Capitulo Doce

463 15 18
                                    

Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ng babae sa akin sa dalampasigan. Iibahin ko ang nararamdaman ni Julian? As far as I know, hindi ganoon kadali na turuan ang puso. Second, hindi ko kayang gawin iyon sa bestfriend ko. Marami nang naitulong sa akin si Krishnel at hinding-hindi ko sisirain kung ano man ang nagawa niya sa lugar na ito. Ang pag-ibig para kay Krishnel ay mahalaga dahil dito niya natutunang isipin ang iba kesa sa sarili niya. At hindi ko hahayaan na maging ganon nalang ang mga pinaghirapan nyang mabago sa sarili niya.

"Señorita, bakit tila hindi maipinta ang iyong itsura?" Nabalik ako sa reyalidad nang tanungin ako ni Paulita.

"Wala naman Paulita. May naalala lang ako." Bakit kasi ganito? Ayokong sirain itong nakaraan kaya malamang hindi ko pwedeng sabihin sa iba ang problema ko.

"Laura?!" Napalingon ako sa baba at nakita ko si Martina na kapapasok palang ng bahay.

"Huwag muna kayong maglalabas ng bahay! Nahuli na ang nanggahasa kagabi sa isang dalagita. Hindi natin alam kung mayroon pa itong mga kasama." Napataas ang kanang kilay ko sa narinig ko kay Martina.

"Sigurado ba kayo dyan Ina?" Walang alinlangang napatango-tango si Martina sa tanong ko.

Napatingin ako kay Merlinda na kalalabas ng kwarto at agad na nagtungo sa pwesto namin. "Anong nangyayari, Martina?" Nag-aalalang tanong nito.

"Kailangan nating mag-usap, Merlinda." At doon ay umalis na sina Martina at Merlinda patungo sa itaas ng bahay. Napatingin ako kay Paulita na naka-kunot ang noo kaya dali-dali ko silang sinundan sa silid-akyatan.

Idinikit ko ang kanang tenga ko sa pinto at narinig kong nagsalita si Martina. "Merlinda, kailangan na nating kumilos. Sa makalawa gaganapin ang kasal ni Lorenzo Concepcion kung kaya't iyon ang tamang oras para maisakatuparan ang plano." Bahagya kong inilayo ang tenga ko sa pintuan nang may kunot sa noo. Plano? All this time gumagawa sila ng plano? Anong plano nina Martina? Paniguradong masama ang pinaplano nila kaya dapat maka-alis ako sa bahay sa araw ng kasal nila Lorenzo at Ningning.

Nagmamadali akong lumabas ng hacienda sakay ng kalesa. Hindi ko alam pero kailangan kong makita ang magkapatid na Concepcion.

Narating ko ang hacienda nila kaya sinalubong ako ni Julian. "Anong ginagawa mo rito, Laura?" Nag-aalalang tanon nya sa akin.

"Nasaan ang kuya mo? Kailangan ko syang maka-usap!" Nagmamadali kong sabi kay Julian. Napatingin ako sa lalaking lumabas sa pinto ng hacienda. "Anong nangyayari rito, Julian?" Tanong ni Lorenzo katabi ang asawa niyang si Ning-ning.

Parang umurong ang dila ko nang makaharap ko sila. Anong sasabihin ko? Bakit ba nagpadalos-dalos ako?

"Señorita Laura?" Napukaw ni Lorenzo ang atensyon ko sa pagtawag nya sa akin.

"A-ahh, uhm h-hindi ko alam kung p-pano ko sasabihin..." Halos pabulong nalang na sabi ko sa kanila pero tama lang na marinig nila.

"Pasok muna tayo sa loob, Señorita." Inalalayan ako ni Ning-ning hanggang sa makaupo ako sa mahabang upuan sa salas. Nakatingin silang lahat sa akin. Mabuti nalang at wala dito si Don Rafael. Uminom muna ako ng tubig saka ako tumikhim.

"N-Nais ko lang sabihin na wag niyo nang ituloy ang kasal." Mukhang nagulat silang tatlo sa sinabi ko. Wait, parang mukha naman yata akong third wheel na tutol sa kasal? "I mean--- Ibig kong sabihin, wag niyo na munang ituloy ang kasal dahil narinig ko sina Ina at Merlinda na nag-uusap at meron silang plano sa kasal niyo." Paglilinaw ko sa kanilang tatlo.

