Capitulo Tres

908 29 14
                                    

Dedicated to Criselet





Ana Marie's POV



Bumaba ako sa salas at nagderetso sa kusina. Umalis daw si Martina kaya naman ngayon lang ako lumabas ng kwarto dahil hindi ko talaga matake ang kaitiman ng budhi nya kaya mas minabuti ko nalang na magstay sa loob ng kwarto ko.

"Señorita Laura." Nagbow sa akin ang mga kasambahay na nasa kusina na nagmemeryenda ngayon.

"Nasaan po si Paulita?" Tanong ko sa kanila. Napansin ko kasing wala sya doon.

"Ahh--nasa silid po si Paulita. Nagpalit lamang po sya ng kamesita, Señorita Laura." Sagot sa akin ng isang kasambahay.

Napansin kong kumakain sila ng pandesal pero mukhang matigas na iyon at wala pang palaman. Nagkakape din sila nang walang gatas hindi katulad sa panahon ko na nauso na ang 3in1, coffee mate at iba pang nausong gatas na nilalagay sa kape.

"Sige, babalik nalang po ako." Sagot ko. Kapapasok ko pa lang sa dining area pero narinig ko na silang nag-uusap.

"Hindi pa din ako makapaniwala rosing! Bumait na ngayon si Señorita Laura. Biruin mong gumamit pa sa atin ng 'po' ano?" Rinig kong sabi ng isang kasambahay kaya napangiti ako.

Nagtingin ako sa mga closet na nasa itaas ng counter ng bahay ng maaaring palaman at nakita ko doon ang isang garapon na ang nakalagay ay

Mantikilya ni Mang Ben

Nakangiti akong lumabas ng dining room saka pumasok sa dirty kitchen. Nadatnan kong nandoon na si Paulita at nagkakape.

"Heto po ang mantikilya. Sa inyo nalang po yan at gamitin nyong palaman." Nakangiti kong sabi sabay lapag ng garapon sa mesa.

Wala ni isa ang umimik. Nakatingin lang sila sa garapon ng mantikilya saka tumingin sa akin.

"Ngunit Señorita Laura, tiyak na magagalit ang Señora kapag napansin nyang bawas na ang paborito nyang mantikilya." Nagaalalang wika ni Paulita.

"Hindi bale, ako ang bahala. Basta huwag nyong sasabihin at ako na ang bahalang magrason kay Ina." Sagot ko na kinapaniwala nila. Isa-isa silang naglagay ng mantikilya sa mga tinapay nila.

"Mas masarap po yan kung lalagyan nyo ng asukal." Nakangiti kong usal.

Hindi naman maipaliwanag ang mga mukha nila. Saka ko nalang naisip na ako nga pala si Laura Villareal kaya dapat aktong mayaman ako.

"Ahh--ibig ko pong sabihin ay masarap lagyan iyan ng asukal. May nakapagsabi sa akin na kaibigan noon." Palusot ko nalang.

Kumuha si Paulita ng asukal at saka naglagay sa tinapay na may mantikilya. Ganon din ang ginawa ng iba.

"Napakasarap nga ng mantikilya kung ito ay lalagyan ng asukal! Maraming salamat po Señorita Laura sa napakasarap na miryenda." Nakangiting wika ng matandang kasambahay.

"Walang anuman po. Magpakabusog lang po kayo." Sagot ko naman.

Nang matapos silang kumain ay umakyat na din ako sa kwarto ko. Tinignan ko ang mga librong babasahin ni Laura. Nacatch ng attention ko ang isang libro na pinamagatang 'La Ultima Promesa' .

Umupo ako sa higaan saka nagsimulang magbasa. Nanghinayang ako sa ikalawang pahina dahil Spanish pala ang librong ito. Wala akong maintindihan kaya nilagay ko nalang sa ilalim ng unan ko.


Sinilip ko ang labas ng bintana. Palubog na ang araw. Alas cuatro na siguro ng hapon.

Lumabas ako at hinanap ang nagdadrive ng kabayo sa Hacienda. Kahit papano ay namukhaan ko ito nung pumunta kami sa palengke.

Yesterday, Once More [On-hold]Where stories live. Discover now