Chapter 14

1.8K 78 8
                                    

Jame

Palabas na ako ng gate nang may narinig akong busina na nagmumula sa isang motor na itim. It's a big bike and it looks so cool! I'm dreaming to have one of that actually. It's just so manly. Bakit naman nandito ito sa harap ko? Papansin ka kuya? Nangiinggit ata to ah. Hindi ko rin maaninag ang mukha nung lalaki kasi naka-suot ito ng helmet pero kapareha ko ito ng uniform. 

Dahan dahang tinanggal ni kuyang naka big bike ang kaniyang helmet, unti unti lumabas ang maputi nitong balat. Mukhang gwapo. Teka bakit parang nag momoment si kuya para bang nasa movie. Ang cliché naman ata nito. 

"Bilisan mo na nga d'yan, anong oras na oh." Tuluyan ng natanggal ang kaniyang helmet at dito ko nakita ang buo niyang mukha. "Kurt! Bwiset ka" sabi ko sa kaniya pagkalapit ko habang napatawa lang ito sa kalokohan niya. "Wow, angas ng motor natin ah" wika ko at chineck ang kabuuhan ng kaniyang motor. "Regalo nina mommy at daddy, para hindi  na raw ako mag commute" wika niya. 

"Pots 'lika na" sabi niya. "Dyaan?" Turo ko sa motor. "Syempre! Saan mo pa ba gusto? Ah pwede rin namang ako nalang sakyan mo" mapagbirong sabi ni Kurt sabay taas baba ng kanyang kilay. "Loko ka ah!" Sabi ko na natawa sa biro niya. Patalon akong sumakay sa motor niya. Excited ako, first time kong makasakay ng big bike!

Agad niya naman akong inabutan ng helmet. "Let's go?" tanong niya. Smiling from ear to ear I said, "Let's go!" Pinatakbo niya ito ng matulin. Matulin na para bang puso ko ngayon dahil sa tuwa at adrenaline. 

Masaya ang unang oras ng umaga ko. Hindi pa rin kasi ako maka get over sa pagsakay ko sa big bike. Bigla nga lang naglaho ang ngiti ko nang makita ko na naman iyong tatlo. Kahit saang sulok sila na lang talaga ang nakikita ko, nakakarindi na. 

"Hi Jame" bati ni Kent. "Hello" bati ko rin pabalik sa mabait na tono. Siyempre hindi naman ako kasing sama nila diba. Hindi naman nila mababago kung ano ba talaga ako dahil lang sa gusto nila akong awayin. 

"Ganda mo naman ngayon" puri naman ni Katy. "Syempre naman." Confident kong sabi. Mabilis na lumandas ang inis sa mga mukha nila dahil sa sinabi ko. "Ugh. You should've said thank you. That's a compliment." Asar namang sabi ni Lei. "You guys aren't complementing me, you're stating a fact." Sabi ko na nakatingin sa kanilang mga mata at hindi nagpapasindak. Rinig ko naman na mahinang napatawa si Kurt sa likod ko.

"Alam niyo, mauna na ako. Bago ko pa tuluyang masira ang araw niyo dahil sa kagandahan ko." Nagsimula na nga akong lumakad at iniwan silang nakanganga na tila hindi makapaniwala sa iniwan kong mga salita. "Ciaó mi amigas." Wika ko nang malampasan ko na sila. 

"Angas mo ah" wika ni Kurt na hanggang ngayon ay natatawa pa rin. "Siyempre, hindi ko sila uurungan" matapang kong sabi. I sighed again. Relieving myself from stress and worries. I just cannot let them break my confidence after taking so long of building it. 

Matapos ang aming klase ay dumiretso na kami agad sa cafeteria para makapag lunch. Agad na kaming pumwesto sa aming usual na seat. Tatayo na kami para magorder na sa counter nang bigla ko na lang naramdamang dumaloy sa aking katawan ang malamig na tubig. Napasinghap ako at ganoon na rin ang nga kaibigan ko.

It's so cold. Basang basa ang tiyan ko pababa. Agad namang humingi ng tawad ang freshmen na nakatapon sa akin ng tubig. Naiiyak na ito. Naluluha ang kaniyang mga matang nakatingin sa akin. "I'm sorry po" wika niya. 

Naramdaman ko naman ang mga matang nakatingin sa akin. Nakuha na pala namin ang atensyon ng mga tao sa loob ng cafeteria. Agad namang nagsilapitan ang apat sa akin. "Hala, okay lang. Huwag ka ng umiyak, aksidente lang naman ang nangyari." Wika ko sa bata. Tumulo na kasi ang luha sa isa niyang mata. Naaawa ako. 

 Me And The 4 Boys  (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon