Ang Capitulong ito ay Para kay edwarcharmiel salamat sa pagbabasa ❣ nawa'y marating mo ang epilogo ng storyang ito 💜
Media above is The Balay Negrense in Silay City, Negros Occidental. Museum na po yan ngayon at yan ang napili kong maging bahay nina Laura at Martina Villareal 😊
Babala: Bago basahin ito ay dapat may load kayo dahil ipapakita ko ang mukha at kasuotan ni Ana Marie/Laura ❣ *evil laugh*
Ana Marie's POV
Minulat ko ang mga mata ko. Pamilyar ang ceiling sa mata ko. Nasa kwarto na ako ni Laura. Bumangon ako at tinignan ang orasang nakasabit sa taas ng pinto. Alas tres na ng hapon.
Bumaba ako sa salas pero walang tao kaya naisipan kong tawaging si Paulita.
"Salamat sa dyos at ika'y nagising na, Señorita Laura." Nakangiting salubong sa akin ni Paulita.
"Ano bang nangyari?" Tanong ko sa kanya habang naghahalungkat ng makakain. Nakakaramdam ako ng sobrang gutom.
"Kahapon, nang makarating ka rito sa Hacienda ay bigla ka na lamang nawalan ng malay, Señorita." Napatingin ako bigla kay Paulita nang nanlalaki ang mga mata.
"Kahapon?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"O-Opo." Hindi ko na maidrawing halos ang mukha ni Paulita dahil sobrang nagtataka ito.
Nanlaki pa lalo ang mata ko. Ibig sabihin deretso ang tulog ko?! Omg! Ngayon yung salo-salo kila Ningning!
"Paulita! Ihanda mo ang pinakamaganda kong saya. At aalis ako ngayon. Maliligo na ako. Bye!" Dali-dali akong pumunta sa banyo. Malamig ang tubig pero tiniis ko nalang. Minadali ko ang pagligo at agad na nagbihis.
"S-Señorita, maaari bang magtanong? Saan po ang iyong punta?" Nag-aayos na ako ng buhok ko ngayon at pansin naman na may lakad ako dahil sobrang ganda ng dress ko!
"Uh-- inimbitahan lang ako sa salo-salo. Samahan mo ako ha?" Nakangiti kong sabi sa kanya. Pinuyod ko ang buhok ko nang biglang lumapit sa akin si Paulita.
"Señorita! Napakagandang ayos naman ng buhok na ito! Saan mo ito natutunan?" Tanong niya sa akin na halos lumuwa ang mga mata sa sobrang tuwa.
Ana Marie/Laura Villareal
CREDITS:
Photographer: Sir Rich Neri Concepcion
Model: Aya Ycong (Student of Lourdes College)
HMUA: Venus Paduganao
Gown: Marla Guevarra Shreudder
Shoot Organizer: Dawn Ponferrada Adlawan"Dibale, tuturuan kita ng ganito kapag nagkaroon tayo ng oras. Sige na, magbihis kana." Nakangiti kong sabi sa kanya. Bago sya lumabas ng pinto ay sumilip pa sya sa buhok ko kaya natawa nalang ako.
YOU ARE READING
Yesterday, Once More [On-hold]
Historical FictionPlease read HUNDRED YEARS GAP first before reading this. Thank you 💜 Segundo libro de la Brecha de los cien años