Jame
Bakit ba ang laki ng school na 'to, ang tagal ko tuloy makarating sa room ko.
Habang kumakaripas ako ng takbo ay may nakasalubong akong isang teacher. Napahinto naman ako at napatingin sa kaniya, yung awra niya, nakakatakot parang strikta, eh may takot pa naman ako sa mga striktang mga tao. Tila na bato na ako at hindi na makagalaw sa kaba. Grabe na yung tibok a puso ko dahil ang sama kung makatingin nung guro.
"Ehem. You're late na iho. I guess by now you already know what we do to students who's tardy like you" sabi nya sa 'kin ng walang ka emo-emosyon pero yung mata nya ay parang lalabas na sa mga lungga nito. Napansin nya namang hindi ako gumagalaw at nakatingin lang sa kaniya ng may takot sa mga mata " Ah eh" sasagot na sana ako ng hindi ko alam kasi hindi naman talaga, tumutulo na ang pawis ko sa sobrang kaba.
"Detention now!" sigaw nya sa akin na ikinalaki naman ng mga mata ko, parang bumubuga sya ng apoy sa lakas ng sigaw nya. Nakakatakot talaga kaya tumakbo ako kaagad papuntang detention, binilisan ko ang aking takbo kasing bilis ng pag tibok ng puso ko. Ganito ba talaga ang mga teacher dito? Siguro menopause na yun sa isip ko.Pumunta ako dito sa school noong nakaraang araw para kunin ang aking school uniform at I.D. Naisipan ko rin na mag libot libot para hindi ako maligaw pag papasok na ako. Kaya alam ko na ang daan papuntang detention at sa isang kanto ay lumiko ako at napunta na agad sa isang room na may nakalagay na karatulang "DETENTION".
Pagdating ko sa may pintuan ng detention ay kinalma ko muna ang tibok ng aking puso, hiningal ako dun ah. Kumatok muna ako at ng wala namang sumagot ay pumasok na ako. Pagkapasok ko sa may katahimikang room ay may isang tao akong nakita. Estudyante ang nandoon, natutulog, lakas nga nang hilik eh, "tulog na tulog kuya ah. Pa relax relax lang. Aba'y ginawa pang kwarto itong detention." Wika ko sa sarili ko na pinapariggan itong lalaking to. "Kaloka si kuya."
Maraming bakanteng upuan at napili kong maupo isang upuan ang pagitan namin nung lalaki. Dahil sa wala akong magawa at na miss ko na ang first subject ko ay kinalma ko nalang ang sarili ko at nagpa-ubaya nalang sa daloy na panahon. Inilagay ko sa katabi kong upuan ang aking bag at kinuha ang isang libro doon. The Subtle Art of not Giving a F*ck by Mark Manson.
Mula sa pagbabasa ay sinulyapan ko ang lalaking natutulog at rinig ang mahihinang hilik nito. Nakayuko lang ito at hindi ko maaninag ang mukha, nakayuko nga diba. Itim ang buhok at may kaputian ito, maliban sa suot nitong uniform ay naka suot rin ito ng windbreaker na jacket. Itinuon ko nang muli ang aking atensyon sa pagbabasa at hinayaan na ang lalaking nasa dreamland na.
Ilang sandaling pagbabasa ay hindi ko na narinig pa ang hilik ng lalaki sa tabi ko. Sa sobrang focus ko sa pagbabasa ay hindi ko na napansin na wala na pala ang lalaki sa tabi ko. Ni hindi ko man lang namalayan na umalis siya sa upuan niya. Inilibot ko ang aking paningin sa buong silid at hindi ko na talaga siya makita, hindi rin naman siya umalis kasi maririnig ko naman siguro ang pag-bukas at sarado ng pintuan diba.
Baka kinuha ng multo? Sa isip ko. Sobrang tahimik ng buong room. Pansin ko rin na mas lalong guminaw kaya napayakap ako sa sarili ko. Medyo kinakabahan na ako rito, matatakutin pa naman ako. Sobrang tahimik ng room ng biglang..
"BOO" narinig kong sigaw ng lalaki dahilan para magulat ako. Sa sobrang gulat ay napatili talaga ako "Ahhhhhhhhhhhh" tili ko na parang babae at napapikit pa ako sa sobrang gulat, nakakagulat kasi sobrang tahimik ng paligid tapos biglang may malakas na tunog ang maririnig.
Pagkatapos kong tumili ay bigla na lang akong napaiyak, hindi ko alam kung bakit, siguro sobrang natakot at nagulat lang talaga ako. Patuloy lang ako sa pag iyak at masagana ang agos ng aking luha. Pinakiramdaman ko naman ang lalaki na tila nagulat sa mga reaksyon ko dahil naka tameme lang siya at parang hindi alam ang gagawin niya. Natataranta na siya.
BINABASA MO ANG
Me And The 4 Boys (Under Revision)
Teen FictionThis is the story of a discreet gay student navigating his life in his new school. With a pretty face and great personality, being discreet is hard. Four charming and strikingly handsome boys fell in love with his beauty and intelligence. Now, he i...