Capitulo Diez

705 19 7
                                    

Ang capitulong ito ay nakalaan ng buong puso para kay BinibiningJanella ❤ Happy Valentines day sa inyong lahat 💜






Ana Marie's POV

Ilang araw na ang lumipas magmula noong nangyari sa simbahan. Narito ako sa kwarto ko at inaalala ang mga kinuwento ni Paulita sa akin kahapon.

"Paulita, nagtataka lamang ako. Saan nanggaling ang balitang biglang nawala si Patria sa mga bisig ni Julian nang mabaril ito?"

"Iyon rin ang aking ipinagtataka, Señorita. Nanggaling raw mismo iyon kay Señorito Samuel bago pa ito tuluyang pumanaw. Ngunit ngayong narito naman pala si Binibining Patria'y iniisip marahil ng mga kabaryo na nawala lamang sa tamang pag-iisip ang Señorito."

"Pero bakit hindi naman alam ni Julian na magkasama sila noong panahon na nakipaglaban sila sa gobyerno?"

"Iyon nga po Señorita Laura. Maging si Ginoong Lorenzo ay wala namang alam patungkol sa nangyari gayong naroon naman siya sa Isabela nang mga panahong iyon."

"Oo nga, pati si Ning-ning ay kasama doon sa Isabela pero wala din siyang alam."

"Alam niyo ho ba Señorita na doon sa nasabing lugar ay siyang itinatayong bahay nina Ginoong Lorenzo at Binibining Ning-ning? Tuloy na tuloy na ho ang kasal."

Hindi ko lubos maisip kung paano nila nakalimutan ang nangyari kay Krishnel pero kung ano man 'yon, kailangan kong malaman. Not now but soon.

"Señorita, oras na po ng pananghalian. Pinatatawag ka na ni Señora Martina." Napatingin ako kay Paulita na nakasilip sa pinto ng kwarto ko kaya tipid ko siyang tinanguan at mabilis na inayos ang sarili para sa pananghalian.

"Laura!" Bati sa akin ni Merlinda na nakapwesto na sa harap ng lamesa.

"Magadang tanghali po tiyang." Hindi talaga ako sanay na 'tiyang' ang tawag since sa probinsya namin ay tiya o kaya naman ay auntie. Noong napunta ako sa Manila, tita na ang tawag ko sa mga nanay doon lalo na sa mommy ni Krishnel. Haaaay, I miss that bitch.

"Hija?" Napakurap ako sa pagtawag ni Merlinda kaya nagmamadali akong umupo sa kanan ni Martina. Nasa dulo naman si Martino at katapat ko naman si Merlinda. Ano kayang meron at mukhang nagfamily reunion ang Villareal? Though hindi naman tunay na Villareal si Merlinda dahil asawa lang siya ni Constantino Villareal na tiyuhin ni Laura o ako sa panahong ito. Namana lang ang apelyido.

"Ah-- anak. May nais sabihin ang iyong tiyo." Naiilang na sabi sa akin ni Martina saka sumubo ng kanin kaya napatingin ako kay Martino.

"S-si Merlinda ang nararapat na magpa-alam niyan, Martina." Nag-iwas tingin sa akin si Martino kaya napatingin ako kay Merlinda.

"Hindi ba't anak mo iyan, Martina? Ikaw na ang magsabi sa kanya." Boring na sabi ni Merlinda kaya napakunot ang noo ko. Ano naman kaya ang dapat kong marinig sa tatlong ito at pinagpapasahan nila ako? Aber!

Tumikhim muna si Martina bago nagsalita. "Anak, mayroon lamang kaming hihingiing pabor sa iyo---" Huminga muna siya ng malalim bago nagpatuloy. "Nais sana naming mapalapit ang iyong loob kay Julian." Nakapikit na sabi niya kaya napakunot lalo ang noo kong nakatingin sa kanya.

"Concepcion?" Nagtatakang tanong ko kay Martina saka ito napatango. "Bakit naman ako lalapit kay Julian? Para saan?" Tanong ko pa dito.

"H-Hindi ba't may lihim kang pagmamahal kay Julian Concepcion noon pa lamang kung kaya't ipinaki-usap mo sa aking asawa na kumbinsihin si Julian upang ika'y pakasalan?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Merlinda. Seryoso?! May gusto ang tunay na Laura kay Julian? The heck Laura! Hindi man lang ako nasabihan kahit sa panaginip?! Nakakahiya tuloy na nagkikita at nakakausap ko si Julian nang wala akong kaalam-alam. Ano naman kaya ang iniisip ni Julian kapag nasa paligid ako? Baka naman iniisip niya na nagpapaepal ako sa kanya? The heck.

Yesterday, Once More [On-hold]Where stories live. Discover now