Capitulo Once

558 14 13
                                    

Ang capitulong ito ay nakalaan para kay Olaeng maligayang pagbabasa 💜

Ana Marie's POV

Masaya naming natapos ang pag-aayos ng bahay nila Lorenzo. Kumagat na ang dilim pero itong baba palang ang natatapos namin. Bukas nalang daw tatapusin ang second floor ng bahay. Mula kahapon ng tanghali nawala na ako sa hacienda. Ano kayang iniisip ngayon ni Martina? Baka akala naman niya nakidnap na ako. Napa-ihip ako sa ilang hibla ng buhok ko na nalaglag sa harap ng mukha ko. Nakaligo na ako kanina pang tanghali. Bumili kasi kami ni Ning-ning sa bayan ng baro't saya na pamalit dahil hindi ko naman ito napaghandaan.

"Kahit pa mumurahin ang sayang iyan ay talaga namang bumagay sa iyo, Señorita Laura." Napatingin ako kay Ning-ning na kumakain na ngayon. Mamaya pa siguro ako kakain. Nag-ihaw sila Julian ng talong at naghiwa ng kamatis saka sila nag prito ng isda. Natatakam ako sa kinakain nila pero wala pa kasi akong gana.

Lumabas ako ng kubo saka umupo sa damuhan at tumingin sa kalangitan. Maraming star ngayon at sobrang kikinang.

"Kay ririkit ng mga bituin ano? Alam mo ba Laura na ang mga talang iyan ang repleksyon ng tao?" Napatingin ako kay Julian na umupo sa tabi ko at nakatingala sa langit. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Paano mo naman nasabi 'yan?" Sabi ko sa kanya saka muling binalik ang tingin ko sa kalangitan. Tumikhim muna siya saka nagsalita. "Kapag iyong tinitigan ang mga 'yan, mas nangingibabaw ang mga makikinang na bituin hindi ba? Sila ang sumisimbolo sa mga taong masagana ang buhay. Taong palaging masigla at masaya. Taong makabuluhan ang pamumuhay at taong lubos na nagmamahal na tila walang pinoproblema." Huminto siya saka nagsalitang muli. "At kung iyong mapapansin, may mga tala ring walang buhay at hindi makislap katulad ng iba. Sila naman ang repleksyon ng mga taong may hinanakit sa buhay at pasan ang mundo. Walang kulay ang buhay at tila pinagkaitan ng swerte. Sila ang repleksyon ng mga taong sawi sa lahat ng bagay. Hindi ba't kay lungkot ng mga ito? Naaayon ito sa kalagayan ng tao..." Pahina ng pahina ang sinasabi ni Julian na mahahalata mong isa siya sa malulungkot na bituin sa langit.

"Kung ano man ang iniisip mo kay Patria. Nasisiguro kong nasa maayos siyang kalagayan ngayon." Napatingin siya sa akin nang may makahulugang tingin kaya tipid akong ngumiti sa kanya. "Papasok na ako sa loob. Kung ano man ang pinagdadaanan mo, sigurado akong malalampasan mo rin 'yan." Iniwan ko na siya doon mag-isa habang nakatulala pa rin sa kalangitan saka na ako nagpahinga.

Kinabukasan, maaga naming sinimulan ang pag-aayos sa second floor nang mapansin kong wala si Julian. Lumapit ako kay Lorenzo saka nagtanong. "Nasaan si Julian?" Tanong ko sa kanya. Kasi dapat siya ang tumutulong sa kuya niya. "H-Hindi ko a-lam." Sagot ni Lorenzo habang hirap na hirap itong itulak ang malaking platera sa ding-ding kaya lumapit ako at hinawakan ang kabilang side ng cabinet saka ito binuhat.

Lumaki ang mata ni Lorenzo nang nakatingin sa akin. "Bilisan mo Lorenzo, nangangawit ako oh. Ang bigat-bigat nito eh. Nakatunganga ka lang d'yan." Naiirita kong sabi sa kanya kaya binuhat niya ang kabilang side saka namin dinikit sa ding-ding.

Gulat pa ding nakatingin sa akin si Lorenzo. Aba! Sanay ako sa buhatan dahil doon sa probinsya namin, lahat ng kapit-bahay ko pinag-iigib ko ng timba-timbang tubig. Limang piso kada timba kaya tiba-tiba.

Naglakad ako papunta sa hagdan nang sitahin ako ni Lorenzo. "S-Saan ka pupunta, Señorita?" Tanong niya sa akin kaya nilingon ko siya. "Pupuntahan ko si Julian. Baka kasi maluslos kana sa kabubuhat d'yan." Nakita kong namula ang mukha ni Lorenzo saka napaiwas ng tingin kaya tuluyan na akong bumaba at lumabas ng bahay. Saan naman kaya nagpunta ang gunggong na 'yon?

Naglakad-lakad pa ako hanggang sa makasalubong ako ng dalawang binatang lalaki. "Mga kuya, kilala niyo ba si Julian?" Tanong ko sa kanila. Nagkatinginan muna silang dalawa bago sumagot. "Si Ginoong Concepcion ho ba ang iyong tinutukoy, Binibini?" Tumango ako bilang sagot. "Naroon po siya sa bakanteng lote sa likod ng lumang simbahan." Napatingin ako sa tinuro ng lalaki at namangha sa nakita. Is this the famous San Pablo church dedicated to Nuestro Padre Santo Domingo de Gusman?! Omg! Hindi ko akalain ito! Napuntahan ko na ito noong 9 years old pa lang ako. Hindi dahil mamasyal kundi dahil namatay ang tiyahin ko na taga dito sa Isabela. Pero hindi ko akalain na mas makikita ko ito ng malapitan.

Yesterday, Once More [On-hold]Where stories live. Discover now