STEP 10
(Cute Call Sign)
Chester's POV
Matapos ang ilang araw ng madugong labanan, Nakaupo ako sa harap ng kinahihigaan ni Keshin sa Hospital. Ilang araw na rin siyang walang malay. Hindi daw alam kung kaylan muling maiimulat ang mga mata nito.
"Ano ba kasi ang nangyari?" Tanong ni Yaden.
"Hulu. Grabe naman pala ang nangyari sa inyo. Malakas ba ang pagkakahampas kay Keshin? Sarap ng tulog eh. Wala na tuloy magmamaldita" Worry na sinabi ni Basshi.
Marami kaming mga naghihintay sa paggising ni Keshin. Kahit ako dahil iniligtas niya ako mula sa malakas na hampas na hindi naman dapat para sa kanya. Tsk. Nakakainis ang mga lalaking iyon na hindi naman magandang ka-usap. Nasira ang pinag-usapan.
"Tol! Mag breakfast ka muna. Magdamag ka ng nagbabantay sa kanya!" He tapped my shoulder, then I looked at him seriously. Mukhang nag-aalala din si Albie sa nangyari. Hindi niya rin ito inaasahan.
I nod then I looked again to her. Nakapikit lang ang kanyang mga mata habang walang kamalay-malay sa mga nangyayari.
Tumayo ako at nakipagpalit naman si Albie sa akin sa pagbabantay.
Albie's POV
Ng makatayo si Chester, Nakipagpalit ako sa kanya sa pagbabantay. Matagal ko ng kaibigan yan si Chester kaso iba nga lang ang ugali niyan. Masama kung masama. Yun nga lang mukhang may mali sa aking mga disisyon sa mga araw na 'yon.
"Ano ba talaga ang nangyari? Hindi lang talaga ako makapaniwala na sinalo ni Keshin ang hampas na iyon. Maarte kaya iyon" Pagtatanong ni Yaden na ilang beses ng ipinaliwanagan sa kanya kung ano ang tunay na nangyari pero hindi pa rin siya naniniwala. Ano bang akala niya sa amin? Sinungaling? Tss. Walang ipinagbago
"We've already answered your question. How many times we will repeat it to you?" Naiirita kong tanong sa kanya at inirapan niya lang ako. Kahit nakasama ko siya ng matagal noon ay hindi pa rin nagbabago ang tingin ko sa kanya. Walang pinagbago. Alam ko namang nagpapapansin nanaman siya. Hindi niya na ako pinansin at lumabas naman ako para umuwi na muna sa condo ko. Hindi pa kasi ako nakakapag-hilamos o kahit shower man lang.
Keshin's POV
Mga ilang araw na rin akong nakahiga sa kamang ito. Ngayon ko lang binalak gumising, Ng maimulat ko ang aking mga mata, Isang nakakasilaw na liwanag ang bumungad sa aking mga mata.
Lumingon ako't nakita si Basshi at Yaden na nagm-make up. Silang dalawa na lang ang natira sa room.
"Oh. Sis, Look oh. Gising na si Keshin!" pagkalabit pa ni Yaden kay Basshi na seryoso sa pagm-make up.
"W-wait lang. Tatapusin ko lang ang pagb-blush on ko!" Nagmamadaling pagb-blush on ni Basshi.
Kita mo, mas inuna pa ang pagb-blush on niya kesa tignan ako o kamustahin ako lung okay lang ba ako? True friend nga naman.
"Sis. Okay ka lang ba?" Tanong ni Yaden at winawagayway sa mga mata ko ang kanyang mga kamay.
"Mukha ba akong okay? At tsaka likod ang nahampas sa akin hindi mata! Don't treat me like I'm blind!"
"Sabi ko nga eh! Hehehe.." Napakamot siya sa kanyang batok
"Bakit ba naman kasi sinalo mo pa yung hampas mula sa likod? Hindi ka naman siguro si Darna na kapag nahampas ng kahoy ay wala lang effect. Feeling bakal ka rin eh!" Pagmamaldita ni Basshi sa akin. Nawala lang ako ng ilang araw aba't nagreynareynahan na pala ang bruha.
pabangon na ako mula sa pagkakahiga ng biglang sumakit ang likod ko.
"Ouccchh! It's Hurt!" Maarte kong sigaw na parang naiiyak. Ang sakit talaga walang halong drama. Mukhang nataranta sila at inalalayan ako muli sa paghiga.
BINABASA MO ANG
21 Steps to Get Your CRUSH
Romance[21 Steps to Get Your CRUSH] Alam naman natin na ang bawat isa satin ay may bawat isang Crush. Sabi nga nila "Crush is Paghanga" kaya kung crush lang, Crush lang walang involve na pagmamahal kasi masasaktan ka lang. What if gumawa ka ng mga hakbang...
