Jame
Masarap talaga pag libre ano, talagang nakakabusog. Parag pang ilang araw na supply na ata iyong kinain ko, sa katunayan kasi ay maliit lang ang kain ko, pero dahil nga libre ito ni JV ay I am just grateful enough to finish my food.
Yung tatlo ay nagkukwentuhan lang habang ako naman na katatapos lang kumain, ay nakikinig lang sa mga pinag-uusapan nila kahit hindi ko maintindihan iyong iba. Hindi sila nauubusan ng kwento. Nagkukwentuhan kasi sila sa mga summer trips nalang magpapamilya.
Si Cire na nag spend ng summer sa Singapore kasama ang pamilya niya, siya daw ay may nakababatang kapatid na edad 4 at ate na kasalukuyang nagdadalang tao ngayon. Si JV ay galing din ng State with his extended family kung saan kasalukuyang nakatira ang kuya niyang nag-aaral sa Harvard. Habang si Jensen naman ay nagspend ng summer sa kaniyang grandparents sa Espanya. Kaya pala napaka-strong ng feature niya ay dahil pala yun sa dugong kastila niya.
Hays nakapag-ibang bansa na pala tong mga to, samantalang ako naman ay umuwi kami ng lolo ko sa Gensan, at doon kami nag spend ng aking summer vacation. Masaya ang summer ko sa katunayan dahil nakasama ko ang pamilya namin sa side ng lolo ko tsaka nagkita at nagkasama kami ng mga pinsan at mga kaibigan ko roon. Hindi man kami nakapag ibang bansa, naging masaya naman ako.
Pinag-kuwento nila ako about sa aking summer at sa kalagitnaan ng aking kwento ay napapansin ko ang bigat ng titig ni Jensen sa'kin, kita ko siya sa peripheral vision ko. "Uy bakit mo 'ko tinititigan dyan? Crush mo 'ko no?" Pagbibiro ko sa kaniya na ikinalukot lang naman na kaniyang noo at ikinataas ng kaniyang kilay, "Asa ka!" Pagsusungit nya sa 'kin.
"Eh bakit mo 'ko tinititigan?" Pagpupumilit ko sa kaniya, medyo naiinis na siya pero kinukulit ko pa rin, ang hirap kasi nitong kausapin eh kaya iinisin ko nalang. "Bakit, bawal ba? Ha?" Pagsusungit niya pa lalo sa'kin. Ang sungit talaga nito. Ipinaglihi ata ito sa sakit ng loob eh. "Ang sungit mo talaga eh no, para kang ampalaya na tinubuan ng mukha" sabi ko na lalo niya pang ikinagalit dahil sa tawa ko, namumula na kasi siya sa inis eh haha sarap lang asarin.
Bigla namang nag-salita si JV kaya bigla kaming napatingin sa kaniya, "Ahh, Jame?" "Hmm??" pagbigay pansin ko rito. "Diba, I'll tour you?" He reminded me which made my eyes glints. Oo nga pala. My nerves were now electrified with the thought, I'm excited, "Come on?" He asked one more time. "Okay!" I excitedly stood up from my chair.
Nag paalam siya sa mga kaibigan nya at pati ako nagpaalam narin. "Bye Cire!" Ngumiti ako sa kaniya at gumanti rin naman sya ng ngiti sa 'kin sabay kaway na kaniyang dalawang kamay. "Bye Mr. Sungit!" Pagpapaalam ko na nakangiti kay Jensen, at tumalikod na. Hindi ko na hinintay pa ang reaction ni Jensen, magsusungit lang naman yun eh lalo na sa tinawag ko sa kaniya. Natawa nalang ako sa mga pinaggagagawa ko.
Lumabas na kami ni JV ng cafeteria. We then started our tour, parang disney land lang ang atake. Our first point was the library and malapit lang sa cafeteria, good location para sa mga kakakain lang at gustong magbasa para pamatay oras ng lunch. Ilang lakad nalang din ang infirmary na next naman ay ang sports field which I think is very good din na magkatabi ang field tsaka ang infirmary in case of emergencies diba.
Nang nakarating kami sa field, my jaw literally dropped on the floor. This is freakin' huge. Parang kalahati na ata to ng school ko dati ah. "Here sa field ay maraming hiniheld na game kaya malaki, merong soccer for boys and futsal for the girls, baseball, and track in field kasama na ang running." imporma nito sa akin na ikinatango ko lang. Mapapansin ring ang bleachers sa magkablilang gilid para sa manonood.
"I actually play soccer, and last intrams I was an mvp" wika niya sa akin saka ako tinignan na may pride sa kaniyang mha mata. "Wow, that means you are very good, wala man ako dito last intrams, I will say my congrats pa rin, congrats!" Masiglang bati ko rito. He looked at me adorably saka niya ginulo ang buhok ko. Mas matangkad siya sa akin kaya easy lang para sa kaniyang gawin yun dahil hindi ako makaganti, hmp.
BINABASA MO ANG
Me And The 4 Boys (Under Revision)
Teen FictionThis is the story of a discreet gay student navigating his life in his new school. With a pretty face and great personality, being discreet is hard. Four charming and strikingly handsome boys fell in love with his beauty and intelligence. Now, he i...