Jame
Unang araw ng eskwela sa Philippine High Academy, isang prestigious private school dito sa Manila. Ang mga estudyante dito ay halos mayayaman lahat, mayroong artista o kaya anak ng mga asrtista, mayroon ding mga anak ng mga politicians, halos lahat ata ng mga anak mayaman eh andito na. Sa kabila noon mayroon din namang mga may kaya lang na umaasa sa scholarship ng school tulad ko.
Istrikto ang school na ito at maraming rules and regulations na kailangang sundin except tuwing araw ng biyernes kung saan walang kahit na anong rules ang kailangang sundin, pero may nakapag-sabi sa akin na ang pinaka-importante mong gagawin ay ang mag survive. Kakaiba ang school na ito ayon sa mga haka-hakang narinig ko pero wala pa akong masyadong impormasyon dahil confedential ito.
"Apo gumising ka na mahuhuhuli ka sa unang araw mo!" Napabangon ako agad sa aking kama nang marinig ang sigaw ng lolo ko. Si lolo Danilo lang ang kasama ko dito sa bahay. Iniwan kasi ako ng tatay ko dito matapos itong nangibang bansa para mag trabaho, samantalang hindi ko naman kilala ang nanay ko.
Pagkabangon ko pa lang ay dumiretso na agad ako sa aming banyo saka ko tinitigan ang sarili sa salamin. Isang maputi, payat, may katamtamang tangkad, at maamong mukha ang tumitig sa akin pabalik. Nginitian ko ang aking sarili at napansing ang tumubo sa aking noo. "Nakakainis naman tong isang pimple sa noo ko, ngayon ka pa talaga tumubo ah."
Matapos kong maligo ay bumalik na ako sa aking kuwarto para makapagbihis na. Tinignan ko ang orasan at... 7:00 o'clock na! "Naku patay! Late na ako! Bawal pa namang malate sa PHA!" sabi ko sa sarili kaya nagmadali na akong magbihis at lumabas ng kwarto.
Pag labas ko ay nakita ko si lolo na naghahanda ng almusal at baon ko. Si lolo ko ang naghahanda ng mga kailangan ko. Sobrang bait ng lolo ko kaya naman ay laking pasalamat ko talaga sa kaniya kasi kahit matanda na siya ay inaalagaan niya pa rin ako.
Dumiretso na ako sa hapag-kainan saka umupo para makakain na ng almusal. "Lo bakit di nyo po ako ginising ng maaga" wika ko sa kaniya na kasalukuyang may hinuhugasan sa lababo. "Ah kasi apo ang himbing ng tulog mo tapos hindi kapa kasi nagpapahinga kakabasa mo nang mga libro, kaya pinagpahinga na muna kita" sagot niya.
Nagbabasa kasi ako buong gabi, advance reading kumbaga. Isa akong scholar sa PHA kaya namn pinupursigihan ko ang talaga aking pag-aaral para ma maintain ang grado ko.
Pagkatapos kong kumain ay kinuha ko kaagad ang baon ko at nilagay na sa bag. Didiretso na sana ako palabas ng bahay ng naalala ko ang aking I.D kaya naman ay mabilisan ko itong kinuha mula sa aking kwarto.
Philippine High Academy. Jame Anders Fernandez. Grade 9. Basa ko sa aking i.d. Mabilis ko itong sinuot sa aking leeg saka nagpaalam na sa lolo ko. "Lo una na po ako" paalam ko habang palabas ng pintuan "O sige mag ingat ka apo" tanging sagot lang nito. "Opo."
Naglakad na ako papunta ng terminal para doon sumakay. Nasa isang simpleng subdivision lang kami nakatira at mula sa bahay namin ay kailangan ko pang lumakad papuntang kanto para doon sumakay sa may terminal.
Ilang sandali pa ay nakarating na ako sa terminal at sumakay na sa isang tricycle. Nakarating na ako sa labas ng academy agad naman akong nagbayad sa driver at kumaripas ng takbo. Habang tumatakbo, tumingin ako sa aking relo, shemay 8:31 na, 31 minutes na akong late. Agad akong pumasok sa gate at mas binilisan pa ang takbo at sa 'di inaasahang pangyayari, kung minamalas ka nga naman...
Boom... nabangga ako sa taong nasa harapan ko at bumagsak ang pwet ko sa semento. "Ouch" mahinang daing ko. Ang malas ko naman yata today. Inangat ko ang aking mukha para makita kung sino ang salarin sa pagkabangga ko. Nang makita ko siya ay agad ko namang binawi ang sinabi ko kaninang ang malas ko. "Shet ang pogi" tili ko sa sarili ko.
Nakatingin sa akin ang isang mestisong lalaki na may matangos na ilong, maputing katawan at hanggang mata na bangs. Masungit ang kaniyang mukha at malamig ang kaniyang tingin. Lakas maka expensive ng itsura ni kuya pero parang masungit ata.
