Officers and Clubs
Jame
It's currently 4:30 in the morning. Gumising ako ng medyo maaga kasi balak ko sanang mag-exercise kasama si lolo Dani. Feel kong mag inat-inat ngayon. Actually matagal na naming ginagawa ito ni lolo, lalo na noong wala pang pasok. Ito din kasi ang naging comping mechanism ko when life struck hard.
Nag-ayos na ako ng sarili ko at lumabas na ng aking kwarto. Paglabas ko ay nakita ko si lolo na nagsasaing na, niyaya ko naman siyang mag jogging kami. Pumayag naman sya't maghintay lang daw ako sandali at mag-aayos lang siya. Ilang sandali pa ay nakapag ayos na si lolo. Sabay na kaming lumabas ng bahay.
Malamig na hangin at bukang liwayway ang sumalubong sa amin paglabas ng bahay. Mabango at presko ang hangin dahil wala pang usok ng polusyon ang hangin dahil maaga pa, isa din sa rason kung bakit maaga kaming mag jogging. Nakasuot ako ng jacket saka track pants kaya hindi ako gaanong nilalamig. Ang ganda ng paligid talag ng ganitong oras, ang ganda ng liwanag ng langit.
Masaya kaming nag-exercise ni lolo, bago kasi kami mag jogging proper at maglibot-libot sa subdivision ay nagi-stretch muna kami ng katawan bilang warm up. Matapos nga noon ay nagsimula na kami sa pag jogging at inilibot na ang buong sangkabahayan. Habang nagja-jogg ay nagkukwentuhan rin kami ni lolo ng kung ano-ano.
Matapos naming lumibot at pansin na ang pagliwang ng kalangitan ay napag pasiyahan naming bumalik na. Pauwi na kami habang mahina nalang kaming naglalakad para ma cool down ang aming katawan. Dahil nga ay maliwanag na ay may napansin kami sa kaharap naming bahay. May mga tao roon na parang mga construction worker.Nagtataka akong tumingin kay lolo, "Lo ano pong nangyayari dyan?" I asked. "Ah iyan ba, balita ko niri-renovate iyan. Siguro nabili na iyan, ewan ko" sagot lang ni Lolo. "Ah, kailan pa po?" pahabol kong tanong sa kaniya. "Nung lunes lang apo, hindi mo na siguro napansin dahil maaga kang umaalis." Nauna nang pumasok si lolo sa bahay habang ako naman ay naiwan.
Maraming tanong na sumusulpot sa isip ko, sa dami ng mga iyon ay kahit ako hindi rin masagot. Hindi rin naman masagot ni lolo siyempre wala rin siyang kamalay-malay. Napatingin akong muli sa bahay na inaayos. 2 storey house iyon. Ka pansin pansin ang kupas na pinta, sadyang niluma na ng panahon. Mataas na rin ang mga damo. Parang bahay ng malungkot ang itsura nito. Matagal na kasing walang nakatira. Marami akong ala-ala sa bahay na iyan at isa isa na nga itong nagre-resurface pero pilit ko lang tinatago. Ayokong mag-relapse ngayon at maalala ang isang tao, ang aga pa para maging malungkot.
Pumasok na lang ako ng bahay tsaka naghanda na para sa pagpasok sa eskwela.
◇
Pagpasok ko ng classroom ay dumiretso na kaagad ako sa aking upuan. Nakangiti lang ako dahil good mood ako today dahil nakapag-inat inat ng katawan. Excercise really does fixes and improves our mood kaya naman I make sure that even with a busy schedule, I can still excercise kahit twice or thrice a week, kasama na ang weekends.
Bago umupo ay napasulyap ako sa katabi kong upuan, nagsusulat siya nag kung ano-ano. Nang mapansin ako ay napatingin siya sa akin at bigla nalang sumimangot . "Luh" nagulat ako sa reaksyon niya. Anong problema na naman nito?
Hindi ko nalang siya pinansin pa para hindi masira ang maganda kong mood na kasing ganda ko, kaya inilapag ko na ang aking bag sa aking chair saka ako umupo. Ilang sandali pa ay tumunog na ang bell ngunit wala pang pumapasok na teacher. Nasaan na kaya si ma'am? Usually kasi kahit wala pa ang bell ay nandiyan na siya.
Wala kaming ginawa kundi ang maghintay sa kaniya. Yung ibang kaklase ko ay nagdadal-dalan sa isa't-isa. Ako naman ay tahimik lang dito kasi wala naman akong makausap dito sa tabi ko, dahil itong si Jensen ay mukhang inatake na naman ng pagkamasungit niya. Yung kabila ko namang katabi ay may sarili ding mundo kaya wala akong makausap, hays.
BINABASA MO ANG
Me And The 4 Boys (Under Revision)
Teen FictionThis is the story of a discreet gay student navigating his life in his new school. With a pretty face and great personality, being discreet is hard. Four charming and strikingly handsome boys fell in love with his beauty and intelligence. Now, he i...