Para kay Binibininani
Ana Marie's POV
Binuksan ko ang awang ng pinto ng kwarto ko at sinilip iyon kung sakaling may tao sa labas pero wala naman akong nakita kaya lumabas na ako.
Bumungad sa akin ang malaking hagdan pababa kaya dahan-dahan akong bumaba dahil may pagkamadulas ang kahoy. Dumeretso ako sa salas pero walang tao. Tahimik ang buong bahay kaya naisipan kong libangin ang sarili ko sa pagtingin-tingin ng litrato na nakasabit sa ding-ding. May malaking painting ng mag-asawa sa pinakagitnang bahagi. Nakatayo ang lalaki habang nakapatong ang dalawang kamay nito sa babaeng nakaupo at seryoso ang mukha.
Napatingin ako sa iba pang painting at napansin ko ang litrato ko doon. Sobrang dami. Iba't-ibang kuha pero wala naman akong matandaan na nagpapicture ako ng ganito.
"Señorita. Halina po kayo't mananghalian. Umalis po si Señora kung kaya't ibinilin nya kayo sa akin. Ako po si Paulita. Ang iyong tagapag-silbi." Napakunot ang noo ko sa babaeng nasa harap ko ngayon. Maayos ang kulay blue na saya nya na may nakapatong na puting parang apron na tinernuhan ng puting camesita at may nakalagay ding puti sa ulo nya.
"H-hindi ko naman kailangan ng katulong." Sabi ko sa kanya. Totoo naman, nabuhay akong mag-isa sa Maynila at ako na din ang nagpa-aral sa sarili ko.
"Ngunit kailangan nyo pong kumain, Señorita. Mahigpit pong ibinilin iyon ni Señora." Paliwanag nya pa habang magkahawak ang dalawa nyang kamay.
"Sige, pero pwede mo ba akong sabayan?" Tanong ko sa kanya. Bakas sa mukha nya ang gulat sa sinabi ko.
"A-ako po? S-sasabayan kita, ikamo?" Gulat nyang tanong habang namimilog ang dalawang mata nya.
"Oo? Bakit? wala naman sigurong problema sa pagsabay kumain?" Nag-aalinlangan kong sagot sa kanya.
"Ako'y hamak na tagapag-silbi lamang, Señorita. Hindi ho maaaring dumikit ang alinmang parte ng katawan ko sa inyong hapag. Mayroon po kaming sariling hapag na nakalaan para sa mga tagapagsilbi." Napa-awang nalang ang bibig ko dahil sa sinabi nya? Seryoso ba sya? Ganon kahigpit sa bahay na to?
"Oh sige, ganito na lang. Kahit maupo ka lang sa harap ko at kwentuhan mo ako tungkol sa buhay ko. Nawala kasi ang mga ala-ala ko kaya kailangan ko ng pagtatanungan." Pagsisinungaling ko. Napa crossed-finger pa ako dahil umaasa akong papayag siya at hindi nga ako nabigo.
"Ako na po ang magsasandok para sa iyo, Señorita." Kinuha nya ang sandok at akmang sasandukan ako pero pinigilan ko sya.
"Ako na. Kaya ko na ito. Dalaga na ako kaya maupo ka nalang dyan at kwentuhan mo ako." Sagot ko at mabilis na nagsandok ng maraming kanin. Marami kasing nakahandang ulam sa mesa kaya mapapasabak ako ng kain ngayon panigurado.
Napatigil ako sa pagkain ko nang makita kong gulat ang expression ng mukha ng babaeng nasa harap ko. Naalala kong nasa ibang panahon pala ako kaya napa-ayos agad ako ng upo saka dahan-dahang kumain at pasimple kong pinulot ang mga nalaglag na kanin sa gilid ng plato ko.
"Hehe. So anong klase bang buhay ang meron ako?" Tanong ko sa babaeng nasa harap ko.
"Ay teka! Ano bang pangalan mo? Hindi ko pa natatanong eh." Sabi ko pa sa kanya sabay kagat ng manok. Nawe-weirdohan na yata sya sa magaslaw kong kilos na hindi kaaya-aya sa mata kaya dinadaan ko nalang sa pilit na tawa.
"Ahh. Ang ngalan ko po ay Paulita. Halos tatlong taon na rin ho akong naninilbihan sa inyong Hacienda. At kung iyo pong tatanungin, Ikaw ay nabibilang sa marangyang pamumuhay dito sa bayang ito." Gusto ko sanang magreact ng "Oohh" kaya lang narealize ko na magmumukha akong tanga pag nagkataon kaya nanahimik nalang ako at inayos ang pagkilos.
YOU ARE READING
Yesterday, Once More [On-hold]
Historical FictionPlease read HUNDRED YEARS GAP first before reading this. Thank you 💜 Segundo libro de la Brecha de los cien años