Dedikasyon para kay Binibining JudelynEscobido Maraming salamat sa pagbabasa ❣
Ginoong Lorenzo Concepcion
Ana Marie's POV
Kung gaano kabilis ang andar ng sinasakyan kong kalesa, ganon din kabilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko malaman kung bakit. Siguro, hindi ko alam ang pupuntahan ko doon o ang sasabihin man lang. O dahil gustong-gusto kong pumunta doon sa hindi malamang dahilan. Ewan ko ba? Naguguluhan ako.
"Ayos ka lamang ba, Señorita?" Napapitlag ako nang marinig ko si Paulita sa tabi ko at napatingin sa kanya.
"Señorita, Ikaw ba'y handa nang harapin ang pamilya Del Mundo? Kung ika'y nagdadalawang isip ay maaari ko na lamang pabalikin ang kale---"
"Hindi. Ayos lang ako at kaya ko silang harapin." Pagputol ko sa sinasabi ni Paulita kaya nanahimik na ulit siya.
Ilang minuto pa ay narating na namin ang Hacienda ng mga Del Mundo. Kumpara sa hacienda namin, may kalakihan din ito at marami ding pananim. Maaga pa pero may mga nagtatrabaho na sa anihan at taniman.
Huminto ang kalesa sa tapat ng isang malaking bahay. Natulala ako dahil hindi ko alam kung bababa ba ako o uuwi na lang.
"Narito na tayo, Señorita. Hindi ka pa ho ba bababa?" Napakurap-kurap ako sa sinabi ni Paulita na nasa baba na ng kalesa at saka ako tumikhim.
"Ahh-- b-bababa na." Nauutal kong sabi sa kanya saka bumaba. Tinignan ko mula dito ang taas ng bahay nila at masasabi kong malaki nga ito ng kaunti sa bahay namin.
"Sino po sila?" Napatingin ako sa matandang nasa pinto ng bahay. Nakasuot ito ng puting baro't saya. May katandaan na ito ayon sa kulubot ng balat at may ilang puting parte na rin ang hibla ng buhok. Magkahawak ang kamay niyang nakatingin sa akin.
"Ahh-- ako ho si Laura Villareal." Pagbati ko saka lumapit ng kaunti sa kanya ng ilang pulgada.
"S-Señorita Laura?!" Nanlalaki ang mga mata niyang sabi sa akin.
"Sandali lamang ho at aking tatawagin si Señora!" Saka ito tuluyang nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay.
Maya-maya pa ay lumabas ulit ang matanda pero may kasama na itong babae. Sa tingin ko ay nasa 50 años na. Malinis at maganda ang suot niyang damit. May katangkaran ito at mahahalata mong maputi ang balat. Nang madako ang tingin ko sa mukha niya, namangha ako dahil sa taglay niyang kagandahan. Ngunit mababakas ang pagod at puyat dahil may kapayatan ito at mababakas ang itim sa ilalim ng lubog na namamagang mga mata.
"S-Señorita, kayo ho pala. Pumanhik kayo't mag-almusal." Pagyaya niya sa akin saka naunang pumasok sa bahay kaya sumunod kami ni Paulita.
Maganda ang interior ng bahay. Pati ang altar sa gilid ay may disenyo din ang inukit na kahoy. Bumungad agad ang dining area sa di kalayuan at ang salas naman na may anim na di kahabaang upuan naman ang nasa sentro. Ginantsilyo ang mga sapin sa upuan ng sala pati na rin ang upuan sa dining table. May daan sa kanan at nang silipin ko 'yon ay ganon sa amin na tinatawag nilang azotea. May hagdan na katamtaman lang ang taas papunta sa second floor ng bahay.
YOU ARE READING
Yesterday, Once More [On-hold]
Historical FictionPlease read HUNDRED YEARS GAP first before reading this. Thank you 💜 Segundo libro de la Brecha de los cien años