BSK twenti wan :3

55.8K 1.2K 317
                                    

Im here at the library,busy doing my things. Naks! English! Yun nga,nandito ako sa library at gumagawa ng draft ng sulat para kay Chance,yung sa project namin. Masarap din tumambay dito sa library kasi aircon at sobrang lawak.

"Kaya pala. Now I understand." boses ni Khaim sa likod ko kaya agad kong tinupi yung papel.

My gowd! Nabasa nya ang sulat? Kaya nilingon ko agad sya.

"K-khaim! Anong ginagawa mo dito?"

"Para saan ba ang library? Ikaw talaga." nakangiti nyang sabi at pumwesto sa harapan na bakanteng upuan at naupo. "Huwag mo na yang takpan,nabasa ko na. Im sorry kung binasa ko."

"Ano,uhm.."

"Its okay Kiji. Atleast ngayon alam ko na ang rason kung bakit hindi mo ako magawang mahalin. Makakapag move on na ako." aniya at binuklat na ang dala nyang libro.

"Sorry Khaim. Hindi ko din kasi mapigilan eh. Uhm,nakakahiya sayo. Gusto mo isauli ko na din yung phone?" ang nahihiya kong sabi.

"Bakit mo isasauli? Regalo ko yan. And besides you don't have to feel guilty. Masaya ako na nasa tropa lang ang mahal mo. Sana lang mapansin nya ang damdamin mo. Or else--"

"Liligawan mo ako ulit?" pamumutol ko sa sasabihin nya,napangiti naman si Khaim.

"Silly,may iba na akong nagugustuhan,taga sa amin. What I mean is,dapat mapansin ka na nya,or else baka maunahan sya nung isa mo pang manliligaw."

Napangiti ako dahil dun. Kahit siguro anong mangyari hindi mapapansin ni Chance ang damdamin ko,napaka platonic kaya. At isa pa,masaya ako na kasama si Ohm,nung isang araw eh namasyal kami. I like him,hindi imposibleng mahalin sya.

"Masaya ako para sayo,Khaim. Sorry talaga ah? At saka alam mo ba,si Ohm? Okay sya. Oo nga at mahal ko si Chance pero imposibleng mapansin nya ako,kahit pa siguro umulan ng napakadaming pokemon hindi nya mapapansin ang damdamin ko." sabi ko at ngumiti. Natanggap ko na sa sarili ko kung hanggang saan lamang kami ni Chance.

"Huwag kang magsalita ng tapos. Nothing is set in a stone. Maaaring may magbago pag nabasa nya ang sulat na yan. At alam mo kung anong tingin ko kay Chance?" ani pa ni Khaim,mas inilapit ko tuloy ang mukha ko para mas madinig sya,humina kasi ang boses nya.

"Ano?!"

"Kampante sya. Kampante syang hindi mo sya iiwan o ipagpapalit. Para bang iniisip nya na,whatever happens sa kanya ka babagsak." pabulong na sabi ni Khaim.

"Ano ka ba?! Hindi yun mag iisip ng ganon?! Hindi naman kami magjowa no?!" frustrated kong sabi at ngumiti lang si Khaim.

Naalala ko tuloy nung akala ko tulog na si Chance at sinabi kong lagi lang akong nasa tabi nya. Yun ba ang pinanghahawakan ni Chance?

Nang uwian na,paglabas ko ng gate ay nakita ko agad ang nakangiting si Ohm na naghihintay.

"Mag isa ka ata? Nasan mga tropa mo?" aniya ng lumapit sa akin. Actually,may isang subject pa pero umuwi na ako at tinext ko nga si Ohm.

"May last subject pa. Pero gusto ko na kasing umuwi. Pasensya ka na at naabala pa kita." sagot ko naman.

"Its okay. Tapos na din naman lahat ng class ko. Saka missed na din kita." aniya at kumindat. Nakakapanginig talaga ng laman pag gumaganyan na sya,kulang na lang talaga ay maihi ako.

Unti unti na akong naniniwala na maganda nga ako. Kamusta naman? Sa dinami dami ng magandang babae at beki sa Pasig ay ako pa ang nagustuhan ni Ohm? Parang panaginip lang.

"Bolero!" sabi ko at humagikgik sya.

"Gusto mong sumama muna sa bahay? Basta magpaalam ka muna sa parents mo. Mag watch tayo ng movies at ililibot kita sa subdivision." aniya pa at umakbay sa akin.

Ang Bastos sa Kanto! (boyxboy) - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon