Chapter 3

3.6K 130 0
                                    

Jame

PHA really is something. It's such a big school. After some time, I safely arrived on time for our second period. Since I am late, at the very first day of school at that, my classmates are already settled with their seats and I am left with the only available chair which is at the 3rd column from the right, the middle column, and the second row.

There are a total of 5 columns and 4 rows, so basically a total of 20 students. I guess that makes sense kasi it is a private school and also costly so the less numbers of students is justified, not unlike the public school where I come from that 1 section houses 40 or more students. I like this better, kaya siguro talagang mahal ang mga private school kasi maliit lang ang bilang ng mga mag-aaral kaya nafo-focusan talaga ng mga guro ang bawat students. Maswerte ako at naranasan ko ito at natanggap ako dito bilang scholar.

As I said, I am an ambivert, so I can choose to socialize on my own terms, gusto ko sanang makipag-kaibigan kaso naalala ko, mga mayayaman pala itong mga kaklase ko, pero ipinagsawalang bahala ko nalang at napag-pasiyahang makipag-kilala sa katabi ko. Para naman kahit isa ay may kasundo ako.

Tumingin ako sa kaniya, kasalukuyan siyang may kausap. I gather courage and greet him "hi." Naantala ang pag-uusap nila ng katabi niya nang marinig ako, lumingon naman siya sa akin, at laking gulat ko nang...

"Ikaw?!"

"You?"

Magkasabay naming sabi ng parehas na nag register sa amin kung sino ang kaharap namin. Siya lang naman yung lalaking gwapo sana pero masungit na nabangga ko kaya hanggang ngayon masakit pa rin ang pwet ko! Kaklase ko pa siya, at talaga namang katabi ko pa ah. Tsk.

We both observe each other's faces, na para bang test paper na aming chine-check kung tama ba. I was boiling while looking at him, and he's like not good seeing me and cold at the same time. There's this aura sourrounding him that I feel like he's anti-social type of a person. Sayang ang kagwapohan niya, sungit-sungit niya hmp.

We broke contact when we suddenly hear a voice saying "classmate pala tayo?" I kinda recognize the voice and I felt like I heard it from somewhere. And when I saw the owner of the voice I was surprised. "Classmates pala tayo?" I asked him the same question he asked me.

I look at him, wait ano nga bang pangalan nito.. ah Cire, tama. Yung lalaking tumulong sa aking makatayo kanina.

"Magka-kilala kayo?" tanong naman sa amin ng katabi kong nagulat rin.

"Oo" Sabay naming sabi. "Siya lang naman yung tumulong sa akin matapos akong mabangga ng isang lalaki diyan at sinungitan pa ako imbes na tulungan" pagpaparinig ko naman sa kaniya.

"You're the one who bumped into me and not the other way around" he defended himself which I think tama nga naman, ako nga yung bumangga sa kaniya. "Well, nagmamadali kasi ako kasi male-late na ako, at isa pa nag sorry naman na ako ah, tsaka sinungitan mo pa ako imbes na tulungan" pagtatanggol ko naman sa sarili ko. "Sungit nito" sa isip isip ko.

"I was minding my own business, you bumped into me, and you expect me to accept your apology right away? I don't even know you. And one more thing, I'm not the reason why you're late, why don't you be accountable of your own behavior, and accept the consequences of you action" mataas na litanya nito na nagpa-tahimik naman sa akin. Ako ang hiningal sa kaniya, ang dami niyang sinabi. Pero tama nga naman ang sinabi niya, kasalanan ko naman talaga. "A-ah eh.."

"Hahaha, stop arguing with Jensen if I were you, hindi ka mananalo diyan, ang dami niyang rason eh, future lawyer kasi" natatawang saad naman ni Cire na nagpa irap lang naman dun sa masungit. Ah Jensen pala name niya. Parang katunog ng Bunsen, Bunsen burner hahaha kaya pala masungit, umaapoy sa kasungitan eh no.

 Me And The 4 Boys  (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon