Chapter 11

2.5K 101 18
                                    

Me and the Four Boys

Jame

Pagkapasok ko sa school ay ibang PHA ang sumalubong sa akin. This place screams a total beehive because students' are as busy as a bee. May mga nakasabit na mga bandiritas na iba't-iba ang mga kulay sa paligid at kasalukuyang may mga estudyanteng nagsasabit sa mga lugar na wala pa nito. 

Mukhang busy ang lahat sa pagsiset-up ng mga tents and booths para sa iba't-ibang activities. You can see students everywhere, scattering the whole place with their presence. The place reeks excitement and anticipation. 

Tomorrow is a big day for PHA. Tomorrow is the foundation day of Philippine High Academy and it's an understatement if we say we're only excited, because we are thrilled and ecstatic for tomorrow's event. We don't know what's in the sleeve of the school admins bet we are up for it!

Nasa gitna lang ako ng field at nakatingin nang biglang nagdilim ang paningin ko. May kamay akong nararamdaman sa mga mata ko. Dahil sa dilim at wala akong makita, mabilis na sumulong ang kaba sa aking dibdib. Bumibilis ang tibok ng aking puso. Hindi, hindi! Hindi pwedeng nandito sila para guluhin ako ulit! Ayoko ng mangyari ulit yung dati!

Sobra na akong kinakabahan at parang hirap na akong huminga. Pinilit ko lang na pakalmahin ang sarili. Teka, nandito nga pala ako sa PHA, wala sila rito. Nagsimula na akong kumalma nang may maamoy ako. Kilala ko ang may-ari ng pabangong ito, hindi lang iyon, dahil naamoy ko rin ang pianaghalong perfume at ang kaniyang natural body scent. 

Tuluyan na ngang nawala ang kaba at takot sa aking dibdib nang hindi lang iyong amoy na iyon ang nagpapatunay na hindi masasamang tao ang nagtakip ng mata ko. Naririnig ko rin ang mga tawang pilit na tinatahimik. 

"PagHindiNyoInalisAngKamayNyoSakinSisigawTalagaAko." Mabilis kong wika sa kanila. 

"Ano?!"

"What?!"

"Huh?!"

Sabay-sabay nilang sabi. And my hunch is right, it's the golden trio. Kilalang kilala ko ang amoy ni Jensen dahil magkatabi kami sa classroom. Dinadala ng hangin ng aircon ang amoy niya patungo sa ilong ko. 

"Ahhhhhhhhhhhh!" sumigaw ako ng napakalakas at namalayan ko na lang na lumiwanag na ulit at muli ay nakikita ko na ang paligid. Mabilis na natanggal ang kamay sa aking mata nang sumigaw na ako. Takot pala kayo ah.  "Tulong! Tulong! Mga kidnapper ahhhhhhh!" Dagdag ko pang sigaw habang yung tatlo naman ay lumalayo na sa 'kin. 

Pinagtitinginan na ng mga tao ang pwesto namin dahi sa sigaw ko. Puro defensive naman at tila nahihiya ang itsura nung tatlo. 

"Huy 'di a!" Rinig kong sabi ni Cire na nahihiya na. "Pft hahahahaha." Tumingin sila sa akin na tila naiinis sa ginawa ko. Lalo naman akong natawa sa mga reaksyon nila. Huwag niyo kasi akong unahan sa mga ganiyang pakulo niyo hahaha. 

"Lakas ng amats nito" tawang sabi ni JV. Natatawa na lang rin siya habang si Cire naman ay napakamot sa ulo niya. "Hi guys" biglang sulpot naman ni Cielo. Nakipag-apir ang tatlo sa kaniya habang nagyakapn naman kami. 

"Ano-anong pinaghahandaan niyo para sa foundation day?" tanong ni Cielo. Nabaling ang atensyon namin sa kaniya. "Sa amin kasing mga yes-o na assign ang cleaning and maintenance" dagdag pa niya.

"Tutugtog kami ng banda ko bukas para sa opening" masiglang wika ni Cire. Basa sa mukha niya ang excitement para sa gagawing pagtugtog bukas. "Wow, that's amazing!" wika ko naman na excited na rin para sa kaniya. 

"Sa amin wala pa, pero nagpatawag ng meeting ang president namin mamaya. Mamaya ko pa malalaman kung ano ang gagawin." Sagot ko. "Sa amin–" hindi na naipatuloy pa ni JV ang sasabihin niya dahil agad ko na siyang pinigilan. 

 Me And The 4 Boys  (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon