Chapter 12

2.1K 95 4
                                    

Foundation Day

Jame

Thrill and festive, the words that this day describes. Everyone has a wide smile plastered on their faces. Every student from junior high to senior high, even though differentiated by age, one thing's common, fun and enjoyment. 

Foundation day is one of the events that every student anticipates, here at our school or even others. It is one day full of entertainment, excitement, and celebration.  The school is vibrantly decorated with flag, bandanas, booths, and merry students. This place reeks happiness. 

We are all gathered in the field, it's 7 a.m and the event's about to start. Since it's foundation day, of course we don't have classes whole day. This day is purely for student's fun. Lahat ng estudyante ay nakatipon sa field, sa harap ng built stage, at isa na kami roon. Nasa harap pa talaga kaming tatlo ni Cielo at ni Kurt. 

Malaki ang stage at may naka set-up na ritong mga instruments, mayroon ding malaking LED sa likod para naman makita ng mga estudyante kahit sa malayo naka pwesto. Parang concert na concert talaga. Meron ding mga malalaking sound system. May budget!

Ganito ba talaga kapag private school, may budget sa mga ganito. Isa na naman ito na idadagdag ko sa listahan kung bakit maganda ang PHA. Nagdiwang ang lahat nang umakyat sa stage ang aming president or school owner. Ngayon ko pa lang siya nakita, ang gwapo niya pa rin sa edad niya. Feeling ko mga nasa early forty's na ito. Ang gwapo niya pa rin at halatang maalaga sa katawan. 

"Good PHA everyone!" bati niya sa masiglang tono na nagpasigla din sa amin. "Excited na ba ang lahat?" tanong niya na sinagot naman ng mga estudyante ng "yes!" Ngumiti si Sir saka ipinagpatuloy ang kaniyang speech. 

"Today marks the day of the establishment of Philippine High Academy. Exactly 25 years ago, an academy of excellence and greatness was founded on this very location. For that, we all have someone to thank to, my late grandfather, Mr. Philip Enriquez. Today is the school's silver anniversary." Malaki ang ngiti ng president nang maghiyawan ang mga estudyante, "Wow, 25 years na pala itong school!" rinig kong sabi ni Kurt sa aking tabi. 

"As we all know, this school is built for a reason, to teach us an important lesson in life, and I think everyone already knows that. My grandfather's legacy is pass on to the next generation until I get to hold it. For my 5 years of being the president after my father, I can say PHA houses the most amazing and extraordinary disciplined students! I'm sure my grandfather is smiling upon us right now."

"This day will be full of fun and excitement, and I, Lawrence Enriquez, your very charming president haha" nagsitilian ang mga estudyante dahil sa joke ni Mr. Enriquez, "welcome you to, the Philippine High Academy's 25th Foundation Day!" Agad na sumabog ang daylight fireworks bawat kanto ng stage at sumabog ang palakpakan ng mga estudyante. Masayang masaya ang lahat. Masaya rin ako syempre, dahil nararanasan ko ito ngayon. 

Lalong sumabog namang ang palakpakan at hiyawan nang lumabas sa stage ang banda ni Cire. "Ahhhh ang pogi ni Cire!" rinig kong sigaw ng babae sa likod ko. Ang gwapo nga niya! Nakasuot ito ng denim jacket at white pants, may bandana ring nakatali sa ulo niya. Ninety's ang motif ng banda nila, lahat naka jeans and denim wear. 

Lima silang lahat, may drummer, dalawang electric guitarist, pianist, at si Cire na main vocal nila pero may nakasabit ring electric guitar sa kaniya. Ang pogi na nga, ang talented pa. Pumwesto na sila sa kani-kaniyang mga instrument at si Cire naman ay nasa center sa harap ng microphone. Ngumiti pa nga lang ito ay ang lakas na ng hiyawan ng mga estudyante, tipong nakakabingi na. 

Nagulat na lang ako na nandito na pala sina JV at Jensen. "Saan kayo galing?" tanong ko sa kanila. "Sa backstage, piniprep si Cire, kinakabahan daw kasi" sagot ni JV. "Wow ang sweet niyo naman" sagot ko saka natawa. "Talaga" tanging naisagot ni JV saka kumindat sa akin. Luh.

 Me And The 4 Boys  (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon