Chapter: Bad or Good
Keshin's POV
Ng magising ako, Syempre maganda pa rin. Napatingin ako sa paligid, Ang dilim at tanging sinag ng liwanag mula sa labas lang ang nagsisilbing liwanag sa ilang parte ng lugar ng aking kinaroroonan. Nakatali ako sa upuang pagkadumi-dumi. Ano ba ang plano nila sa maganda kong buhay? Kainis. Porque maganda ang pamumuhay ko pilit nilang sisirain. Mga insecure.
"Bwisit! Pakawalan niyo nga ako dito! Itatali niyo na lang ako, Sa maduming upuan pa! Dapat marunong kayong makibagay kung saan naaayon ang mga magagandang kinikidnap niyo! Dapat sa trono ng reyna o kahit sa trono na lang ng prinsesa!" Pagpuputok ng aking butsi.
"Hey!" Nadinig kong nagsalita ang isa pang babae.
Hinanap ko kung nasaan siya banda. Wala akong makita. Sa dilim na'to, Mag ha-hide and sick pa ang bruha?
"Where are you?" Tanong ko sa kanya
"I'm here! Follow my voice!' Sinundan ko naman kung nasaan nanggagaling ang boses niya.
"Paghahanapin mo pa ako! Ikaw kaya ang lumapit!" Inis kong sabi. May paa naman siguro siya para lumapit sa akin?
"How?" Nagtataka niyang tanong. Bakit ba ang shushunga na ng mga tao ngayon? Miski paglakad di pa alam.
"How?? Nagpapatawa ka ba? maglakad ka gamitin mo ang utak mo! Kung nadidiliman ka, diskarte mo na! Kasabwat ka naman nila kaya buksan mo na ang ilaw kung meron man!"
"No! I'm not one of them! At tsaka, Paglalakarin mo ako? Eh nakatali nga ako sa upuang ito." Pagrereklamo niya rin
Edi ibig sabihin, Hindi lang ako ang nandidito? At hindi lang ako ang kinidnap?
"Anong atraso mo't bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya. Curious lang.
"Ewan ko ba? Hindi ko rin alam. Pagkalabas ko ng school, Bigla na lang nila akong Hinila at pinasakay sa puting van. Ipapakain daw nila ako kay Botchie." Sabi niya. Yun ang ikinagulat ko dahil parehas na parehas ang ginawa sa aming dalawa.
"Tsk. Bakit ba kasi tayo dinukot? I don't have any idea if why? At tsaka bakit ba kasi ipapakain pa tayo sa oso na yun? Ang swerte naman ng oso na yun nuh? Isang dyosang maganda at mayaman na tulad ko ang kakainin niya. Baka mabilaukan siya niyan. Haisst. Bahala na. Kung ito na ang katapusan ko, Sana makita ko man lang ang taong Crush ko bago ako mamatay" Pagaalala ko.
"Mas inalala mo pa talaga siya anoh?" Pakikisabat niya
Hindi na ako nagsalita. Lalo ko lang mamimiss sila. Hanggang sa nagbukas yung ilaw. Nakita ko yung isa pang babae na naka-upo at nakatali din. Hindi ako makapaniwala dahil siya yung babaeng lagi kong nakikita na kasama ng Albie na mayabang na yun.
"M-miss Keshin? A-no po ang ginagawa niyo dito?"
"Hindi mo ba nakikita? Nakatali at naka-upo!" Malditang pagkakasabi ko sa kanya
"A-I Mean, Bakit po kayo napad-pad dito?" Pagtatanong niyang muli
"Hindi mo ba nadinig ang sinabi ko kanina at kaylangan ko pang i-ulit sayo?" Pagmamaldita ko ulit.
Mukhang natahimik na siya at hindi makapag-salita.
"Ahh... he-he. Wag na." Nahihiya niyang sabi. Siguro dahil na rin sa kat*ngahan niya.
Mga tao nga naman, Nasabi mo na ang kasagutan sa katanungan nila ay magtatanong pa. Alam na nila sa sarili kung ano man ang kasagutan ay ipagpipilitan pang magtanong may masabi lang.
"Oh. Ngayon, Natatawa ka? Dahil t*nga ka?" Pagmamaldita ko. Pagbigyan niyo na ako baka ito na ang huling kamalditahan ko. Nakatingin lang siya sa akin.
BINABASA MO ANG
21 Steps to Get Your CRUSH
Romance[21 Steps to Get Your CRUSH] Alam naman natin na ang bawat isa satin ay may bawat isang Crush. Sabi nga nila "Crush is Paghanga" kaya kung crush lang, Crush lang walang involve na pagmamahal kasi masasaktan ka lang. What if gumawa ka ng mga hakbang...
