 3

Ang Bastos sa Kanto! (boyxboy) - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon