Capitulo Catorce

589 26 8
                                    

Dalawang araw na nang umalis sila Martina dito sa bahay. Dalawang araw din akong hindi lumabas. Ngayon, aalis ako at dadalaw kila Julian.

Inaayos ko ang buhok ko nang pumasok si Paulita sa kwarto ko. "Señorita, hindi ka muna ba manananghalian bago umalis?" Umiling lang ako sa sinabi ni Paulita. Sa totoo lang, ilang araw na nga akong walang gana kumain. Kakain man ako pero halos ilang subo lang.

"Ayos lang ako Paulita. Kayo na muna ang bahala rito sa bahay." Lumabas ako ng bahay saka pinahanda ang kabayo. Oo, pinaalis ko ang kalesa para mag-isa nalang ako papunta kila Julian. Ayoko nang magpahatid tsaka marunong naman ako dahil natrain ako dati sa baguio.

"S-Señorita, s-sigurado ka bang alam mong p-patakbuhin iyan? Mayroon naman tayong kutsero!" Sigaw ni Paulita. Nginitian ko lang siya ng tipid saka ko pinatakbo ang kabayo. Matulin ang takbo ng kabayo at halos lahat ng masasalubong kong tao ay nanlalaki ang mata sa nakikita nila.

Malayo palang pero tanaw ko na sa bahay nila Julian na maraming tao. Pinabagal ko ang kabayo hanggang sa maglakad nalang ito at huminto sa harap ng bahay nila Julian. Nagtinginan sa akin ang mga tao roon. Napapikit ako sa isiping marami ang nagmamahal kay Don Rafael.

"S-Señorita? Nasaan ang inyong kutsero?" Napukaw ang pagkatao ko nang tanungin ako ni Lorenzo. Bumaba ako sa kabayo habang hawak ko pa ang lubid ng kabayo.

"Antoñito! Pakilagay ang kabayong ito sa kwadra." Utos ni Lorenzo sa lalaking nagseserve ng kape ng mga bisita. Nilapag niya ang tray sa bakanteng upuan saka lumapit sa akin at kinuha ang lubid at dinala ang kabayo sa likod-bahay.

"S-Saan mo natutunan magpatakbo ng kabayo, Señorita?" Hindi ko pinansin ang tanong ni Lorenzo at humakbang na ako paakyat sa bahay nila. Elevated kasi ang bahay nila kaya may ilang baitang ng hagdan bago pumasok ng bahay.

Nanahimik si Lorenzo nang masdan ko ang mga bisita sa loob ng isang kabaong na bukas. Sa makalawa na raw ililibing si Don Rafael. Lumapit ako sa kabaong saka mariin siyang pinagmasdan. Alam kong nakatingin sa akin ang mga bisita ng Señor pero wala akong pakialam. Bigla nalang tumulo ang luha ko kaya napatalikod ako sa bangkay saka dali-daling pinunasan ang luhang tumulo sa mata ko.

"Maraming salamat nga pala sa pagsagip sa akin, Señorita." Nginitian ko ng tipid si Lorenzo saka umupo sa bakanteng upuan.

"Ikinuwento sa akin ng aking asawa ang nangyari, paano mo nga pala iyon natutunan? At saan?" Ang alin ba ang tinutukoy ni Lorenzo?! Nanlaki ang mata ko nang marealize ko na yung CPR ang tinatanong niya sa akin.

"N-Nasaan nga pala ang asawa mo?" Pag-iiba ko ng tanong sa kanya. Biglang lumungkot ang itsura ni Lorenzo saka napasandal sa upuan.

"Nagpapahinga. Napuyat iyon kagabi sa pag-aasikaso sa mga bisita." Sagot ni Lorenzo saka tumingin sa katawan ng tatay niya di-kalayuan sa amin.

"Nakikiramay kami, Ginoong Lorenzo." Napatingin kaming pareho sa nagsalita. Si Doña Talina kasama ang dalawang anak na sina Maria at Marina.