"Ang tanga mo naman! Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?!" galit at pasigaw nyang wika sakin. Makikita mo talaga sa mata nya ang inis. Kung nakamamatay lang ang titig, siguro ay nakabulagta na ako ngayon dito. Masungit nga.
"Sorry" paghingi ko naman ng tawad sa kanya. Ako naman talaga ang may kasalanan dahil sa pagmamadali ko ay hindi ko na napansin na nakaharang pala siya sa dinadaanan ko. "Tsk!" Sabi nya sabay irap sa akin at umalis na.
"Tsk! Karin, gwapo nga ang sama naman ng ugali! Nakakainis" wika ko sa sarili ko.
Tatayo na sana ako kaso natumba ako ulit. "Aray" napasigaw na ako sa sakit. Bigla namang may lumapit sa akin at inabutan ako ng kamay. Nabigla naman ako at inangat ko ang ulo ko para makita kung sino ang nag-mamay-ari ng kamay. Ang gwapo, napapaligiran ata ako ng mga gwapo ngayong araw ah. Maputi, matangos ang kanyang ilong, makinis rin sya, at higit sa lahat, mukhang masiyahin ang isang to. Sa tingin ko mga ilang pulgada lang ang agwat na aming height. Inabot ko naman ang kamay nya saka nagpasalamat. Ang lambot ng kamay nya, halatang mayaman. Inalalayan nya akong tumayo.
"Hey. Are you okay?" tanong nya sa 'kin at halata ang concern sa boses at mata nya. "Ah oo. Thank you!" sagot ko naman sa kanya. "Sorry pala sa inasal ng kaibigan ko kanina ha" sabi niya sa akin habang nagpapagpag ako ng puwet. "Ah kaibigan mo pala yun. Wala yun. Kasalanan ko rin naman kasi." wika ko rito
Tumango lang sya." Nasaktan ka ba?" "kita mo to napa sigaw na nga ako ng aray syempre nasaktan ako! May sumisigaw ba ng aray dahil sa tuwa? Wala naman diba?" pero siyempre hindi ko sinagot iyan. "Oo. Pero okay na." Sabi ko nalang sa kanya.
Tumango sya ulit. "Ako pala si Cire Adrian Montemayor. But you can call me Cire. What's your name?" Inabot niya ang kaniyang kamay "I'm Jame Fernandez" pakilala ko sa kanya sabay tingin sa relo ko. 8:51 na! "I-I'm sorry late na ako...sige una na ako sayo ah"
"Sige" pag sang-ayon nya saka ako tatakbo na sang patungong room,
Kaso...
"Ah yung ka-kamay ko ka-kasi" nauutal kong sabi. Sabay naman kaming nakatingin sa kamay naming magkahawak mula pa kanina. "Oopss... Sorry" sabi nya ng may nahihiyang ngiti sabay bitaw ng kamay ko. Hindi ko na siya kinausap pa at nagpaalam na "Sige... bye" paalam ko sa kanya at kumaripas na ng takbo.
"Bye" narinig kong sigaw nya. At tumakbo na nga ako papuntang room ko.
Cire
Pinagmasdan ko lang syang tumakbo, habang nawawala na sya sa paningin ko.
"Wow grabe ang ganda nya" wika ko sa sarili ko, alam ko kasing gay sya kaya "ganda" ang ginamit ko, nalaman ko yun sa hinhin ng pananalita nya. Open ako sa kasarian ko at proud akong isang bisexual, bago ko lang nalaman sa sarili ko na ganito ako nang nagagandahan ako sa mga bakla.
Grabe talaga ang ganda nya. Yung mabait at mahinhin na aura, parang ang bait at ang gaan niya lang kasama. Na love at first sight na ata ako. "Teka parang ngayon ko lang yata sya nakita ah. Siguro transferee sya" wika ko sa aking sarili at iniisip sya habang naglalakad papuntang classroom. Hindi kasi mawala sa isip ko ang mukha niya at parang naka rehistro na ata.
Oo late na ako, alam ko yun. Pero wala akong pake. Palagi naman kaming late ng mga barkada ko. Alam ko namang hindi ako mapapagalitan ngayon kasi adviser ko naman ang mama ko sa star section. Kaya okay lang. Hindi ko na inabala pa ang sarili klo at nalakad na.
"Wait for me baby... kikilalanin pa kita!" ngiti ko sa sarili ko habang iniisip ang mala-anghel na mukha ni Jame at kung paano ko siya kakaibiganin.
BINABASA MO ANG
Me And The 4 Boys (Under Revision)
Teen FictionThis is the story of a discreet gay student navigating his life in his new school. With a pretty face and great personality, being discreet is hard. Four charming and strikingly handsome boys fell in love with his beauty and intelligence. Now, he i...