"Anong plano raw, Señorita?" Tanong ni Lorenzo sa akin kaya mariin ko siyang tiningnan.

"H-hindi ko alam... Hindi ko naman narinig ang plano nila. Narinig ko lang na may plano sila at isasakatuparan 'yon sa araw mismo ng kasal niyo." Litanya ko sa mag-asawang Lorenzo at Ning-ning.

"Ano naman kaya ang plano nina Doña Merlinda? At bakit sila nagplano laban sa atin?" Dere-deretsong tanong ni Julian.

"Hindi ko rin alam. Ngunit nasisiguro kong may kinalaman ito sa pagkamatay ni Constantino at Samuel. Marahil na rin patungkol ito sa pagkadukot ni Señorita Laura." Nagtitiim ang bagang na sabi ni Lorenzo. Mukhang ito na yata ang panahon para malaman ko kung ano ang nangyari kay Laura.

"Hindi mo pa rin ba matandaan ang nangyari sa'yo, Laura?" Tanong sa akin ni Julian. Napakurap pa ako ng ilang beses bago nagsalita. "Ang sabi sa akin ni Ina, dinukot raw ako n-ng mga r-rebelde. Dinukot raw ako ng pamilya Concepcion." Paliwanag ko sa kanila. Walang mababakas sa malalamig nilang reaksiyon.

"Sinasabi ko na nga ba. Naniniwala ka bang kaya naming gawin iyon sa'yo, Señorita?" Tanong sa akin ni Lorenzo. Napayuko ako. Sa totoo lang, alam kong hindi kaya ng pamilya Concepcion na mandukot at mang-api ng tao. Sila ang nakasama ni Krishnel sa panahong 'to at malaki ang pinagbago ni Krishnel. 'Yon ang katunayan na mabait na tao ang mga ito. Umiling ako sa tanong ni Lorenzo.

"Galit rin sina Ina at tiyang Merlinda sa pamilya ng Del Mundo. Minsan ko silang narinig na nag-uusap tungkol sa pamilyang iyon at nais nilang maubos ang lahi nila." Napasinghap ang mag-asawa samantalang nagdilim naman ang mukha ni Julian dahil sa sinabi ko. Lihim akong napangiti sa isiping nagmahalan nga talaga sina Julian at Krishnel noon.

"Ang totoo niyan Señorita, wala kaming kinalaman sa iyong pagkadukot. Hindi namin magagawa iyon sa isang inosenteng tao. Nagpa-imbistiga ako ng tungkol sa iyong kalagayan at nalaman kong si Doña Merlinda ang may pakana ng lahat." Napatitig ako sa paliwanag ni Lorezo. Ganito kalala sa panahong ito?! Kahit kamag-anak mo kaya mong saktan para lang makasakop ng kadiliman?!

"B-Bakit naman gagawin ni tiyang Merlinda 'yon?" Tanong ko sa kanila.

"Marahil siguro ay nais ni Doña Merlinda na kumbinsihin si Doña Martina sa maitim na plano nito. Sa ganoong paraan, madali niyang makukumbinsi na panigan si Doña Merlinda." Tama ang sabi ni Lorenzo. Walang ibang dahilan kung bakit ako pinadukot ni Merlinda. Para kumbinsihin si Martina na umanib sa kademonyohan niya.

"Señorita, huwag ka sanang magagalit ngunit bakit mo sinasabi ang lahat ng ito sa amin? Maiintindihan naman namin kung papanigan mo ang iyong Ina at tiyahin." Tanong sa akin ni Lorenzo.

"Magtiwala na lang kayo sa akin. Wag nyo sana akong pag-iisipan ng masama." Actually, hindi ako magdadalawang-isip na tulungan ang pamilyang 'to. At kung mapapahamak man ang mga Del Mundo, gusto ko ring tumulong kahit anong mangyari.

"Mauuna na ako, baka maghinala na sina Ina." Tumayo ako at nauna nang naglakad papunta sa pintuan. Sumunod naman sila agad kaya humarap ulit ako sa kanila at nagpaalam.

"Mag-iingat ka, Laura. Salamat sa impormasyon." Tanging tango lang ang sinagot ko kay Julian saka ako sumakay ng kalesa.


💜💜💜💜💜

Asahan niyong magiging maigsi nalang ang bawat Capitulo dahil gusto ko nang tapusin ang kwentong ito.
Maraming salamat.

-Nomdeplume 💔

Yesterday, Once More [On-hold]Where stories live. Discover now