Prologo

1.8K 63 22
                                    

Para kay daisysolomonvidal




Ako si Ana Marie.
Noong una, hindi ako naniniwala na nakapag time-travel si Maria.
Pero noong nanggaling kami sa Isabela, naniwala na ako dahil sa nakita kong painting nila ng isang lalaki na ang pangalan ay Julian. Ang lola daw ni Ka Lucio na nagngangalang Ningning ang nagpinta non.

Hanggang sa nitong mga nakaraang araw, may mga tao akong napapanaginipan. Hindi ko sila kilala. Pero patuloy nila akong hinihila sa maliwanag na pinto.

At ito, paggising ko hindi ko alam kung nasaan ako. Kisame kaagad ang bumungad sa akin. Napatingin ako sa malaking bintana kung saan pumapasok ang simoy ng hangin. Napaupo ako sa kama nang marealize kong wala ako sa bahay.

Inalis ko ang kumot na nakapatong sa mga hita ko. Kitang-kita ng dalawang mata ko na nakabaro't saya ako.

Napatingin ako sa bumukas na pinto ng kwartong ito. Bumungad sa akin ang napakagandang babae na nakita ko. Natural na natural ang ganda nya na bumagay dahil sa kulay kahel nyang saya. Nakapuyod din ng maayos ang buhok niya at nakangiting naglakad palapit sa akin.

"S-sino ka? N-nasaan ako?" Dere-deretso kong tanong.

"Marahil ay nawalan ka ng ala-ala. Ako ang iyong Ina." Hahawakan sana nya ang kamay ko pero iniwas ko yon.

"Nasaan ako?" Tanong ko sa kanya. Tumayo sya at inayos ang kurtina sa bintana.

"Narito ka sa ating Hacienda. Anak, alam kong hindi ito ang tamang panahon. Ngunit nais kong sabihin sa iyo na patay na ang ama at tiyuhin mo." Naguguluhan akong naglakad palapit sa kanya.

"Sinong namatay?" Tanong ko. Sa pagkakaalam ko kasi matagal nang patay si papa. At kung tiyuhin lang din ay marami akong tiyo na nasa probinsya.

"Pumanaw na ang iyong Ama. At rebelde ang kumitil ng laniyang buhay." Tumulo ang luha sa pisngi niya pero agad din nyang pinunasan 'yon.

"H-hindi ko po maintindihan." Saad ko sa kanya. Tumingin lang sya sa akin habang ngumiti ng mapait.

"Hayaan mong ipaintindi ko sa iyo anak." Nakangiti nyang hinaplos ang pisngi ko.

"Sa mga susunod na araw ay baka sakaling bumalik na ang iyong ala-ala." Naglakad na palabas ng pinto ang nagpakilalang Ina ko. Naistatwa ako sa isiping bumalik ako sa nakaraan dahil sa lalim ng pananagalog ng babaeng nakaharap ko kanina lang. Plus itong soot kong saya na may balabal pa sa balikat.

Naglakad ako palapit sa malaking salamin. Tiningnan kong mabuti ang itsura ko. Ako pa naman ito. Walang nabago sa mukha ko. Pero bakit niya ako tinawag na anak?

Napayuko ako sa naiisip ko na baka nga nangyari sa akin ang nangyari kay Maria Krishnel. Pero bakit? Anong dahilan?

Napabuntong-hininga nalang ako. Mukhang kailangan kong tibayan ang loob ko. Hindi ko man maipaliwanag nang malinaw at maayos na paraan, pero alam ko na nasa ibang panahon ako. Kailangan ko lang umaktong nabibilang ako sa panahon nila.

Mula sa kasalukuyan, bumalik ako sa nakaraan sa hindi maipaliwanag na dahilan.

*********************

Yieee! Anong masasabi nyo sa ating prologo? Ihanda nyo na ang mga puso nyo dahil kakaiba ang Book 2 na ito *Evil laugh*

Ps. Mahal ko kayo ❤

-Nomdeplume 🤘🏾

Yesterday, Once More [On-hold]Where stories live. Discover now