"Maayos ba ang suot ko Paulita?" Tanong ko kay Paulita na nasa kanang bahagi ko habang nakaharap ako sa salamin.
"Ubod ka ng ganda, Señorita!" Masayang sagot naman sa akin ni Paulita. Napangiti nalang ako at the same time ay kinakabahan. Ngayon na kasi ang araw ng kasal ni Lorenzo at maagang umalis sina Martina at Merlinda na hindi naman nagpasabi kung saan nagpunta. Oh god! Kayo na po ang bahala sa mangyayari mamaya.
"Halika na Ning-ning. Baka mahuli tayo sa gaganaping misa." Bumaba na kami ni Ning-ning at nagtungo sa harap ng bahay kung saan nakahanda na ang kalesang gagamitin namin. Agad kaming sumakay at ilang minuto lang ay narating na namin ang simbahan.
Sa panahong ito, uso na rin pala ang design sa harap ng simbahan at kung anu-ano pang mga palawit sa pinto nito. Pagpasok ko ay umupo na kami sa kanan dahil sa kaliwang mga upuan nakapwesto ang mga lalaki. Ayos na ayos ang buong loob ng simbahan. Medyo marami-rami na kaming nasa loob pero mas marami ang nasa labas.
"Paulita, bakit hindi pumapasok ang mga tao sa labas?" Tanong ko kay Paulita na maayos ang pagkaka-upo. Kung hindi ko lang kilala ang babaeng 'to ay malamang napagkamalan ko nang may kaya sa buhay eh. Sobrang ganda kasi at kahit pa katulong siya, sobrang hinhin niya hindi katulad ko na galawgaw.
"Hindi sila maaaring pumasok, Señorita. Sapagkat ang loob ng simbahan sa ganitong okasyon ay para lamang sa ninong, ninang, mga magulang at kamag-anak at para lang sa malalapit na kaibigan." Bulong sa akin ni Paulita. Wait, malalapit na kaibigan? Feeling close naman yata kami at dito pa talaga kami pumwesto sa pangatlong row ng upuan?
"Pagpalain nawa ang binatang ito na siyang tatayong haligi ng kanilang tahanan. Poprotekta sa anumang pagsubok at ang siyang bubuhay sa kaniyang magiging pamilya. Ginoong Lorenzo Concepcion..." Inilahad ng padre ang kamay niya sa may pinto kung saan naglalakad si Lorenzo kasama ang tatay nito sa gitna ng simbahan. Nakatingin lang ang lahat ng tao sa kanya at may kanya-kanyang ngiti sa mga labi.
In-announce isa-isa ang ilang ninong at ninang habang si Lorenzo naman ay matiyagang naghihintay sa harap ng altar.
"At ang pinakahuli, ang tatayong ilaw ng kanilang magiging tahanan. Ang gagabay sa kanilang mga supling, Binibining Moniña." Napatingin ako sa pinto ng simbahan at doon ay lumabas si Ning-ning. Sobrang ganda niya sa traje de boda niya na kumikislap-kislap pa ang disenyo. Marahan siyang naglalakad sa gitna at kasama ang tatay niyang si Ka Pedring na laging kasama ni Don Rafael. Napatingin ako kay Lorenzo na maya't-mayang pinupunasan ang luha sa gilid ng mata nito dahil sa sobrang saya. Masasabi kong true love nga ang nararamdaman nila para sa isa't-isa.
Nang marating ni Ning-ning ang asawa ay nagsi-upo na kaming lahat. Nagkaroon ng maikling seremonya tungkol sa pag-aasawa at dumako sa pagsisindi ng kandila. May hawak na tig-isang kandila si Ning-ning at Lorenzo pagkatapos at iginiya sila ng padre sa gawing kanan para sabay nilang sindihan ang isang kandila doon.
"Inyo nang nasindihan ang pag-iisang kandila na ang ibig sabihin ay iiwan niyo na ang masasamang gawain noong kayo'y mga binata't dalaga pa lamang. Ikaw lalaki, lagi mong pakatatandaan na ang mga babae ay hindi ubas na kapag bagong pitas ay sagana at matamis. Huwag mong ihahalintulad ang isang dilag sa ubas na kapag matagal na ay kumukulubot at nawawalan ng lasa. Iyong ipangako na kahit sa inyong pagtanda ay mamahalin mo siya ng lubusan at huwag kalilimutan ang dyos na maging sentro ng pag-iibigan."
Nang matapos ang seremonya ay ini-announce na ng padre na sila'y legal nang mag-asawa. Magarbong palakpakan ang natanggap ng dalawa habang nakangiting naglalakad palabas ng simbahan kung saan sinasalubong ng mga ito ang mga bulaklak sa ere.
Natigil ang lahat sa isang putok ng baril na umalingaw-ngaw sa buong simbahan. Ang iba ay napayuko at ang iba naman ay nagsitakbuhan na palabas ng simbahan. Nakita ko ang isang lalaking may suot ng salakot na nakatago sa likod ng malaking pader kung saan naroon ang malaking krus. Napatingin ako kay Julian na nakayuko at hinahanap ang bumaril habang si Lorenzo naman ay pinoprotektahan ang kanyang asawa at nagmamasid din sa paligid. Tumayo si Lorenzo pero bigla ding natumba nang may sumulpot sa likod nya at pinukpok siya sa ulo. Bigla siyang natumba sa sahig saka nagmadaling tumakbo ang lalaki.
YOU ARE READING
Yesterday, Once More [On-hold]
Исторические романыPlease read HUNDRED YEARS GAP first before reading this. Thank you 💜 Segundo libro de la Brecha de los cien años