Chapter 10

2.6K 106 3
                                    

Jame

Malamig na hangin, katamtamang sikat ng araw, at mainit na gatas na pinaresan ng tinapay ang salubong sa akin ng sabado ng umaga. Payapa at walang iniisip na school activities. Salamat rin dahil mula sa stress at kaba kahapon, makakapag-pahinga na ako ngayon.

Nasa bakuran namin ako ngayon, sa likod bahay kung saan may mga pananim na gulay. Pechay, talong, radish, malunggay, at camote. Mga hilig naming gulay. Hilig rin kasi namin ni lolo ang magtanim at nakakawala ito ng stress, ang saya rin kapag may ani kana, yung tipong ang sarap nitong kainin dahil alam mong fresh ang mga gulay dahil ikaw mismo ang nagtanim.

Habang ako ay umiinom ng gatas dito sa dining area sa likod bahay, ang lolo ko naman ay inaasikaso ang mga pananim, tumitingin ng mga peste at nagdidilig. Pumipitas din pala siya para sa magiging agahan namin. Isa kasi ito sa mga hobby niya, ang pagtatanim. Sa kaniya ko namana ang green thumb ko. 

"Apo bumili ka nga ng tomato paste pagkatapos mo diyan" rinig kong utos ni lolo. "Opo" sagot ko naman. Binilisan ko na ang pagkain ko para makabili na sa labas.

Akmang isasara ko na  sana ang gate nang biglang may narinig akong sumigaw ng pangalan ko. "Jame!" Nagulat ako sa lakas nito. Nang makita ko kung sino ang sumigaw ay mas nagulat ako. Lumuwa ang aking mata at hindi makapaniwala sa kung sino ang nakikita ko ngayon.

Isang matangkad, maputi, at may pinakamatamis na ngiting kilala ko. Hindi ako makapaniwala ngayon. Nakanganga lang ang bibig ko habang siya naman ay tawa ng tawa sa reaksyon ko. I can't believe how grown up he is now! And the fact that I'm seeing him. He's here!

"Kurt?" Hindi ko makapaniwalang tanong sa kaniya. "Kamusta kana?" Tanong niya sa akin. "Ikaw ba talaga yan?" Tanong ko ulit at hinawakan ang kaniyang magkabilang pisngi para tignan ang buo niyang mukha. He's really grown, I almost didn't recognize him.

"Yes, it's me!" Masiglang wika niya. I can't contain my happiness right now, niyakap ko siya na agad niya namang tinanggap. We're both reflecting each other's smile.

"Okay lang ako, ikaw, kamusta ka na?" "Eto gwapo pa rin" pagmamayabang niya. "Hindi ka talaga nagbago, ang yabang mo pa rin!" Ginulo ko ang buhok niya na halos hindi ko na magawa dahil sa tangkad niya.

Mas tumangkad at mas pumuti siya ngayon. Well, sa loob ba naman ng ilang taon na hindi kami nagkita, malamang ang rami ng nagbago sa amin. Isa lang talaga ang hindi nagbabago, ang tamis ng ngiti niya. Masayang masaya ako na narito na siya ngayon.

Kurt Luis Tejano, siya ang childhood friend ko. Nag migrate sila sa Singapore noong mga 8 years old kami. Na assign kasi roon ang daddy niya at matagal tagal kaya naisipang doon nalang sila maninirahan

"I'm so glad that I meet you right now, pero bibili pa kasi ako ng tomato paste eh, pasok ka kaya muna sa loob, bibili lang ako saglit" wika ko sa kaniya nang maalalang may inutos pala sa akin si lolo. "Sabayan na kita, na miss kita eh" sabi pa niya kaya naman sabay na kaming naglakad papunta sa tindahan. Naramdaman ko ang bigat ng kaniyang braso nang nagsimula kaming lumakad. S"Uy marunong ka pa rin mag tagalog ah, akala ko magaala-afam ka na eh hahaha." "Tagalog pa rin naman kasi ang gamit namin sa loob ng bahay kaya hindi ito nawala sa akin" sagot niya naman sa biro ko. 

Si Kurt ay di naman gaanong maputi at di rin naman maiitim noon, kaso iba ata ang hangin doon sa Singapore eh kaya naman mas lalong tumingkad ang kulay niya.  Syempre gwapo siya given his brown eyes, makapal na kilay matangos na ilong at syempre yung lips niya, full and kissable.

Sa tagal naming nagkalayo, akala ko mag-iiba na siya pero ganoon pa rin pala, walang pagbabago, makulit at mapang-asar pa rin, mga bagay na nagkakasundo kami. Habang naglalakad ay wala kaming ibang ginawa kung hindi ang bolahin ang isa't-isa at magtawanan, parang kahapon ko lang siya huling nakita, kung ano ang bond namin noon, ganoon pa rin ngayon. Ang saya lang, nakakapuno ng puso.

 Me And The 4 Boys  (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon