Chapter: Staying Under the Same Roof
Keshin's POV
"Ano bang nangyari dito?"
"Sino yung sumigaw?"
"What happened?"
Agad-agad naman silang nagsitakbuhan patungo dito sa kitchen. Nataranta siguro sila sa sigaw ko?
"Ayyyyyieeee!" Kinikilig nilang sabi
*lub-dub*lub-dub*
Umalis ako mula sa eye to eye contact namin at agad naman akong nagpumilit na bumaba. The way he look at me, M-Y-G-O-S-H. Kainis 'tong mga 'to. Istorbo kasi eh.
Hindi ako makatingin ng straight sa mata niya. May ilangan portion na nangyayari. Naglakad ako bigla na para bang walang nangyari.
"Ano bang nanyari sis?" Tanong ni Basshi
"Wala!"
"Eh bakit ka sumigaw? At tsaka bakit ka niya buhat buhat? Di naman maaaring walang nangyari?" Pangungulit ni Yaden
"Wala nga!"
"Sige na sis! *pout* Kwento ka naman!" Pangungulit ni Basshi hanggang sa makarating kami sa room na ipinahiram sa amin.
Ng makapasok na sila, sumunod naman akong pumasok at isinara yung pinto with matching lock pa.
"Ano ba kasi yung nangyari kanina sis?" Usisa pa ni Yaden
"Eihhh.. kasi eh..." Kinikilig pa rin ako habang nakatayo. Napasandal ako sa pinto. I can't explain eh, how will I start this?. Sila naman ay naka-upo sa kama habang hinihintay yung sasabihin ko.
"Oo na. alam naming kinikilig ka. I-explain mo na kaysa sinusolo mo yan. Pa-excite ka rin a'no. Kwento na dali" Excite na sabi ni Basshi. Napaka-exaggerated naman nito.
"Ito na nga eh, Naghahanap kasi ako kanina ng food sa ref pero nung wala akong nakita, Agad naman akong kumuha ng upuan upang maabot yung cabinet sa itaas. Naghanap ako ng makakain hanggang sa makita ko yung malaking Cup Noodles sa kabilang cabinet. Ng makuha ko na, hindi ko namamalayan na sa sobrang pilit kong maabot yung cup noodles, naka-out balance na pala yung upuan. Haggang sa nalaglag ako ng hindi sa inaasahang sinalo ako ni Chester. I didn't expect na sasaluhin niya ako ng mga time na yun. Sis, Bakit ba parang mas lumala ang kabog ng puso ko everytime na nakikita ko siya?" Napatanong ako bigla sa kanila. Napansin ko lang kasi lately na, hindi naman ako ganito nung first time na nagka-Crush ako sa kanya.
"Malala ka na sis!" Sagot naman ni Basshi
"Ikaw ang mas malala Bash. Malala din yang utak mo!" Sagot ko sa kanya. Wala naman kasing kwenta silang kausap eh.
"So, Nang dahil sa Cup Noodles nangyari ang lahat ng yun? Hanggang ngayon nga hawak mo pa rin yang Cup Noodles eh!" Pagturo niya pa sa Cup Noodles na hindi ko namamalayang hawak hawak ko pa rin pala. Kaya naman ay napatingin ako. Natawa tuloy ako bigla. Handa kong isalalay ang lahat para lang sa Cup Noodles na'to.
Nakahiga na ako sa kama ng pumasok nanaman sa utak ko yung nangyari kanina. Mahimbing na natutulog na sila Basshi at Yaden.
"Okay ka lang?"
"Okay ka lang?"
"Okay ka lang?"
UGH...
I can't sleep.
Sabay nagtakip ako ng kumot para makatulog.
-----------
*Tiktilaooooookkkkkkk*
Nagising ako mula sa ingay nung manok.
Umaga na pala. Nasisikatan ako ng sinag ng araw mula sa bintana. Nakakasilaw. Nakabukas yung bintana at hinahangin yung kulay puting curtain.
BINABASA MO ANG
21 Steps to Get Your CRUSH
Romance[21 Steps to Get Your CRUSH] Alam naman natin na ang bawat isa satin ay may bawat isang Crush. Sabi nga nila "Crush is Paghanga" kaya kung crush lang, Crush lang walang involve na pagmamahal kasi masasaktan ka lang. What if gumawa ka ng mga hakbang...
