STEP 5
(Let Him Trust You)
Keshin's POV
Pagkanibukasan, parang ang tahimik ng school? Ang weird! Hindi ako sanay sa mga nangyayari ngayon. Dati pag pasok mo pa lang sa gate, bubungad sayo ang ingay ng mga nagdadaldalang mga kababaihan na tinatawag nating "Chismosa" Pero sa ngayon miski isang ingay wala kang maririnig maliban sa mga huni ng ibon. Minamaligno na ba ang school? Parang na -mute ang mga ingay ng mga kababaihan dito?.
Sa bawat paglalakad ko, feeling ko ang lahat ng mga mata nila ay sa akin lang nakatutok. Yung iba bakas sa mukha ang pagkatakot. Alam ko maganda ako pero, isa isa lang naman sana sa pagtitig, baka matunaw na ako niyan. Yung iba nagsasign language pa. Napaka obvious pa.
Hay. Hindi na talaga ako makapaniwala. Sila na ang quiet, Sila na ang behave, Sila na ang hindi noisy.
Teka? naglilista na ba ng noisy ngayon? at ang malilista ay may premyong punishment? Weird. Malayo sa katotohanan. Ikaw? may idea ka ba? Share mo naman.
Ang dami kong tanong makapasok na nga lang baka mabaliw lang ako sa kakatanong.
Pagdating ko sa room, himala ang tahimik at walang bumati sa pag pasok ko. Buti naman, at nadala na siya sa pagmamaldita ko.
Hindi ako tumingin sa front. Nakakasawa kasi kung titigan ko siya. Baka ma-high blood ako ng kay aga-aga. Teka, parang nag-iba ang seating arrangement? Nag patuloy parin ako sa paglalakad na para bang walang nakita. Dating gawain dedma lang.
"Yes? Miss Evidente? May kailangan po ba kayo?"
Ha? Lalaki na ang boses ni Pastrana? Hindi kaya epekto iyon ng ginawa ko sa kanya? O di kaya namamalik-tenga lang ako sa pagdinig? Minamaligno na nga ang school. Kaya nilingon ko siya.
Si Mr. Romero pala iyon. Tinignan ko rin ang paligid. Iba ang mga studyante. Mali ako ng Pinasukang Room. Sa kabila pala ang room namin. Nakakahiya.
"Ah... wala, I'm just checking every room for the cleanliness purpose only!" Dahil nga matalino ako, nakaisip ako agad ng idadahilan sa kanila.
Umikot ako around the room at napakagat na lang sa hintuturo.
"oh. Malinis naman pala. That's good 4BIM1B!.Bye!" Sabay exit sa room
Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Sa sobrang tanong ko sa sarili ko, ayun nagkamali ako ng pasok ng room. MayGhad kaya pala weird ang nararamdaman ko ngayon. Pero feeling ko hindi yun ang reason eh.
Puamasok ako sa kabilang room na may bakas ng pagkahiya sa mukha. Himala wala si Pastrana. Tatlo kasi subject nya sa amin. Baka nalaman na ni Grandpa ang mga nangyari. For sure napatalsik na yun? Dapat lang papansin kasi siya eh. Kaso wala na akong mapapagtripan.
"Sis!!" Si Basshi na nagbabasa ng book
Ang weird din ng babaeng 'to. Parang napansin ko lang kamakaylan lang nagbabasa na siya ng mga Books. Book of Einstien pa ang binabasa. Ehh.. Hate niya nga ang mga books eh. Except sa mga love story. Tibay ha. Kaya kinuha ko yung book na binabasa niya. Hindi kasi bagay eh.
"Hoy!! bakit mo kinuha?" Iritang tanong niya. At nalaman ko kung bakit.
"Huli ka! Ahh kaya pala. Nagbabasa ka lang pala ng EBook. Hindi na nakakapagtaka. Feeling mo genius ka. Patakip takip ka pang nalalaman ha! FYI hindi bagay sayo ang nagbabasa ng book!" Pagtataray ko sa kanya.
Tumingin siya sa akin at ngumiti. Sabi na nga ba eh.. Adik na talaga siya sa EBook.
"Bakit wala pa si Pastrana?" pagtatanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
21 Steps to Get Your CRUSH
Romansa[21 Steps to Get Your CRUSH] Alam naman natin na ang bawat isa satin ay may bawat isang Crush. Sabi nga nila "Crush is Paghanga" kaya kung crush lang, Crush lang walang involve na pagmamahal kasi masasaktan ka lang. What if gumawa ka ng mga hakbang...
