Chapter 13

1.9K 85 11
                                    

Jame

Time is fast paced- they say, that's why we need to treasure and not waste it because it will never comeback, you just need to move forward with it. I moved forward with it, now 1 year later, I am now on my last year of junior high school. Grade 10. 

Life is hard but my friends made it easier. I learned a lot or lessons that made me stronger. My journey is not smooth sailing, rather, a rocky road. Even with that, I learned to appreciate life even more, through ups and downs. 

Maraming nangyari sa aming grade 9 years at lahat ng iyon ay ginawa namin ng magkasama, walang iwanan. Ang aming pagkakaibigan ay pinagtibay ng bawat pagsubok na magkasama naming hinarap. They're not just my companion, they're my soldiers. We flock together like a pride of lion ready to barge on any danger.

Nandito ako ngayon sa park sa loob ng school. Benches under me, green grass cooling my eyes, and shadow of green trees that protects me from the heat of the sun. Malamig ang hangin dahil nasa lilim ako. Ito ang naging tambayan namin, maraming mga alaalang nabuo. Saksi ang parkeng ito sa lahat ng saya, lungkot, at takot na hinarap namin. 

Looking back to it, I must say I became stronger, but little did I know, a great wave of wickedness is about to come. I know sooner or later I will have to face my demons, right now I think I can already face them, but in all honesty, I still think that I'm not capable deep inside. 

From this day forward, a lot of surprises are about to reveal itself. New challenges to face and conquer. Love and confessions may arise. But one thing's for sure, I will be ready for it. I am not who I'm used to be, this version of me is much knowledgeable, fiercer, and bolder. Well, that's what I said to myself. 

New school year comes with new obstacles to overcome and shackles to break. This is a new chapter.

Unang araw ng grade 10. Unang unang araw at hindi ko inaasahan ang makikita ko. Nandito na sila. Sumibol ang kaba sa aking dibdib nang mamataan sa 'di kalayuan ang tatlong taong papalapit sa akin. Papalapit sa buhay ko upang manggulo. 

Bad memories rush to my brain like a flood of electricity. Intensifying by the steps they garnered. The beat of my heart is fastening by the moment. I am doing all my might to not let those memories tarnish the new one I created. But I can't help it, they're rushing to me, and I can't control them no more 'cause the perpetrator of those ill memories are now in front of me. Looking hungrily at their prey.

2 gays and 1 girl. Raised eyebrow and glaring daggers onto me. With every moment passing, the intensity of their gazes is amplifying. They must really really hate me. 

"Hi sissy" wave ng isang bakla sa akin. Medyo may katangkaran at maitim ang kulay. "Its's nice to see you again" dagdag ng babaeng naka glasses, maganda pero mukhang tanga sa hairstyle niyang 'di maintindihan. "Are you glad to see us too? Huh?" Smiled their leader. They look like the typical mean girls, group of three in a classic higschool hollywood movie. Walang originality. 

They are smiling widely yet there's venom on their voice. How can I be glad that these 3 bitches are back into my life and right here smiling fraudulently in front of me. 

"Of course..." sagot ko nang may ngiti rin sa aking labi "not" sunod kong wika sabay pagkawala ng ngiti sa  aking labi at ganoon na rin sa kanila. Nakaupo lang ako sa bench habang nakatayo silang tatlo sa harap ko. "Bakit ba kayo nandito sa PHA?" Tanong ko sa kanila. They smiled devilishly. "To intentionally hurt and make your life a living hell" sabi ni Lei, their feisty and deceiving leader. 

Matapos sumagot ay nagsitawanan silang tatlo. Lei, Katy, and Ken. Matapos magtawanan at ako'y tarayan, umalis na lang sila bigla. Nabuhay ang iba't-ibang emosyon sa aking puso. Kaba, takot, inis, at challenged. 

Hindi ako makapaniwalang nagtransfer lang talaga sila dito sa PHA para lang gawing miserable ang buhay ko gaya ng ginawa nila noon. Malaki na ang nagbago sa loob ng isang taon. Hindi na ako ang dating Jame na mahina at hinahayaan lang ang mga taong apihin siya. I put my game face on and smirked. Try me F*ckers. 

Matapos ang ilang sandali ay dumating na ang mga kaibigan ko. Galing sila ng cafeteria, it's currently lunch time. "Bakit ganyan mukha mo?" Agad na tanong ni Cielo sabay lapit at umupo sa tabi ko. "Bakit?" tanong ko pabalik. Ano bang nangyari sa mukha ko? "Eh parang nakakita ka ng multo eh."