Tumango lang si Lorenzo saka pinaupo ang tatlong babae. "Kukuha lamang po ako ng maiinom." Sabi ni Lorenzo saka kami iniwang apat.

"Señorita, narito ka rin pala." Tumango ako kay Doña Talina at sa dalawa pa nitong anak.

"Kamusta kana, Señorita?" Tanong sa akin ni Maria na nakipagpalit pa sa kanyang nanay para lang maging magkatabi kami.

"Ayos lang..." Tipid kong sagot sa kanya. Dumating si Lorenzo at dala-dala ang meryenda kaya kumuha ako ng cookies at kumain.

"Ginoong Lorenzo, nasaan si Ginoong Julian?" Tanong ni Maria. Tumingin lang si Lorenzo sa kanya saka nito tinuro ang second floor ng bahay nila. "Nasa taas. Hindi pa siya pumapanaog buhat nang mawala si ama." Kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata ni Lorenzo habang sinasabi 'yon. Sa nakikita ko, parehong mababaw ang pakiramdam ng Concepcion brothers. Ang pinagkaiba nga lang ay hindi showy itong si Lorenzo.

"Ganoon ba? Mayroon lang sana akong nais ibalita sa kanya." Sagot ni Maria saka sumimsim ng kape.

"M-Mangyaring sa susunod mo na lamang ibalita kay Julian pagkat wala pa siya sa tamang kondisyon. Nawa'y iyong maintindihan." Bakas sa mukha ni Lorenzo ang pag-aalala sa kapatid kaya medyo na-touch ako.

"Walang problema. Tama nga sigurong ipahinga na muna niya ang kanyang pag-iisip." Sagot ni Maria saka marahang kumagat ng cookies.

Teka, babalaan ko na ba ang pamilya Del Mundo? Eh ano namang sasabihin ko? Na may nagtatangka ng buhay nila? Baka naman magmukha akong madam Auring nyan.

"Señorita, ayos ka lamang ba?" Napakurap-kurap ako nang marinig ko si Maria na nagsalita sa tabi ko.

"A-Ahh o-oo. Ayos lang ako. Magpapahangin lang ako sa labas." Nagmamadali kong nilisan ang loob ng bahay saka tumambay sa harap ng bahay. Makulimlim ngayon kaya kahit tanghali ay walang araw pero mainit pa rin dahil sa singaw nito.

"Anong ginagawa mo rito, Binibini?" Napalingon ako sa tabi ko at nakita ko ang batang heneral.

"N-Nagpapahangin lang..." Tumingin ulit ako sa kahabaan ng taniman ng ubas sa di-kalayuan mula sa harapan ng bahay nila Julian.

"Napakabuting tao ni Don Rafael kung kaya't ako ma'y hindi ko akalaing ganito ang kahahantungan ng kanyang pagkamatay. Hindi bale at nais ko ring bigyan ng hustisya ang kanilang pamilya kung kaya't ako'y nagpapa-imbestiga na." Wala akong masabi sa sinabi ng batang heneral. Madaling sabihin na si Martina at Merlinda ang may kagagawan nito pero parang umuurong ang dila ko kaya mas nagawa ko nalang manahimik.

"Señorita Laura, pinatatawag po kayo sa loob." Sabi sa akin ng isa sa katulong nila Lorenzo. Nagpaalam ako sa batang heneral at saka pumasok sa bahay. Naabutan kong nakatayo ang lahat na tila pa nananalangin. Nang matapos ay nagsiupuan narin ang lahat.

"Naroon po sina Binibining Ning-ning." Sinundan ko ng tingin ang tinuro ng kasambahay saka pasimpleng naglakad papunta sa kusina.

Lahat sila napalingon sa akin nang dumating ako. Sina Maria, Marina, Ning-ning at Lorenzo.

"B-Bakit?" Kinakabahang tanong ko.



"G-Gising na si Binibining Patria."

💜💜💜💜

Saka ko na ilalagay ang mga dedication kapag tapos na ang kwentong ito.

Yesterday, Once More [On-hold]Where stories live. Discover now