Chapter 4

3.3K 126 0
                                    

Jame

Busy ako sa paglalaro ng plants vs zombies nang may tumawag sa pangalan ko, nilingon ko yung pinanggalingan ng boses at nakita ko si JV. Ngumiti ako sa kaniya at ganoon rin naman siya. Nilagay ko na yung phone sa bulsa ko saka ako tumayo at lumapit sa kaniya. Sa hindi ko inaasahan ay bigla na lang niya akong niyakap, dahil sa gulat, naestatwa ako sa kinata-tayuan ko, wala na akong nagawa kaya yumakap na lang din. Pinuno ng mahalimuyak niyang amoy ang aking ilong, ang bango niya, citrusy.

Matapos ang ilang sandali ay kumalas sya sa pagkakayakap namin. Bigla naman siyang nahiya at hindi ako matignan sa mata. "Sorry" paghihingi niya ng tawad sa akin. "Okay lang" sabi ko naman sa kaniya. "Ano tara na?" Paga-aya niya sa akin, tumango naman ako, "tara."

Naglakad na nga kami papuntang elevator. 3 rooms lang iyong nasa floor namin kay narating namin agad agad ang elevator. Taray din nitong school nato ah, may pa elevator. Pagkarating namin sa harap ng elevator ay kinapa ko ang aking bulsa para i-check sana kung dala ko ba ang pitaka ko. "Naku ang wallet ko wala pala dito" wika ko sa aking sarili nang hindi ko ito makapa sa aking bulsa.

Napansin naman ni JV ang pagkabalisa ko. "Hey, is there something wrong?" nag-aalala niyang tanong sa akin. "Uhmm... naiwan ko kasi yung wallet ko sa bag eh" pag-amin ko sa kaniya "balikan ko lang ah" dugtong ko. Nang akma na akong aalis at tumalikod ay hinawakan niya ang braso at pinigilan ako, kaya napatingin naman ako sa kanya.

"Huwag mo nang balikan, ililibre nalang kita" pag o-ofer nya sa akin. Bigla naman akong nahiya kaya "hala naku 'wag na nakakahiya naman sa iyo" pagtatanggi ko sa kaniya. Kakakilala nga lang namin eh magpapalibre na ako kaagad. May baon naman ako eh, sapat naman na siguro iyon.

"No it's okay. Since it's your first day here sa PHA, I'll treat you. And also I want to be your friend" pagpupumulit niya pa sa akin, "pwede naman tayong maging friend ah kahit hindi mo man ako ilibre"

He looked at me with an expresion saying please, nacute-an naman ako sa kaniya kaya umagree nalang ako, "okay" nalang ang nasabi ko. "Okay, do you mean friends na tayo?" Masigla niya namang tanong sa akin. "Okay for libre" sabi ko sa kaniya na agad namang ikinababa ng sigla niya. Pinipigilan ko lang ang tawa ko sa naging reaksiyon niya, para siyang bata, naka pouty lips pa. Sa angas niyang iyan, para siyang batang hindi pinagbigyan ng mama niyang kumain ng kendi.

"Friends na tayo please" pagmamaka-awa nya pa sa akin. Hindi ko na pinigilan pa at natawa na talaga ako sa itsura niya. "But JV, I'm gay. Do you really wanted to be friends with me?" Tanong ko sa kaniya na may paga-alinlangan, " if you don't want because of it, it's okay for me" dugtong ko pa sa kaniya.

Marami kasi akong istoryang naririnig na ganiyan eh. Pag inamin na ng isa ang tunay niyang pagkatao ay hindi na siya matatanggap. Nakakalungkot lang na ang friendship is limited and restricted by genders which it shouldn't be. Friendship is supposed to be a meaningful bond between people or group that close the divisiveness with people and be more connected, but sadly, there are people who bases their availability as friend to someone to their gender. That's just sad.

Inamin ko na sa kaniya agad para at least diba hindi pa kami gaanong close, kaya ko pang maka detach sa kaniya kung hindi niya pala gustong makipag-kaibigan sa katulad kong makulay ang kasarian.

"Of course yes. It's cool to have a friend like you, I mean it's nice to be friend with you, I can sense that you are a great person that's why I want to be friends with you. I. DO. WANT. YOU. TO. BE. MY. FRIEND" sabi niya sa akin na may tuldok talaga ang bawat word para mas dama. Na touch naman ako sa sinabi niya. "So friends?" Tanong niya sa akin sabay abot ng kaniyang kamay para makipag handshake sa akin bilang tanda ng aming pagkakaibigan.

"Sige na nga... friends" sabi ko sa kaniya saka inabot ko ang aking kamay sa kamay niya para mag-handshake, nang magkaabot ang aming kamay ay bigla niya nalang akong hinila at niyakap. Nagulat naman ako doon. Nang mawala ang gulat ay yumakap nalang rin ako sa kaniya. Alam kong hindi lang ako ang niyayakap niya ngayon kundi pati na rin ang aking pagkatao, kung sino man talaga ako at ramdam kong niyayakap niya iyon ng buo. Napangiti lang ako at napupuno ng init ang aking puso.

 Me And The 4 Boys  (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon