Ang capitulong ito ay para kay jellyjeni
Maraming salamat sa pagbabasaaaa :) Nawa'y magustuhan mo.----------------------------
Ilang linggo mula nang magkaroon nang napakalaking paratang kay Don Rafael. Sa linggo na 'to ay wala naman masyadong nangyari bukod sa paglipat ng magkapatid na Concepcion sa Isabela para na rin sa kanilang kaligtasan.
Narito ako sa Hacienda Villareal kung saan nagbabasa lamang ng libro sa aking kwarto dahil nagbalik na ulit dito sina Martina. Ayoko muna sanang makita o makausap si Martina dahil sa kasamaan nito.
Niligpit ko ang binabasa kong libro at saka bumaba. Naabutan ko si Martina sa sala at maayos na nakaupo.
"Saan ka pupunta?" Napahinto ako sa tanong nya sa akin nang hindi ako nililingon pero hindi ko nalang sya pinansin at saka ako dumeretso paalis.
Nang marating ko ang pamilihan ay naglibot-libot ako at nagtingin na rin ng mga palawit na nilalagay upang pangdisenyo sa kwarto. Masyado na akong naboboring sa bahay dahil nagkukulong lang ako sa kwarto at para na rin may mapaglibangan ako.
Gusto ko sanang dalawin si Patria kaya lang hindi pa ako handa. Marami pa akong tanong sa matanda na hindi nya pa nasasagot katulad na lang ng kung bakit ko pa babaguhin ang nararamdaman ni Julian kung hanggang sa present ay mahal nila ang isa't-isa? Ano ang mali dito sa nakaraan na pilit nyang pinapabago? Mali bang magmahal? Oo, pag sobra hindi na tama pero yung nagbago ang tao dahil sa pagmamahal ay ibang usapan na 'yon.
Mabilis na tumakbo ang oras at naisipan kong sa isang Hacienda ni Martina nalang ako magpapalipas ng gabi kaya habang hapon pa lang ay naglakbay na ako papunta doon.
Narating ko ang Hacienda na tahimik marahil ay iilan lamang ang kinuha ni Martina na tauhan dito kumpara doon sa tinitirahan namin. Ni hindi ko nga alam kung bakit pa sya kukuha ng panibagong Hacienda kung meron naman kami?
Pumunta ako sa wine cellar at kumuha ng alak na nagmula pa sa New Orleans. Mayroong baso doon kaya naman hindi na ako pumunta pa sa kusina. Tahimik na tahimik ang bahay at ilang tao lang ang nakikita ko sa labas na nagtatrabaho kahit na medyo kumakagat na ang dilim maging sa Hardin, gulayan at palayan.
Uminom ako ng isang lagok at napaimpit ako dahil gumuhit iyon sa lalamunan ko. Nang makaramdam ako na malapit na akong malasing ay lumabas na ako ng cellar.
Kaya ko pa naman ang sarili ko. Medyo hilo lang ako ng kaunti.
Aakyat na sana ako ng hagdan upang magpahinga nang may marinig akong umuungol sa sakit. Hindi naman sa naging green ang utak ko. Kinabahan lang ako dahil wala namang gaanong tao dito.
Sinundan ko ang impit na ungol pero halos lahat nang kwarto ay wala namang tao. Nag-iimagine na ba ako sa kalasingan ko?
"Argh!" Kasabay ng pagimpit na 'yon ay may narinig akong natabig na tila nalaglag sa di kataasang lugar. Napalingon ako sa likod ko at sinundan ang ingay. Hanggang sa napunta ako ulit sa wine cellar. Nilibot ko ang paningin ko sa kabuunan ng lugar pero tanging shoting glass at alak na ginamit ko kanina lang ang nandoon. Aalis na sana ako nang umungol nanaman ang taong tila mamamatay sa sakit na nadarama. Naglakad ako papasok hanggang gitnang ng kabuunan ng kwarto. Hindi ako maaaring magkamali. Dito ko naririnig ang impit na ungol na 'yon.
Naghintay pa ako ng ilang minuto doon saka sya umungol ulit ng sunod-sunod kaya dali-dali akong naglakad sa pinakasentro ng cellar at dahan-dahan kong kinatok ang ding-ding na pinaglalagyan ng mga alak. Lalo akong nagulat nang marinig kong kumatok pabalik ang nasa likod ng ding-ding na 'yon. Teka, hindi kaya multo ito? Pero meron bang dumadaing na multo? Sa palabas lang yata. Natauhan ako nang kumatok pa ulit ng tatlong beses kaya dali-dali kong hinila ang buong tukador at dahan-dahan iyong nagbukas. Kaunting awang lang ang nabuksan ko at sobrang dilim sa loob. Sinindihan ko ang gasera na nasa sulok ng counter at marahan akong naglakad papunta sa loob. Unti-unting lumiwanag dulot ng gaserang hawak ko ang ilang parte doon. Isa itong kwarto na may maliit na lamesa sa sulok. Nilibot ko ang paningin ko sa loob hanggang sa naramdaman kong mayroong humawak sa binti ko. Halos hindi ako makagalaw at nanlalaki ang mga mata ko. Rinig na rinig at ramdam ko din ang lakas ng tibok ng puso ko. Dahan-dahan kong nilingon pababa ang humawak sa paa ko na halos ikawala ng lasing ko.
YOU ARE READING
Yesterday, Once More [On-hold]
Historical FictionPlease read HUNDRED YEARS GAP first before reading this. Thank you 💜 Segundo libro de la Brecha de los cien años