STEP 9

1K 34 0
                                        

STEP 9

(Bonding)

Keshin's POV

Nang matapos ang ilang araw, Naglalakad nanaman ako sa hall way.

Lahat sila ay nakatingin sa aking ganda. Wala akong kasalan kung ipinangnak man akong maganda. Kaya sisihin nila ang mga magulang ko. Mainggit sila kung ano man ang meron ako ngayon.

Pumunta ako sa locker area. Dating gawain, Naglaglag nanaman ako ng letter sa locker niya at dumiretso sa locker ko para kunin ang books na kakailanganin ko.

Ng matapos kong kunin ang mga books ay dumiretso ako sa room. Nakasalubong ko si Sallen na may kasamang ibang girls. Mukhang nerd looking nanaman siya at this time. I smiled to her and she winked her right eye. Parang natatandaan ko lang yung face ng babaeng kasama niya.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. I don't have a time para isipin pa siya.

Naupo ako sa mamahaling upuan ko at tinignan si Basshi na nagbabasa nanaman siguro ng kwento sa Wattpad.

"Problem?" Tanong niya habang seryoso pa rin sa pagbabasa

"Bakit? Porket tinignan ka lang may problema agad?" Sabi ko sa kanya

"Mukhang may iniisip kang malalim, wag kang mag-isip masyado. Lahat ng nanaiisin mo ay darating sayo balang araw kaya mag hintay ka lang. Konting tiis at tyaga. Ngunit di lahat ng bagay ay libre, ang iba dito ay may nakaabang na kapalit. Wag kang magkakamaling ma-in love sa iba! Dahil mahal ka rin niya" Sabi niya, Di ko siya ma-get's

"Ha? Sis anong pinagsasabi mo? Umiiral nanaman yang pagka-alien mo!" Sabi ko sa kanya

"Hindi ako ini-alien, Sis. yun yung nabasa ko sa horoscope." Sabi niya

"Anong sign ba yan?" Nacurious lang ako

"T-teka lang, babasahin ko... Gemeni!" Sabi niya. Bigla akong kinutuban.

"Eh. Sign ko yan eh!" Sabi ko sa kanya

"Ay. Mali! Virgo nga pala ako. Bakit Gemini ang nabasa ko?" Pagtataka niya.

Parang bigla akong kinabahan na ewan. Hindi ko ma-explain kung anong weird na feelings ba ito? Bigla na lang akong kinabahan at hindi ko maialis ang mga sinabi ni Basshi sa utak ko.

Dala-dala ko pa rin ang mga katagang iyon hanggang sa makarating ako sa Basketball Court. Paulit-ulit na pumapasok sa isip ko, hindi ko alam kung bakit?

"Tsk. Bakit ka naman magpapaka-affected dun Keshin? Eh horoscope lang naman yun? Sira ulo ka talaga. Hindi mo dapat pinagiisip ng maigi ang utak mo sa wala namang kabuluhang bagay" Nagsasalita ako ng mag-isa. Iniwanan kasi ako ni Basshi. Susunduin niya lang daw si Yaden. Naka-upo akong nagmumukmok sa bench. Biglang may tumama sa aking bola.

"Anak ng Tipaklong!"

"Hoy. Keshin! Anong ginagawa mo dito!" Sita sa akin ng lalaking nasa aking harapan. Inis kong niliyad ang aking ulo at tinignan ko siya Nnakakapang galaiti. Si Jerhome lang pala.

"Bakit? Masama na bang maupo dito at magpalipas oras?" Tanong ko sa kanya

"Kabisado ko yang itinatakbo ng utak mo!" Sabi niya at naupo sa aking tabi

Tinignan ko siya ng masama.

"Ano yun?"

"Hindi ka nanaman pumasok sa School kasi may kailangan kang matapos na misyon sa araw na'to. If I know late ka na sa subject mo! Kung ako sayo pumasok ka na. Sinasayang mo lang ang oras mo." Napatingin pa siya sa kanyang relo. Bossy nanaman siya. Mas nasasayang ang araw ko kapag mapagaaralan ko nanaman ng paulit-ulit ang lesson ngayon. Nakalimutan ko nga pala na may mga steps pa akong natitira. Inilabas ko yung listahan ng steps ko at tinignan kung ano na lang ang natitira.

21 Steps to Get Your CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon