Ang capitulong ito ay para kay Binibining michelle_yang dahil isa ka sa mga inspirasyon ko, para sa iyo ang Capitulong ito ❣
Iza Calzado as Martina Villareal
Bagay na bagay hindi ba 💜
Pananaw mula kay Ana Marie
"Laura anak, tutungo kami ng iyong tiyang Merlinda sa kabilang hacienda, nais mo bang sumama?" Bungad sa akin ni Martina nang makapasok siya dito sa kwarto ko. Nakaupo ako sa kama at napatingin sa kanya.
"Hindi na po. Magpapahinga nalang ako. Medyo masama po ang pakiramdam ko eh." Lumapit siya at umupo sa tabi ko kasabay ng paghaplos niya sa buhok ko.
"Sige anak. Nariyan naman si Paulita upang pagsilbihan ka. Kami'y hahayo na." Hinalikan niya ang noo ko kaya tumango nalang ako. Sinundan ko ng tingin ang papalayong bulto ni Martina hanggang sa sinara na nya ang pinto kaya napabuntong hininga nalang ako.
Pumasok si Paulita nang may dalang tinapay at gatas saka nilagay 'yon sa side table.
"Kumain ka muna, Señorita." Matamlay ko siyang tiningnan.
"Paulita, pwede mo ba akong samahan mamaya?" Tanong ko sa kanya saka naglakad papunta sa bintana at tiningnan ang mga trabahador. Kahit mainit sige pa rin sila sa trabaho.
"Saan po Señorita?" Tumabi si Paulita sa akin saka tipid na ngumiti.
"Ang laki po talaga ng iyong pagbabago, Señorita. Pakiramdam ko'y nasa isang panaginip lamang ako." Nakangiti niyang sabi sa akin kaya napatungo ako. Sana nga panaginip nalang 'to. Hanggang ngayon naman kasi wala pa din akong clue sa kung ano man ang pinunta ko rito. Naaalala ko pa nung sinabi sa akin ni Krishnel na kaya raw siya bumalik dahil pinarusahan daw siya ng kung sino. Eh ako? Pinarusahan din kaya ako? As far as I remember, wala naman akong ginawang masama noon.
"S-Señorita?" Napukaw ang diwa ko nang marinig ko ang boses ni Paulita. Ilang segundo pala akong nakatunganga sa kawalan. Napatingin ako sa mukha niya at nakakunot pa ang noo.
"Ahh--- h-halika na." Nauna na akong lumabas ng kwarto at naramdaman kong sumunod siya sa akin.
"Naka-alis na ba sina Ina?" Tanong ko sa kanya habang binabaybay ang daan papunta sa likod ng bahay.
"Opo, Señorita." Sagot sa akin ni Paulita habang malalaki ang hakbang na sumusunod sa akin.
Nang marating namin ang taniman, binati ako ng lahat ng trabahador doon saka sila yumuko at nagbigay galang.
"Señorita, mainit ho ang panahon. Hindi po kaya magkasakit kayo niyan?" Tanong sa akin ni Paulita pero hindi ko siya kinibo.
"Magandang tanghali po sa inyong lahat. Gusto ko lang pong sabihin na pwede na po muna kayong magpahinga." Tinignan ko isa-isa ang mga trabahador. Karamihan sa kanila ay matatanda na. Pawis silang lahat at mababakas mo ang pagod sa mukha nila.
YOU ARE READING
Yesterday, Once More [On-hold]
Historical FictionPlease read HUNDRED YEARS GAP first before reading this. Thank you 💜 Segundo libro de la Brecha de los cien años