Capitulo Cuatro

955 29 7
                                        

Ang capitulong ito ay para kay Binibining Mikay_mikay27

(Ang litrato sa itaas ay kuha ko sa bundok ng ------- Napakagandang view hindi ba? Sa tanawin na iyan ko isinulat ang capitulong ito 💜)




Ana Marie's POV

Maganda ang sikat ng araw ngayon kaya gusto kong lumabas ng Hacienda. Niyaya ko si Paulita. Nag-aalangan siya pero wala na ding nagawa dahil ako pa din ang pinagsisilbihan niya kaya sumama na din siya.

Habang nasa kalesa, madaming ikinwento si Paulita. Natatawa nalang ako dahil ang layo nga ng totoong Laura sa akin. Tinanong kasi nya yung abaniko ko kung nasaan dahil noon daw, madalas ko 'yong bitbitin. Sinabi ko nalang na nadumihan kaya ipapalaba ko muna bago gamitin. Naniwala naman siya sa palusot ko at hindi na nagtanong pa tungkol sa abaniko.

"Señorita, mayroon akong alam na magandang tanawin. Nais niyo bang puntahan?" Nakangiting tanong sa akin ni Paulita. Napangiti naman ako ng malawak saka napatango-tango pa.

Agad nyang sinabi sa kutsero at ramdam kong mas bumilis ang takbo ng kalesa.

Habang papalayo kami ay siya namang pagkonti ng bahay sa paligid. Mangilan-ngilan nalang ang kubong nakikita ko mula sa bintana ng kalesa at medyo matagtag narin ang daanan dahil may mga bato nang hindi nalinisan. Sa palagay ko ay hindi gaanong napupuntahan ang lugar dito kaya mabato hindi kagaya sa bayan na kahit lupa ay pantay at maayos ang takbo ng kalesa. May lubak man pero hindi gaano.

Kinabahan ako dahil paakyat na yung daan. Iniisip ko kung kakayanin ba ng kabayong iakyat ang sarili niya at may sakay pa kaya napahawak ako sa may bintana.

"Huwag kang mag-alala, Señorita Laura. Ganito po talaga ang daan rito pagkat ang lugar na ito ay hindi na inaabot ng mga tao." Nakangiting hayag ni Paulita. Bakas siguro sa mukha ko ang kaba.

Maya-maya lang din ay narating na namin ang sinasabi ni Paulita. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa napakagandang tanawin. Sinalubong ako ng yakap ng malamig na simoy ng hangin. Tinatangay ng hangin ang saya ko pati ang buhok ko. Napapikit ako at nilanghap ang simoy ng hangin. Sa totoo lang, ngayon lang ako nakakita ng ganito kagandang lugar. Nasa isang burol ako ngayon ay nakikita ko ang ilang kabahayan sa baba. Makikita din ang mga puno ng niyog at mangga. Pati na ang bundok sa kabilang side ng lugar. Naglakad pa ako ng ilang hakbang at halos tatlong hakbang nalang ay pinakadulo na ng bangin.

"S-Señorita?"

"Ay kabayo ka!" Napatalon ako sa gulat sa nagsalita sa likod ko. Pagharap ko, napakunot ang noo ko.

"Ahh--- P-Pasensya na. Nagulat lang ako." Nakangiti kong sagot sa kanya.

"G-Ganoon ba? Ano ang iyong ginagawa sa burol na ito?" Tanong niya sa akin. Kanina ko pa napapansin na may kamukha siya. Tama! Kamukha niya yung lalaking nasalubong namin sa palengke! Pero hindi eh, may kamukha talaga siya.

"A-Aah--- Nagpapahangin lang. Hehe." Sagot ko. Napakunot ang noo ko nang mapansin kong namamaga ang mga mata niya. Namumula din ang puti nito at halatang kagagaling lang sa pag-iyak.

Naglakad ito at umupo sa may bato na parang wala sa sarili. Sinundan ko siya.

"M-May problema ka ba?" Nag-aalangan kong tanong.

"Kamusta ang iyong kalagayan, Señorita?" Tanong niya sa akin na halatang iniiwasan ang tanong ko.

"Maayos naman ang lagay ko. May ilang bagay lang akong nakalimutan. Hehe. Ikaw kamusta ka?" Nag-feeling close nalang ako dahil wala naman akong idea kung sino itong lalaking 'to.

Yesterday, Once More [On-hold]Where stories live. Discover now