Inabutan naman ako ni Kurt ng strawberry shake na agad kong tinanggap sabay upo sa kabilang tabi ko. Habang si Cire naman ay umupo sa damuhan at yung dalawa ay nakatayo lang at nag-uusap. "10 minutes na lang pala, 1st period na" agad na wika ni Cire matapos tumingin sa kaniyang relo. 

Agad kaming nagsitayuan at binagtas na ang daan papunta sa aming building. Syempre iba na ito dahil grade 10 na kami.  Pagkarating namin sa aming room ay agad na kaming umayos, ilang sandali pa ay tumunog na ang bell hudyat ng aming paunang klase sa hapon. Sumunod naman ay ang pagpasok ng aming teacher sa aming Biology Class.

Matapos mag discuss ang aming teacher ay nagbigay siya agad ng quiz. Grabe ka naman ma'am, masyado naman po kayong mabilis. "Ready your 1 whole sheet of paper for our quiz." "Hey." Kalabit ni Jensen sa 'kin habang kumukuha ako ng papel sa bag ko. "Ano?" "Papel nga," wika niya na para bang kailangan ko pang magpasalamat na sa akin siya humingi. 

"Wow ah! May pinatago ka?" "Dali na kasi" "Oh" sabay abot ko sa kaniya ng papel. "Yaman yaman, walang papel" bulong ko naman sabay itinago ang pad paper ko sa loob ng bag. "Narinig kita oy" ganti niya. "Aba'y dapat lang" sabi ko rin. Hmp.

Nagulat na lang ako nang paglabas ko ng aming room ay agad na sumalubong sa akin ang tatlong peste sa buhay ko. "Hi Jame!" Bati ni Kent sa akin. Siguro kailangan niya pa na magsanay pa lalo sa pagngiti niya, halatang kasing fake eh. 

"Hi Jensen. Hi Cire" medyo kinikilig namang sabi ni Katy sabay kaway sa dalawa. Umaktong kinikilig rin ito habang iyong dalawa naman ay tila walang pakialam sa kaniya.  "Bakit na naman kayo andito?" Tanong ko sa kanila. 

"Wala naman gusto ka lang naming makita. How sweet of ours. Right?" sagot naman ni Katy sabay tawa at nag apir silang dalawa ni Kent. Kahit kailan talaga tong babae to. 

"Us kasi yun! How sweet of us." Pambabara naman ni Lei sa maling grammar ni Katy. "Bobo mo talaga! Duhhh" Siya pa talaga ang umaaway sa kaibigan niya. Well ano pa nga bang aasahan ko kay Lei eh matagal naman ng masama ang ugali niyan. Palibhasa mayaman at spoiled ng parents kaya sanay na nakukuha lahat ng gugustuhin niya. 

Tsk. "Gagawa talaga kayo ng paraan ano para mabwiset niyo lang ako." Wika ko sa kanila sa mataray na tono. Napangisi naman sila sa akin. Hindi inaasahang kaya ko ng makipag-sagutan sa kanila ngayon. Kasi, I figured out that the best way to deal with your enemy is by mirroring their attitudes and behaviors. Let them have a taste of their own medicine. 

"I just want to say good luck to you para sa lahat ng gagawin namin sayo. Baka kasi umiyak ka lang ng umiyak eh, gaya noon." Litanya naman ni Lei sabay pagtawa nilang tatlo. "Let's go guys" aya ni Lei sa kanila matapos niya akong pagbantaan. 

"Wait!" Sigaw ko naman at nakuha ko nga ang atensyon nila. Sabay silang lumingon sa akin.

"Bring it on!" Sabi ko naman sa kanila sabay kindat. "And Katy" baling ko kay Katy, inayos niya ang pagpwesto ng kaniyang glasses sa kaniyang ilong, "Huh?" "I just want to say na you're not dumb just like what they say" naka ngiti kong wika sa kaniya. Ngumiti naman siya bilang tugon ngunit agad rin itong naglaho nang marinig ang sunod kong sinabi. 

"You just lack intellectual acuity." Sabi ko. Napakunot naman siya. "Anong ibig sabihin no'n?" Tanong niya. "Bobo parin pinahaba ko lang. Hm" sabi ko nang naka ngiti sabay lumakad na. Lumandas ang inis sa kaniyang mukha habang yung dalawa naman sa likod ko ay mabilis na tumawa. "Basag" wika ni Cire sa nakakalokong tono. 

"Hindi ko kayo uurungan" wika ko kay Lei nang malampasan namin ito saka ipinagpatuloy na ang paglalakad. I sighed.

 Me And The 4 Boys  (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon