Capitulo Dos

1K 32 8
                                    

Para kay kimsoosang







Ana Marie's POV




Nakatitig ako sa malaking salamin na nasa harap ko. Gawa sa kahoy ang nagsisilbing frame nito na may inukit na iba't-ibang disenyo.

"Señorita Laura, kayo po'y pinatatawag na ni Señora." Bungad sa akin ni Paulita. Tumango na lang ako sa kanya saka tinignan ang sarili sa salamin. Hindi pa din ako makapaniwala sa nangyayari. Nakabalik ako sa ninuno ko. Well, hindi pa ako sigurado kung ninuno ko nga dahil Villareal ang surname ni mama noong dalaga sya na syang gitnang apelyido ko na din. Ngunit ngayon, ibang-iba sa kasalukuyan, ibang pagkatao sa ibang panahon.

"Señorita?" Napapitlag ako nang tawagin ako ni Paulita. Hindi pa pala sya nakakaalis at wala na pala ako sa sarili ko.

Bumaba kami at naabutan namin na nasa hapag na sina Martina Villareal na syang tumatayong nanay ko sa panahong ito kasama ang isa nyang bisita.

Naupo ako sa tapat ni Martina.

"Anak, hindi mo ba babatiin ang iyong tiyo?" Nakangiting sabi sa akin ni Martina Villareal.

"Ahh--- p-pasensya na ho ngunit hindi ko kayo matandaan." Mahinang paumanhin ko sa lalaki.

"Ayos lamang iyon iha. Nabalitaan ko din ang iyong kalagayan kaya ako'y naparito ngayon upang kayo'y tulungan." Tugon ng lalaki.

Ikinwento ng lalaki ang nangyari habang kami ay nanananghalian.
Naging biktima raw ako ng rebelde. Kinuha at ikinulong. Pinahirapan upang gumanti kay Constantino Villareal. Ngunit ni isa man doon ay wala akong maalala dahil hindi naman ako ang totoong Laura Villareal. Ayon sa lalaki, ilang bwang tulog si Laura at hindi na nila inakala pang magigising ito.

"Kaya naman sobrang laki ng pasasalamat ko nang ika'y magkamalay, anak." Napangiti lang ako ng bahagya dahil hindi ko naman alam kung ano ang irereact ko.

"Martina? Maaari na ba nating pag-usapan ang ipinunta ko rito?" Saad ng aking tiyuhin. Napalingon sa akin si Martina.

"Anak, maaari ka na munang umakyat sa iyong silid. May ilang bagay lamang kaming pag-uusapan ng iyong tiyo Martino." Tumango lang ako sa tumayo at nagtungo sa hagdan. Paakyat palang sana ako nang maisipan kong makinig nalang sa usapan nila.

"Maaari ko bang malaman ang iyong naisin, Martina?" Nanatili akong nakaupo sa hagdan habang nakikinig sa kanila.

"Nais kong maghiganti sa pagkamatay nina Samuel at ng kanyang ama na si Constantino." Rinig kong sagot ni Martina.

"Sa papaanong paraan?" Sagot ni tiyo Martino.

"Ako at ang asawa ni Constantino ay mayroong parehong naisin. Ang ubusin ang angkan ng Concepcion at ng Del Mundo." Rinig kong sagot ni Martina.

Sino-sino ang mga taong sinasabi nila? Kailangan kong malaman ang katotohanan. Kailangan ko silang makilala.

Dahan-dahan akong umakyat at dumeretso sa kwarto. Ala una pasado palang. Mamaya pang alas dos aakyat si Paulita. Kailangan kong gumawa ng paraan.

Lumabas ulit ako ng kwarto saka bumaba ng hagdan. Nang mapatingin sila sa presensya ko ay agad akong umaktong masakit ang tyan.

"Laura! Ayos ka lamang ba?" Tanong ni Martina. Nagmamadali itong lumapit sa akin saka ako inalalayan.

"K-kaya ko po. Sumakit lamang po ang tyan ko. Kailangan ko lang po sigurong magbawas." Sagot ko kay Martina. Sa hindi ko malaman na dahilan, hinawakan nya ang tenga ko.

Yesterday, Once More [On-hold]Where stories live. Discover now