Dedikasyon para kay Binibining LeeYanne05 Maraming-maraming salamat sayo dahil sa walang sawang pagsuporta mo sa akin ❣ walang sawang paghihintay ng update. Lalo't laging nagpapa-notice hehe so para sayo ang Capitulong ito ❤
Ayan na po si Julian Concepcion ❣ pogi no? Yieeee 😘Ana Marie's POV
Dalawang araw din akong hindi lumabas ng Hacienda. Hindi ko feel lumabas magmula nung malaman kong si Julian ang jowa ni Krishnel. Naaawa ako para kay Julian at the same time ay nakokonsensya ako dahil hindi nila alam kung sino talaga ako. At nag eexist ba talaga ako? Kung katulad kay Krishnel na hindi din pala ako mageexist after kong matapos ang misyon ko, paano nalang ang mga maiiwan ko? Si Martina? Eh pano kung wala talaga syang anak na Laura? Pag bumalik ako sa taon ko, paano na? Si Paulita? At sa iba pang makikilala ko? Argh!
Napasabunot ako sa buhok ko na basa dahil kaliligo ko lang. Nakaharap ako sa salamin at sobrang daming pumapasok sa isip ko.
"Señorita, pumanaog ka na't mananghalian. Sina Señora at Señor Martino ay kanina pa naghihintay." Tumango nalang ako kay Paulita saka sinabayan sya sa pagbaba.
Narito pala ulit si Martino. Akala ko umuwi na siya sa bahay niya noong nakaraang araw.
"Hija, ika'y may kaputlaan ngayon. Ayos ka lamang ba?" Tanong sa akin ni Martino saka ako umupo sa tapat niya.
"Madalas na nakararamdam ng pagkahilo ang aking anak tinong. Ano sa iyong palagay ang nangyayari sa kanya? Ipinatingin ko na siya sa pinakamagaling na manggagamot sa bayan ngunit hindi naman nito maipaliwanag ang kanyang kalagayan pagkat malusog naman daw ang kanyang pangangatawan." Napayuko ako sa litanya ni Martina. Kahit ako naman hindi ko alam ang dahilan ng pagkahilo ko. Siguro, dahil sa pagbalik ko dito sa taon nila na labag sa mata ng dyos. The heck! Naniniwala pa din ako sa dyos at ito siguro ang epekto.
"Ikaw ba'y nagdadalan-tao, Hija?" Napatingin ako bigla kay tyong tinong nang nanlalaki ang mga mata ko. Nagdadalan-tao?! Diba buntis ang ibig sabihin 'non? Matatanggap ko pa kung nagdadalan-bulate eh dahil sa lakas kong lumamon. Pero buntis? I'm a freakin' virgin for heaven's sake!
"Laura." Nagbalik ang isip ko sa reyalidad nang tawagin ako ni Martina.
"Ah-- H-Hindi po ako n-nagdadalan-tao. W-wala pa po sa isip ko ang p-pag aasawa." Napayuko ako nang sinabi yun. Ano bang naisip ni tyong tinong para sabihin 'yon? Pag nahihilo, buntis agad? Bilis ah.
"Paulita, iyong iimpake ang damit ni Laura ngayon din." Sinundan ko ng tingin ang mabilis na pag-akyat ni Paulita.
"I-Ina, s-saan po tayo pupunta?" Tanong ko kay Martina. Ngumiti siya sa akin bago sumubo ng pagkain. Nang manguya at malunok 'yon, saka siya nagsalita.
"Tayo'y dadalaw sa ating panibagong Hacienda." Nanlaki lalo ang mata ko sa sinabi niya. Bagong hacienda?
"Mayroon akong nabiling bagong lupain at patatamnan ko iyon ng mga aanihing gulay at prutas upang ilako sa bayan. Isa din iyong malaking pagkukwartahan, Hija." Napakunot nalang ang noo ko sa sinabi ni Martina saka pinagpatuloy ang pagkain.
YOU ARE READING
Yesterday, Once More [On-hold]
Historical FictionPlease read HUNDRED YEARS GAP first before reading this. Thank you 💜 Segundo libro de la Brecha de los cien años