Chapter: The Start of Misirable Life Under his Hand

443 21 1
                                        

Chapter: The Start of Misirable Life Under his Hand

Keshin's POV

Ng matapos ang mga titigan na iyon, agad naman kaming dinala nila sa... sa kulay puting van na nakita ko kanina. Sinasabi na nga ba eh. Hindi Imagination ang nakita ko kanina. Si Chester talaga yun. So posibleng sila rin yung nakaputing van na dumaan sa tahimik na daan kanina.

At maya-maya nakita namin yung manong na nakatayo kanina dito.

Napatingin naman sa akin sina Basshi at Yaden na parang gustong ipahiwatig ay " Oo nga sis, tama ka ng iniisip. Hindi ka nagkakamali"

"Diba sir, Sila yung mga babaeng gusto niyong parahin kanina?" Tanong nung driver.

Napatingin naman ako sa Plate number ng van. May natandaan lang kasi akong huling number eh. "86" So totoo nga. My Gosh. Nakita pala nila ang kahihiyan namin kanina.

"H-hindi ah... Baka nagkakamali lang kayo?" Super defensive na sagot ni Basshi at Yaden.

Napatingin naman sa amin sila.

"Ganyang ganyan yung suot nila eh. SEXY" Sabi naman nung isang lalaki na hindi ko kilala

"Oo nga Kyro, Baka nga sila yun?" Nakangiting sabi ni Lance. Sungal-ngalin ko kaya bungo nito ng matauhan. So Kyro pala ang pangalan nung isa.

-----------

Albie's Vacation House

Di katagalan inamin din namin. Kesa mag-tagal pa kami dun sa bayan sa kakausap tungkol sa topic na yun. Nakakasawa. Kahit anong gawin namin mabubuko din naman at lalabas ang tunay na nangyari. Kinain na lang namin ang PRIDE na meron kami.

Nasa Vacation House na kami nila Albie. Maganda, Pwede na. Maaliwalas, Masarap ang simoy ng hangin gawa ng Malapit lang ito sa dagat. Yung tipo na pagkalabas mo, konting lakad mo lang dagat na. Gabi na kasi kaming nakarating dito kaya ito ang lakas ng hangin at ang sarap pakiramdaman. Nasa labas lang ako habang nagmamasid sa dagat. Baka sakaling may lumabas na sirena? Uso pa ba yun?

Nakaupo lang ako sa Hagdan pababa sa White Sand. Nakakarelax dito.

Maya-maya nakarinig ako ng naglalakad patungo sa aking kinauupuan. Ramdam mo gawa ng wood ang pagkakagawa ng sahig nito. Mala full house ang peg ng labas nito.

Naupo siya sa kabilang side medyo malaki ang pagitan namin sa isa't-isa.

Napalingon ako, Si Albie. Nakangiting nakatingin sa akin?

"Maganda ba?" tanong niya

Anong problema nito? Ngingitian-ngitian niya ako matapos ng lahat ng ginawa ko sa kanya.

"OO" Then I smirked

"Jan kita lulunurin. Hahaha" Natatawa niyang sabi. Lokong 'to ah.

Akmang sasampalin ko na siya ng bigla siyang nagsalita.

"Ops. Subukan mo akong sampalin, Matutulog ka ng di oras sa labas. Remember bahay ko and one thing, you're not invited sa bahay na'to. That's why kaya kitang palabasin ng de-oras" He smirked.

Ang kapal talaga ng lalaking 'to. UGH. So ako pa ang kawawa ngayo at aping-api? Pasalamat siya't nasa teretoryo niya kami. kung hindi.... Ugh...

Tumayo na lang ako at kinimkim na lang ang aking inis.

Pumasok ako at hinanap na lang sina Basshi at Yaden. Nasaan na kaya ang mga yun?

Yaden's POV

Nakaupo kami sa sala at nanunuod ng TV. Nasa harap ko sina Chester na walang kibo. Ano kayang nangyari sa lalaking yun? Bakit kaya hindi na siya namanansin?

21 Steps to Get Your CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon