Dedikasyon para sa dalawang makulit na babaeng sina Miss_Marupok22 at imawrin Yieee mahal ko kayo.
At syempre, special thanks to Eury_28 dahil siya ang gumawa ng book cover ng WHEN THE KING MEETS HIS MATCH pero hindi ko pa nailalagay dahil hindi pa natatanggap ni wattpad. May toyo yata si wattybabe kaya wala pa.Enjoy Reading ❣
Ning-ning and Lorenzo ConcepcionHahaha! Wala akong mahanap na naka dress ng maayos si Erich kaya yan nalang ang kinuha ko. Ang weird na nakapatong pa ang ulo ni Ej sa lap ni Erich sa taong 1891 😂 pagtyagaan nyo na, basta alam nyo ang mukha nila 💜
Ana Marie's POV
"Paulita, subukan kaya nating dumalaw sa mga Del Mundo? Malay mo makita natin si Patria." Sabi ko kay Paulita habang kumakain. Ilang araw na din ang lumipas mula nong nangyari sa Panciteria.
"Paano po kung malaman ni Señora Martina?" Nag-aalalang tanong niya.
"Hindi naman niya malalaman kung hindi natin sasabihin diba?" Sagot ko sabay ng pilyang pag-ngiti ko.
"S-Sigurado ho ba kayo, Binibini?" Naninigurong tanong pa ni Paulita.
"Oo naman no. Pupunta tayo mamaya pagkatapos kong kumain." Ngiti ko pa sa kanya.
"Saan kayo pupunta?" Napalingon ako sa likod ko nang makita ko si Martina na papalapit sa direksyon namin.
"W-Wala, Ina. Mamamasyal lang po sa labas ng hacienda." Sagot ko sa kanya at nag-isip pa ng ibang ipapalusot.
"Ganoon ba? Sige anak, ngunit dapat ay narito na kayo bago kumagat ang dilim." Saad nito saka naglakad paakyat sa kwarto niya.
Napangiti ako kay Paulita habang tumataas-taas pa ang dalawang kilay kaya napangiti din siya nang payagan kami ni Martina.
Ala una ng tanghali kami umalis sa hacienda at papunta na sana sa hacienda ng mga Del Mundo nang biglang huminto ang kalesa. Sinilip ko ang labas at nakita ko ang kumpulan ng mga tao kaya bumaba ako at lumapit sa kanila.
"Ano pong nangyayari?" Tanong ko sa isang matandang babae. Lumingon siya sa akin at nabigla.
"S-Señorita Laura..." Mahinang sabi niya. Magtatanong pa sana ako pero nakarinig ako ng sigaw mula sa gitna ng kumpulan.
"Mga kapatid, hindi tayo maaaring magtipon-tipon kung kaya't maaari na lamang kayong bumalik sa inyong mga bahay." Sigaw ng lalaki habang winawagayway ang dalawang kamay sa ere.
"Halika na anak, baka tayo'y abutan ba rito ng mga gwardiya civil." Rinig ko pang sabi ng isang nanay sa anak niya na malapit sa akin at iunti-unti nang nagsi-alisan ang mga tao.
YOU ARE READING
Yesterday, Once More [On-hold]
Historical FictionPlease read HUNDRED YEARS GAP first before reading this. Thank you 💜 Segundo libro de la Brecha de los cien años