STEP 7

1.1K 36 1
                                        

STEP 7

(Get his number)

Keshin's POV

Sunday at Church

"Hey girl, alam mo ba nagfollow back sa akin si Chester sa Instagram. It means crush niya ako?" Nakaagaw atensyon sa aking mga mata at tenga ang babaeng palengkera na kung makasigaw ay akala mo wala sa simbahan. Kinikilig pa wari.

Pinallowback lang crush agad? Di ba pwedeng naaawa siya sa mga taong lubos-lubos ang pagsuporta sa kanya kaya ipinallowback siya nito? At tsaka baka naman fake account lang yun? o kaya naman ay kapwa chaka niya? Eh miski isang tao kapag nakita ang pagmumukha niya siguradong iaunfollowback siya. O kaya naman ay iba ang profile picture ng account niya? Hayy... Wag na ngang isipin pa ang walang kabuluhang bagay.

"Ha? Talaga? Baka naman fake account lang yun? Imposible naman, ako nga 'tong maganda hindi niya magawang i-followback" Hindi makapaniwalang sabi ng kaibigan niya. Yata? Isa rin 'tong di mayabang ano?

"Grabe ka naman! Official Instagram account niya kaya yun!" mukhang nalungkot naman yung babaeng palengkera

"Oh. Kung official page niya yun, anong spell nung official?" tanong nung assumingera

"Ha... Ehhh... Teka lang iisipin ko" napaisip si palengkera "Ay eto na, O-P-P-I-S-H-Y.... ano pa ba yun? ahhh.. at tsaka -A-L? " Tuwang-tuwa niyang sagot pero deep inside nahirapan siya.

"Oh. Shunga. Isang P lang kaya! Sabi ko sayo eh hindi nga sa kanya yung aacount na yun.!" Paguumapila pa ni assumingera.

Palihim na akong tuwatawa habang pinapanuod sila. Patawa ang mga bruha, ano ba ang tinira nila? Katol?

"Ay oo nga nuh? Tama ka nga pala. Pasensya naman isa lang naman mali ko eh. Maniwala ka sa akin real account niya yun at crush niya ako" Napatingin naman yung assumingera sa palengkera

"Asa ka namang crush ka nun?" pakikipagtalo pa nito. Mukha na nga silang mag-aaway.

Nagsisimula na yung mass pero ang dalawa ay hindi pa rin tumitigil sa pagtatalo.

"You should shut up your mouth or else I will cut your tongue para matigil lang kayo sa pagsasalita" Hinarap ko sila at napatingin sila sa akin. Ang iingay kasi ng mga bunganga eh. Naguumpisa na ang mass pero sila hindi pa rin nagpapaawat sa pagtatalo. Ano ba ang tingin nila sa simbahan? Bahay landian? Pumunta sila dito para magbawas ng kasalanan at hindi magdagdag ng kasalanan.

"Oh. Ano pang tinitingin-tingin niyo jan? Pakinggan niyo si father para mabawasan nanaman ang kalandiang itinataglay ng utak niyo".At tsaka ako bumalik sa pagtingin sa harapan. Mananahimik naman din pala sila kailangan lang patahimikin. Akala mo naman mga sanggol.

Grabe pala talaga ang dating ni Chester sa mga tao, Going to showbiz lang ang peg.

"Wag kang gagaya sa kanila Sab ha!" sabi ko pa kay Sabrina na kata-katabi ko

Yup, Kasama ko si Sabrina magsimba. As I promise to her na dadalawin ko siya. Dahil sa wala akong magawa, every Sunday dadalawin ko na lang siya para may mapaglibangan man lang ako. Swerte niya't nagustuhan ko ang attitude niya. After naming magsimba mamaya we're going to mall para ipagshopping siya ng mga damit. Puro butas na kasi ang mga suot niya.

"Who's that little girl sis?" Maarteng tanong ni Yaden

"She's so cute! I like her!" Sabi ni Basshi

"But? Parang batang kalye?" Nagtatakang tanong ni Yaden. Ano pa ba ang expect niya?

"Thank you so much for your compliment" Sabi ni Sab.

Mukha silang nagulat. Nakanganga sila as in nganga akala mo ay papasukan ng kutsara. Tinitigan nila si Sab ng may pagka-amaze sa mukha.

21 Steps to Get Your CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon