Sa tagal kong di nakapag update ng Capitulo ay sana maintindihin nyo pa rin ang takbo ng storya.
Ang Capitulong ito ay para kay Lhady_MitCh06
Salamat sa pagbabasa.
-------------------------
"G-gising na si Binibining Patria."
Halos pumutok ang tenga ko sa narinig ko. Hindi ako nakakilos. Ni isa sa amin ay walang umimik. Napatingin ako kay Julian na napayuko lang habang napahawak naman sa braso ni Lorenzo ang asawa nito.
Tila may dumaang anghel sa pagitan naming lahat.
"Ayos lamang sa amin kung hindi pa kayo makapunta sa Hacienda. Kailangan kayo ng inyong ama, Ginoong Julian." Mahinang sabi ni Maria.
"M-Magpapahangin lamang ako sa labas." Sinundan ko ng tingin si Julian at napansin kong pinunasan nito ang kanyang luha bago pa lang bumagsak sa pisngi niya. Pati ang mag-asawa ay nagpaalam na sa amin na harapin muna ang bisita habang ang magkapatid na Del Mundo ay uuwi na.
Naiwan akong naka-tanga doon dahil iniisip ko lahat ng nangyayari.
"Señorita, hindi nyo po ba dadalawin si Patria?" Tanong sa akin ni Marina. Umiling ako ng marahan dahil hindi pa ako handang harapin ang katotohanan. Hindi pa ako handa sa mga mangyayari. Hindi ko alam ang sasabihin ko at baka kapag nakita ako ni Patria, mahimatay nalang bigla sa pagka-stress dahil isa akong Villareal.
"H-hindi na muna. Bibigyan ko muna si Patria ng ilang linggo para magpahinga." Malumanay kong sabi kay Marina. Tumango ito saka ako nilampasan at sumunod sa nanay at kapatid nito na nakahanda nang umuwi. Maya-maya lang ay inaya ko na si Paulita na umuwi na rin dahil masyado nang maraming nangyari sa araw na ito. Baka hindi ko na kayanin pa kung may malaman pa akong iba.
Narating ko ang Hacienda pero wala sina Martina kaya umakyat na ako sa kwarto ko at nagpahinga.
Tatlong araw pa ang lumipas nang matapos ilibing si Don Rafael. Halos buong bayan ay nakidalamhati sa pamilya Concepcion. Nang matapos ang libing ay agad din akong umuwi dahil nahihiya ako sa pamilya nila Julian dahil sa ginawa nina Merlinda.
Kinabukasan paggising ko, naabutan kong nag uusap-usap ang mga kasambahay kaya hinanap ko si Paulita at tinanong ang nangyare.
"Inilipat na po sa Maynila ang nanggahasa sa dalaga. Ayon pa sa kanya, siya rin daw po ang pumatay doon sa nakahandusay noong araw na tutungo tayo sa pamilya Del Mundo. Isa raw po siyang rebelde at inutusan lamang daw siya ni Don Rafael." Nabigla ako sa sinabi ni Paulita.
"Umupo na po bilang Gobernador-cillo ang kapatid ni Martina na si Don Martino." Dagdag pa niya na lalong nagpagulo ng utak ko.
"Bakit hindi nalang si Lorenzo ang pumalit sa kanyang Ama?" Nagtatakang tanong ko.
"Marahil po ay dahil sa pagkanulo ng rebeldeng dinala sa Maynila."
"Pinagkanulo? Hindi! Naniniwala akong hindi nagsasabi ng totoo ang lalaking 'yon! Halika at samahan mo ako kina Julian!" Dali-dali kong hinigit si Paulita at dumeretso sa kalesa.
Nang marating namin ang Hacienda nina Julian ay agad akong sinalubong ni Ningning nang may pag-aalala sa mukha.
"Señorita, halikayo't pumasok." Pagpasok namin ay agad na sinara ni Ningning ang pinto pati na ang mga bintana.
Bumaba sina Julian at Lorenzo buhat pa sa ikalawang palapag.
"Julian, umupong gobernador si tiyo Martino mag-iingat kayo. Nasisiguro kong lalo lamang lalala ang gulo." Natataranta kong sabi sa magkapatid bago pa man sila makaupo.
"Maraming salamat sa pagtulong sa amin Señorita. Hindi pa nga natatapos ang aming pag-iimbistiga sa taong pumatay kay Ama ngunit heto't mayroon nanamang paratang sa kanya." Napatigil ako sa sinabi ni Lorenzo. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang nakita ko kung sino ang pumatay kay Don Rafael noong araw ng kasal nya pero mas nanaig sa akin na dapat muna sigurong palamigin ang ulo ng magkapatid. Naaawa ako sa kanila. Wala silang kalaban-laban o kaalam-alam man lang. Mas malala pa ito sa patayang nagaganap sa Manila sa taon ko dahil dito, kahit na inosenteng tao basta kinrusan ng kaaway ay nasa bingit na ng kamatayan ang buhay.
YOU ARE READING
Yesterday, Once More [On-hold]
Historical FictionPlease read HUNDRED YEARS GAP first before reading this. Thank you 💜 Segundo libro de la Brecha de los cien años
![Yesterday, Once More [On-hold]](https://img.wattpad.com/cover/170945476-64-k176624.jpg)