Chapter: Albie Conception
To all readers: This is not a Step of Keshin. Chapter po siya. Next Update po yung step.Thank you.
Keshin's POV
Nagmamadali akong naglalakad patungo sa aking room ng bigla akong nabungo sa kanino mang bwisit na nakaharang sa aking dinadaanan.
"Ouch. You hurt me." Sigaw ng babaeng maarte na kasa-kasama pa nung lalaking gwapo, Oo aaminin ko gwapo siya at ang kisig ng katawan. Mag-Bf/Gf yata sila.
Bahagya kong itinaas ang aking kilay at nagcross arm sa kanila. Mukha namang nagulat yung babae sa pagiinarte niya.
"So, Ikaw pa talaga ang nasaktan?" Tanong ko sa kanya then she nodded.
"Are you sure? Kayo na 'tong paharang-harang sa dinadaanan ko so kayo pa ang nasaktan? How so stupid. Dapat nga ako pa 'tong nag-OUCH sa sobrang lakas ng impact niyo sa akin. May mata naman siguro kayo para tumabi diba? So dapat ang mata ay ginagamit sa dinadaanan at hindi sa kasintahan." Mataray kong sabi sa kanila.
"Hoy Miss. Tama na! nakakahiya maraming tao sa paligid ang nanunood!" Pagaawat pa nung lalaki na kasama ng maarteng babae na feeling sossy.
"Do I care? Shut up!" Sabi ko sa kanya at mukha naman siyang nainis.
"Miss. Sino ka ba para palayasin kami sa dinadaanan mo? Sayo ba ang daanang ito?" Inis niyang tanong sa akin. Hindi niya ba ako nakikilala? Baka nakakalimutan niyang Apo ako ng may ari ng paaralang ito at soon to be owner. Haisst. Nakakairita talaga ang lahat ng studyanteng hindi nakakakilala sa akin at dahil sa wala na akong time para sa mga walang kwentang studyante na'to at male-late na ako, Inignore ko muna sila. Importante kasi ang subject na papasukan ko ngayon.
"Get out on my way! Hurry up!" Sigaw ko sa kanila at nagsitabi naman sila nagpatuloy ako sa paglalakad. Hindi pa naman siguro huli ang lahat at nakakaharap ko din sila.
ALBIE CONCEPTION's POV
"Sino ba yun? Kung maka-asta akala mo naman ay siya yung may-ari ng School? Ang Yabang" Pagtatanong ko kay Aila na kaibigan ko. Hindi lang kasi ako sanay na niyayabangan ng babae. Dahil pinagtitripan ko lang sila sa mga Campus ko dati. Since bagong transfer pa lang ako dito sa school na'to, Hindi ko pa masyadong kilala ang mga tao dito at hindi ko pa masyadong kabisado ang pasikot-sikot sa paaralang ito. Nanibibago lang ako sa bagong school na pinapasukan ko. Mas maganda at mas malaki sa huli kong pinapasukan. Actually pangatlong School na 'to.
"Ahh. Tsk. Kapag nakaharap mo yun wag ka na lang kokontra" Nagtataka ako kung bakit?
"Bakit naman? May mali ba sa pagkontra sa kanya?" Ng makarating na kami sa Cafeteria naupo kami sa gilid.
"Basta" Inis niya pa ring sabi siguro dahil sa hindi man lang siya nakaganti sa babaeng masungit na yun.
"Bakit nga? Naku-curious lang ako dahil ang dami ko pang dapat na malaman sa school na'to" Pagpupumilit ko sa kanya. Ayaw kong maging mang-mang kung bakit ganun na lang nila katakutan ang babaeng yun. First day pa lang kasi ng pumasok ako dito, May nakita akong babae na pinagmalditahan niya at hindi man lang siya sinubukang labanan nito.
"Ganito kasi yun, Siya kasi ang anak ng mangkukulam na si Aling Mameng. Hehehe.. Kaya kapag kumontra ka sa kanya ipapakulam ka niya sa nanay niya. Kaya nga nanahimik na lang ako dahil takot akong makulam. Ikaw gusto mo ba yun? Hehehe" Sabi niya. Natakot naman ako ng bahagya. Kumontra pa naman ako kanina baka ipakulam niya ako.
"Seriously? Anak siya ng mangkukulam? Sayang ang ganda niya pa naman. Kaso masama lang talaga ang ugali niya" Nadismaya lang ako. Parang hindi naman kapani-paniwala ang sinabi niya sa akin. Para kasing nagbibiro ang mukha niya.

BINABASA MO ANG
21 Steps to Get Your CRUSH
Romansa[21 Steps to Get Your CRUSH] Alam naman natin na ang bawat isa satin ay may bawat isang Crush. Sabi nga nila "Crush is Paghanga" kaya kung crush lang, Crush lang walang involve na pagmamahal kasi masasaktan ka lang. What if gumawa ka ng mga hakbang...